Chapter 10:Battle
Diana's POV:
"Diana, Come on late na tayo!"
Napanguso nalang ako dahil sa lakas ng sigaw ni Tina. Buti nalang, 8 AM pa ang pasok namin ngayong araw. Ganon daw palagi ang schedule pag-P.E class. Nagsuot nalang ako ng black leggins then sports bra na black, pinatungan ko ng white T-shirt as cover up.
"Magdadala pa ba kayo ng bag?" Tanong ko sa kanila pagkalabas ko ng kwarto.
Umiling naman sila kaya iniwan ko nalang din ang bag ko sa loob. Parehas kaming tatlo na naka leggings at black rubber shoes.
"Bakit ganito ang pinasuot sa atin?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad kami papunta sa field. Hindi sa normal na field with grass, it's a battle field.
"Ganito talaga pag P.E. Ituturo kung paano lumaban incase na biglang sumugod yung last kingdom."
"Pano 'yan? Hindi ko pa din nga alam kung anong magic ang meron ako?"
Sabay silang tumingin sa akin, parehas silang ngumiti sa akin.
"Hindi naman kailangan ng magic dito. Kailangan ng lakas at tibay ng katawan."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Tina. Wala akong problema sa pakikipag laban dahil tinuturuan ako ni Mamita. Dati ay nagtataka pa ako pero ngayon ay naiintindihan ko na. Marahil ay ito ang nakatadhana sa akin.
Napahawak ako sa kwintas ko ng maalala ko si Mamita. Wala pang nakakakita nito kahit si Lily at Tina. Hindi ko alam pero may pakiramdam ako na kailangan ko itong itago. Pagdating namin sa Battle Field ay halos kumpleto na ang lahat, Prof nalang namin ang wala.
"HEY GIRLS! HERE!"
Napatingin naman kami sa side nila Allyson ng tawagin niya kami. Kaya naglakad kami papunta sa side nila. Hindi gaya namin na nakaleggings silang dalawa ay naka black na shorts. Ang puti ng legs nila samantalang yung akin ay morena.
"Why so tagal all of you?" Ceridwen asked. "Kanina pa kami here."
"Eto kase ang tagal magbihis."
"Nalate ako ng gising, okey?" Pagtatanggol ko sa sarili ko dahil parang ako yung may kasalanan, ako naman talaga.
"Bakit ka naman late?" Taas kilay na tanong ni Allyson kaya natigilan ako.
"Siguro may iniinisip ka?" Sabi ni Lily na may kasamang asar kaya agad akong namula. Palihim ko siyang ko siyang kinurot dahil baka mahalata nila.
"Ano ba kase iniisip mo?" Sabat ni William. Sasagot pa sana ako kaso sumabat si Lily.
"Anong ano? Baka SINO?" Diniinan niya pa yung word na sino kaya tumingin silang lahat sa akin, nang-aasar.
"Si Mamita!" Palusot ko sabay kurot sa dalawa dahil sasagot pa sila.

BINABASA MO ANG
Devika
FantasyPain have 2 effects. It's either, you'll be strong because of pain or the pain will change you. 10/01/2020