抖阴社区

--33--

5.2K 196 4
                                    

HINDI na bumalik sa Maynila sina Charlie at Timothy. Pumunta sila sa pinakamalapit na convenience store at bumili ng makakain nila. Bumili na rin sila ng pang-almusal kinabukasan, ng bagong mga toothbrush, toothpaste, sabong pangligo at shampoo. Pagkatapos kumain ng hapunan, tumambay sila sa gazebo sa likod, may kani-kaniyang hawak na tasa ng mainit na tsokolate, nagkuwentuhan tungkol sa kung anu-ano-sa kabataan nila, mga kalokohang nagawa nila, ang tungkol sa buhay niya bilang bread winner, ang tungkol sa buhay ni Timothy noong nag-aral ito sa abroad. Noon lang niya nalaman na sa isang business school ito sa Amsterdam nagtapos ng kolehiyo, na limang taon itong nagtrabaho sa kompanya ng pamilya nito bago ipinasyang magsarili. Hindi raw nito gusto ang pressure na ibinibigay rito ng mas matataas na opisyal ng kompanya. Nalaman niya ang ilang hobbies ni Timothy-water surfing, paragliding, rock climbing...interesado ito sa astronomy, pangarap dati na maging astronaut at nakatapak na raw ito sa NASA Station. Marunong din daw itong tumugtog ng piano, mahilig itong magbasa ng detective at horror stories, nanonood ito ng anime-paborito nito ang Detective Conan at Death Note. Kung ano man ang mga iyon. Nang malaman nitong hindi niya kilala ang mga anime na binanggit nito-dahil hindi naman niya hilig manood ng mga ganoon at oo, wala siyang panahon-, binuksan nito ang isang folder sa cellphone nito at tinanong kung gusto niyang panoorin. Iyon ang ginawa niya sa sumunod na mga oras. Death Note ang pinili niya dahil nakuha ng unang episode n'on ang interes niya.

Lumipat sila sa silid nito nang lumalim na ang gabi. Nakatulugan niya ang panonood ng Death Note. Nang maalimpungatan bandang hatinggabi, tulog na rin sa tabi niya si Timothy, yakap siya mula sa likod. Nagsumiksik siya sa katawan nito nang maramdaman ang lamig ng paligid. Nagising siya kinabukasan na mukha ni Timothy ang una niyang nakita. Mukhang kanina pa ito gising at pinapanood siyang matulog. Nahihiya na nag-alis siya ng muta, kinapa ang sulok ng mga labi dahil baka tulo-laway siya.

"Ready na ang breakfast sa gazebo," anito, inayos-ayos ang ilang hibla ng buhok niya. "Kung gusto mong maligo, may hot shower sa banyo, nasa cabinet ang ibang tuwalya. I still have extra shirt and pants that you can use. Though, I prefer you wearing that dress." Tinanguan nito ang dress niya na nakasampay sa sandalan ng isang sofa. Natulog siya kagabi suot ang shirt nito na nakuha sa aparador. Nag-i-stock daw talaga ito ng mga damit doon dahil minsan, sa bahay na iyon ito nananatili nang ilang araw. "Maghihintay na lang ako sa baba."

"Ayaw mo akong samahang mag-shower?" tukso niya rito. Nanlaki nang kaunti ang mga mata nito. "Joke lang. Uy na-excite." Binuntutan niya ng tawa ang sinabi nang makitang lumaylay ang mga balikat ni Timothy.

"Ikaw." Pinisil nito ang isa niyang pisngi. "Huwag kang magbibiro ng gano'n. Baka totohanin ko bago ka pa makasabi ng 'Joke lang'."

Itinaboy na niya ito bago pa man mapunta sa kung saan ang usapan nila. Mahirap na, baka nga mahila niya papunta sa shower si Timothy lalo't habang tumatagal, pahina na nang pahina ang kontrol niya sa sarili. Pero naisip niya, kung gagawa ba sila ni Timothy ng...ganoon, maikokonsidera ba iyong kasalanan? Matatanda na sila, kasal sila at alam niyang pareho nilang gusto iyon. Walang pilitan kaya wala silang batas na lalabagin. Pero handa na ba siya kung sakali? Handa na ba siyang isuko ang bandera ng Bataan?

"Hayst!" palatak niya, nangaligkig. "Bataan-bataan." Hindi naman nila kailangang mag-ganunan ni Timothy. Okay na sa kanya na nayayakap siya nito gabi-gabi, na araw-araw niyang natitikman ang masarap nitong halik, na nakikita ang mukha nito, naririnig ang boses. Okay na siya sa kaunting landian nila.

Pumasok na siya sa banyo at nag-shower. Nakita niya ang cabinet na sinasabi ni Timothy na kinalalagyan ng mga tuwalya. May puting bath robes din doon. Kumuha siya ng isa at ibinalabal sa katawan. Lalabas na sana siya nang mahagip ng tingin niya ang basurahan sa ibaba ng lababo. May tube ng toothpaste roon na halos hindi pa nababawasan. Hindi iyon ang toothpaste na binili nila ni Timothy. Dinampot niya ang toothpaste at may nakita sa ilalim. Sepilyo na kulay itim at dilaw, sa tabi ay may isang bote ng shampoo at shower gel.

My Bride, My Enemy: CHARLIE (SOON TO BE PUBLISHED UNDER SWEETHEARTS ROMANCES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon