Chapter 30:Training 0.1
Diana's POV:
"Diana! Bilisan mo na, Nasa baba na daw ang Royalties." Sigaw ni Tina kaya mabilis akong lumabas dahil alam kong hindi siya titigil kakasigaw.
Ngayong araw ang first day ng pratice namin. As usual, all black nanaman ang suot ko. I love black hindi mawawala ang kulay itim sa damit ko. Black na leggings and sport's bra ang suot ko. May patong lang ito na jacket para hindi masyadong lantad. White na rubber shoes at tinali ko ang buhok ko na pa tirintas.
"Let's go?" Tumango sila sa akin at sabay-sabay kaming lumabas.
Ugh? Hindi pa pala kami kumakain nagugutom na ako.
"Hey, Tina. Kain muna tayo? I am so hungry" Paawang sabi ko pero tinarayan lang nila ako.
Tumayo kami sa harap ng elevator at hinintay itong bumukas. "Tina,come on" Pag mamaka awa ko.
Bumukas ang elavator kaya pumasok na kami. "Kanina kapa kase ginigising! Napaka bagal mo kumilos! Kami nakakain na lahat lahat ikaw naliligo palang!" Ayan na nga nagsermon nanaman si Nanay Tina.
Tumingin ako kay Lily, humihingi ng tulong pero imbis na tulungan ako ay tinawanan niya lang ako. Nakabusangot ako hanggang sa pagbaba namin. Sa labas ng gate ng Girl's Dorm ay nakatayo doon ang royalties.
"What took you so long?" Tanong ni Denver.
Tumingin sa akin si Tina kaya ngumuso ako inirapan niya lang ako bago sumagot kay Denver "Yung isa kase dyan parang pagong kumilos!"
Napatingin sila sa akin kaya mas humaba ang nguso ko. Tumawa lang sila at nag-umpisa ng maglakad. Nasa dulo ako, I looked at Theron ng tumabi siya sa akin.
"Good morning" He greeted.
"Morning" I weakly said.
"Hmm? Bakit ganiyan mukha mo?"
"Ano? Maganda?"
"Pfft. Para kang bata na inagawan ng candy" He said before laughing.
Masama ko siyang tiningnan kaya pinigil niya ang tawa niya.
"Gutom na ako. Hindi pa ako kumakain" Nakasimangot na sabi ko.
Napatingin ako sa kaniya ng makita na seryoso na ang mukha niya."You're not eating yet?"
"Oo"
Gulat akong napatingin sa kaniya ng hawakan niya ang wrist ko and we vanished in the air.
Nasa harap na kami ng Cafeteria. Pumasok kaming hawak niya padin ang wrist ko. Syempre, gaya ng dati ay bulong-bulungan nanaman everywhere. Hay nako!
"Umupo ka dyan and don't try to escape" He warned.
Bakit ako aalis gutom na ako! Habang bumibili siya ng pagkain ko ay narinig ko ang mga bulungan. Masakit ang mga sinasabi nila pero mas pinili kong wag nalang magsalita.
"What a slut."
"Nilandi niya lang si Prince for sure!"
"Agree"
"Hindi naman siya maganda infact she is negra"
"Oo nga,Gusto lang ng atensyon"
And more. Ang sakit man isipin na ganon ang tingin nila sa akin pero mas pinili kong huwag nalang intindihin. They don't know me kaya wala silang karapatan na sabihan ako ng ganon.
Nagtaas ako ng tingin ng may maglapag ng maraming pagkain sa lamesa ko.
"Bakit ang dami?" Takang tanong ko kay Theron habang sinusuyod ng tingin ang mga pagkain.
BINABASA MO ANG
Devika
FantasyPain have 2 effects. It's either, you'll be strong because of pain or the pain will change you. 10/01/2020
