抖阴社区

--18--

5.2K 244 16
                                        

NAKATAYO si Charlie sa tapat ng kulay itim na pinto ng isa sa mga unit ng Silver Tower Condomiums, isang lugar na hindi niya akalaing matatapakan ng mga paa niya. Nadadaan-daanan niya lang dati ang mataas na gusali, ni hindi siya makalapit sa parking area dahil exclusive lang para sa mga tenant. Minsan na rin siyang naitaboy ng mga guwardiya, pinagkamalan siyang tindera ng chicharon, eh, napadaan lang naman siya bitbit ang nabiling chicharon sa unahan. Ngayon ay nasa mismong loob na siya ng gusali, kaharap ang unit na tiyak niyang isa sa pinakamahal. Aba, apo lang naman ng may ari ng Silver Tower ang nakatira doon.

Bumuga ng hangin si Charlie, naalala kung paano siyang napunta roon. Tanghali kanina nang may humintong magarang kotse sa tapat ng gate nila. Mula roon, bumaba si Doña Lorena Del Castillo at ang private nurse nitong si Anette. Kinabahan pa nga si Charlie, inakalang susunod na bababa si Timothy pero nanatiling sarado ang lahat ng pinto ng kotse. Kinausap siya nang sarilinan ng donya, sinabi ang pakay.

"It's my grandson's thirtieth birthday tomorrow. Hindi ako mapalagay na mag-isa lang siya sa condo unit niya. Go to his place, stay there and look after him. Make sure he's well and safe." Naglabas ito ng maliit na envelope na may lamang VIP card, isang set ng susi at note na may nakasulat na mga numero.

"Hanggang kailan po ako mananatili roon?"

"Until I say so," malamig nitong sabi. "Until I'm certain he's safe. Stay on bed with him and make sure he's still breathing the next morning."

"P-Po?" Stay on bed with him daw. "Pero ang akala ko po ligtas na si Timothy? Ikinasal na po kami."

"Gusto ko pa ring makasiguro. Besides, you and Timothy cheated. Nagpakasal kayo kahit na walang namamagitang pag-ibig sa inyo."

Kinagat ni Charlie ang dila para pigilan ang sariling magsalita. Ang sabi ni Timothy, kailangan lang na maikasal at mabasbasan sa simbahan. Tapos ngayon, kailangan pala na may pag-iibigang mamagitan sa kanilang dalawa?

"I know what Timothy did. Alam ko ang tungkol sa kasunduan ninyo. Alam ko na wala kayong relasyon. Alam ko kung hanggang saan lang ang responsibilidad mo sa apo ko. At alam ko rin na binayaran ka niya nang malaki para doon. I don't care about the money he wasted on you. It's his money. Dadagdagan ko ang bayad na 'yon. Fifty thousand a day. Sapat na ba 'yon?"

Malumanay ang paraan ng pagkakasambit ni Doña Lorena ng mga salita pero pakiramdam ni Charlie, may kasamang sampal ang bawat titik, bawat kataga, bawat tuldok. Nasaktan siya. Nainsulto. Lumiit bigla ang tingin niya sa sarili.

"Hindi po ako magpapabayad sa inyo, Madam," aniya. "Hindi ko po matatanggap ang perang ibibigay ninyo pero gagawin ko po ang gusto ninyo. Sasamahan ko si Timothy, sisiguraduhin kong hindi siya mawawala sa inyo."

Hindi naman manhid si Charlie, ramdam niya na hindi siya gusto ng lola ni Timothy. Noong kasal at reception, hindi lalagpas sa limang pangungusap ang binitiwan nito sa kanya. Napansin din niya na iba ang tinging ibinibigay nito sa kanya. Nanunuri ang mga iyon. Parang binabantayan ang bawat kilos at salita niya. Ang totoo, halos lahat ng bisita nang araw na iyon, ganoon ang tingin sa kanya. Sa tatlong pinsan lang ni Timothy niya naramdaman ang totoong mainit na pagtanggap. Nakipag-usap ang mga ito sa kanya na parang kasapi na talaga siya ng mga Del Castillo.

Bumuga muna ng hangin si Charlie bago inilapit sa buzzer ang daliri. Pumindot siya at naghintay. Lumipas ang ilang sandali, nanatiling nakapinid ang pinto sa harap niya. Wala ba si Timothy sa loob? Baka lumabas at may pinuntahan. Pero ang sabi ni Doña Lorena kanina, walang balak na lumabas ang apo nito. Tinawagan na niya ang numero ni Timothy. Nag-ri-ring na pero walang sumasagot. Dinutdot niya uli ang buzzer. Wala pa rin.

Nagsimula nang maghinala si Charlie. Paano kung may masama nang nangyari kay Timothy sa loob? Paano kung nakatulog pala ito at hindi na gumising?

"Hindi," mariin niyang sabi, kinalkal ang mailman bag at hinanap ang envelope na ibinigay ni Donya Lorena. Kinuha niya ang papel na sinulatan ng code ng unit ni Timothy at itinipa ang mga iyon sa pad na nasa ibaba ng buzzer. May nag-beep sa pinto at nang itulak, bumukas iyon. "Timothy!" malakas na tawag ni Charlie pagkatapak sa loob. "Nandito ka ba? Wer na you?"

My Bride, My Enemy: CHARLIE (SOON TO BE PUBLISHED UNDER SWEETHEARTS ROMANCES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon