抖阴社区

Chapter 2

8.4K 240 30
                                    

Chapter 02:Royalties

Diana's POV:

"Diana,Gising kana ba!?Bilisan mo malalate na tayo!"

Sigaw ni Tina habang kumakatok ng malakas. Balak ata sirain ang pintuan ko. Umungol ako dahil ayoko pa bumangon pero wala akong pagpipilian kung hindi bumangon dahil hindi siya tumigil sa kakakatok.

"Oo na, Maliligo na" Antok na sabi ko kaya tumigil din agad ang katok. Pagkatapos ko maligo ay lumabas akong naka towel lang.

Sout kona ang Uniform ko at nakita ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ng uniform shet! Parang korean ganon.

Kulay white na polo siya hanggang pulso then black na palda na above the knee then may black din na Blazer tapos may ribbon na Black den. All black siya na nagbigay ng comportable sa pakiramdam ko.

Nagpulbo lang ako tapos liptint okey na. Naglagay din ako ng black na headband.

Paglabas ko ay sakto ding paglabas ng dalawa. Tumitig sila sa akin with wide eyes tapos nakanganga pa kaya natawa ako.

Tumitili sila kaya napatakip ako sa tenga ko. "Oh my gosh!" sabay talon talon na yakap sa akin ni Tina. Hinatak nila ako palabas sa kwarto namin.

"Mukha kang goddess" seryoso na sabi ni Lily. Natawa naman ako dahil alam ko naman iyon.
Chor, naiilang talaga ako.

Pagdating namin sa Mismong Academy ay maraming nakatingin sa amin sa akin to be exact.

Nagtago naman ako sa gitna nila kaya natawa silang dalawa.

"Ganiyan talaga pag maybago dito" Awkward akong tumango dahil sa sinabi Tina. Nakakahiya.

Pumasok kami sa Room namin. Wow, Naka aircon pa nga ang yaman naman ng Academy na ito. Sa school namin dati Eletric Fan lang na dalawang piraso swerte kapa kung ikaw mauuna.

Syempre nakatingin nanaman sila sa ganda ko pagpasok ko pero hindi ko nalang sila pinansin at umupo na sa pinaka dulo kasama si Tina at Lily.

Habang naghihintay sa Profesor namin ay tumingin muna ako sa bintana. Naiilang kase ako tumingin sa loob ng Room dahil halos lahat ay tumitingin sa akin.

Si Lily at Tina naman nag-uusap tungkol sa mga gwapo nanaman. Hindi ako mahilig sa gwapo pag sa kwento lang pero pag nakikita ko sa personal syempre add to heart agad.

Kung titingnan ay normal lang na mga studyante ang makikita mo sa labas. Kita ko ang lahat sa baba dahil Nasa 5th floor kami. May mga nagmamadali dahil malalate na sila, May mga magjowa na akala mo walang tao sa paligid dahil sa sobrang sweet. Tumingin ako sa kabilang bahagi merong grupo ng mga kaedad namin na masayang nagtatawanan.

May tumatakbo at gumagamit ng kapanyarihan na agad din nilang tinitigil dahil nakukuryente sila ganun pag gumamit ng kapanyarihan para sa walang kwentang bagay. Which is good dahil kawawa naman akong powerless diba.

Kumunot ang noo ko ng mapatingin sa kabila pang side ng Academy. Lahat ng busy na student kanina. Nakatingin sa direksyon na 'yun may tumitili may nakanganga. Ano bang meron doon?

May Anim na Kaedad namin na naglalakad. Walang pake sa mga taong o diwata? whatever na nakatingin sa kanila.

"Anong tinitingnan mo diyan at kunot na kunot ang noo mo?" taka na tanong nila Lily sabay dungaw sa bintana. Tumango siya sa hangin na para bang na gets niya na.

Umupo silang dalawa ni Tina sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Sila ang Royal 6.Miyembro sila ng Matataas na kingdom dito sa mundo naten."

"Mga Prinsesa at Prinsipe sila to be exact"

Pagpapaliwanag ni Lily at Tina. Tumango nalang ako dahil sanay na ako sa ganiyan pero hindi ko inexpect na may ganiyan talaga sa totoong buhay. Well, wala palang imposible sa mundo na 'to. Nababasa ko lang sa libro dati ngayon ng yayari naden sa buhay ko.

Magtatanong pa sana ako ng pumasok na ang Professor namin kaya bumulong sila sa akin na mamaya na nila ikukuwento. Nakanguso akong tumango dahil ayoko ng nabibitin.

Ang kanina naming maingay na paligid ay biglang umayos ng dumating ang Prof namin na mukhang anghel. Inosente ang mga mata niya,May matangos at maliit siyang mukha kung tutuosin ay mukhang magkaedad lang kami.

"Hi everyone, I am Elena Galindez. Your Adviser for this Year. So, I have 2 rules. First, Pay attention tuwing nagsasalita ako. Last, Kailangan pag nagtanong ako ay palagi kayong makakasagot"

Tumango naman agad kami dahil sa sobrang strict ng boses niya. Kung gaano ka anghel ang mukha niya ganon naman siya kabangis.

"So, Magpakilala kayo isa-isa" Nag-umpisa sa harapan kaya nagsimula na sila. Ako nag pinakadulo kaya ako ang mahuhuli. Ako na ang magpapakilala kaya tumayo ako lahat ay natingin sa akin habang naglalakad ako papunta sa harap. Phew, Nakakakaba.

"Uhm, hello ako si Diana Lopez.18 years old uhm ano paba? Basta hope to be friend tayo" Pilit na sabi ko sabay lakad sa umupuan ko.

Wala naman kaming ginawa ngayon araw puro pakilala lang bawat subject nga rules. Wala den naman akong maintindihan dahil ang iniisip ko ay yung mga Royalties. Ano kayang meron sa kanila na nagpakuha ng interest ko?

Nagyaya sila Tina sa cafeteria na agad kong sinang-ayunan dahil gutom na gutom na ako. Hindi ako masyadong nakapag umagahan dahil nagmamadali yung dalawa.

Pagpasok namin sa Cafeteria at nakatingin nanaman sila sa akin kaya yumuko ako habang nakanguso bakit ba ganiyan sila!

"Isa pong Ice cream chocolate then Big size fries po tapos Ayon po isang spaghetti then pansit po tapos ice tea and milktea po" natulala naman ang tindera sa akin kaya umubo ako. Nagmadali naman siyang kumilos kaya natawa ako.

"Grabe ang takaw mo!" Nang-aasar na sabi ni Tina ng makita ang order ko. Madami ba ito? Nag diet na nga ako.

Habang kumakain ako ay may narinig nanaman akong bulong bulungan. Nakatalikod kase ako sa pinto kaya hindi ko kita kung sino ang pumasok. Lumingon ako doon at pumasok pala ang royalties. Shit para silang walking god and goddess, ako nalang kulang.

Nasa may daanan ang table namin kaya madadaanan nila kami. To be honest hindi naman ako kagaya ng iba na halos isamba sila. Nacurious lang ako kaya napapatingin ako sa kanila.

Dumaan sila sa table namin kaya lumingon ako. Hindi inaasahan na magtatama ang tingin namin ng isang lalaking mukhang masungit. Tumitig siya sa akin pero nagtuloy tuloy din sa paglalakad.

"So, Magkwento na kayo!" Sabi ko sa kanila habang kumakain ng Fries. Uminom muna ng tubig si Tina bago nagsalita.

"So ayon na nga. Sila ang Royalties ganon. Binubuo sila ng 6 na miyembro. Hindi lang dahil anak sila ng hari at reyna kaya sila ginagalang sila ang may hawak ng pinaka malakas na elemento ng mundo natin" Mahabang paliwanag ni Tina.

Elemento? Like, nuno? Chanak?

"Anong elemento?" Takang tanong ko.

"Ang 6 na elemento. Fire, Air, Water, Light, Earth and Ice" sabat ni Lily habang kumakain kaya tumango ako. So, sila pala 'yon. Ang galing ano kayang feeling ng makapanyarihan?

Wala sa sarili akong tumingin sa table nila. Nabulunan naman ako ng makitang nakatingin halos lahat sila sa akin. Huh? Sa akin? Nag-iwas ako ng tingin sa kanila dahil nakaramdaman ako ng kaba.

"So, Sino sino sila?" pagbabalik ko sa usapan para maiwasan ang pagkailang.

Devika Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon