抖阴社区

--32--

5.7K 222 3
                                    

HINDI na nakatulong sa bigasan si Charlie. Paano? Hindi siya makapag-pokus. Walang laman ang isip niya kundi ang lakad nila ni Timothy nang hapong iyon. Bago ito umalis kanina, ipinaalala uli nito ang tungkol doon. Alas tres ng hapon daw sila aalis. Ayaw nitong sabihin kung saan sila pupunta. Napilitan siyang sabihin kina Gracia na may lakad sila ni Timothy nang ito utusan niya mag-withdraw ng pera para sa ATM para sa suweldo ng mga karpintero nila. Mas na-excite pa si Gracia sa kanya, inanunsiyo sa buong bahay na may date sila ni Timothy. At ang nanay niya, akala mo tumama nang libu-libo sa loteng. Napatalon at napapalakpak pa.

"Gracia, ayusan mo ang ate mo. Pagandahin mo nang husto 'yan," susog pa nito sa kapatid niya.

"Hindi nga po kami mag-de-date," giit niya sa hindi na mabilang na beses pero bingi ang kanyang ina. Buong umaga na maganda ang mood nito, nag-offer na ito na ang mag-w-withdraw sa ATM. Himala iyon dahil takot mag-withdraw sa ATM machines ang nanay niya. Pero hinintay pa rin nito si Gio mula sa eskuwelahan para magpasama dahil baka raw targetin ito ng Budol-Budol Gang.

"Kailangan ba na naka-ganito ako?" reklamo ni Charlie nang iharap siya ni Gracia sa salamin. Hindi na naman siya nito tinantanan sa kakakulit na ayusan siya. "At saka hindi ko nga alam kung saan kami pupunta ni Timothy." Pinasuotan siya nito ng itim na bestidang medyo hapit sa katawan, labas ang mga tuhod at binti niya. "Paano kung sa bundok pala kami pupunta at manghuhuli ng kuligkig?"

"Ano naman ang gagawin ni Kuya sa kuliglig? Kaloka ka, 'Te. Isuot mo 'to." Inilapag nito sa sahig ang mataas nitong sandals.

Kontodo-iling si Charlie. "Alam mong hindi ako nagsusuot ng ganiyan."

"Tss. Paano kung may mga formal events na dadaluhan si Kuya at kailangan niyang isama ang misis niya? Masanay ka na dapat ngayon. Tsaka mababa lang 'yan, two inches lang. Wedge ang takong kaya hindi ka mahihirapang maglakad."

Wedge? Ano ang wedge? Malay niya sa wedge-wedge. "Kailangan ba na naka-takong sa mga formal events na 'yon?"

Humagikgik si Gracia. "Uy, hindi itinanggi na misis siya ni Kuya Tim. Dati, tuwing sasabihin naman 'yon, grabe ang palag mo."

"Dahil nagsasawa na akong sumaway sa inyo." Sinulyapan niya ang relos. Ala dos y media na. Namilipit ang tiyan niya. Habang papalapit ang oras, tumataas ang tensiyon niya. O sige na, may kaunting parte niya ang umaasa na sa isang date nga sila pupunta ni Timothy.

Inayos ni Gracia nang isa pang beses ang buhok niya-may bangs ulit, naka-pusod at tinalian ng ponytail na may perlas-bago siya nito tinantanan. Ten minutes bago ang alas tres, may narinig na siyang busina sa labas ng bakuran nila.

"Ate, nandito na si Kuya!" sigaw ni Gracia.

Pumikit si Charlie, kinalma ang paghinga at lumabas ng silid niya. Papasok na sa sala si Timothy-na napahinto nang makita siya. Umangat ang dalawa nitong kilay, pinasadahan siya ng tingin. At si Charlie, gustong tumambling pabalik sa silid niya at hubarin ang mga suot. Paano naman kasi, si Timothy, simpleng sweatshirt, walking shorts na khaki at rubber shoes lang ang porma. Habang siya, naka-make-up pa!

Sa isang tabi, nakangiwi si Gracia habang palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Timothy. Halatang-halata na hindi sila sa isang date pupunta. Tama nga yata ang iniisip niya. Mamumundok sila.

"Uh...t-tinesting ko lang ang mga 'to. Para sa...sa binyag ni Chinky. Magbibihis na nga ako," palusot ni Charlie.

"No, don't," maagap na pigil ni Timothy, nagsimulang lumapit. Kinuha nito ang kamay niya at pinisil. "Huwag ka nang magpalit. You're mesmerizing, sweetheart."

Nakita niyang namilog ang mga mata ni Gracia at kinapitan sa braso si Gizelle na kakalabas lang ng kusina. "Sweetheart?!" walang boses na usal nito pagkatapos ay parang tanga na nagkikisay sa pinto.

My Bride, My Enemy: CHARLIE (SOON TO BE PUBLISHED UNDER SWEETHEARTS ROMANCES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon