抖阴社区

Chapter 3

7.9K 251 6
                                        

Chapter 03: Heirness

Diana's POV:

Nang magsimulang magpaliwanag at magkwento ni Tina at Lily, nawala ang atensyon ko sa mga taong nasa sakin ang paningin.

"So, first of all. Binubuo sila ng dalawang babae at apat na lalaki." Tina started.

"Si Princess Allyson Hawk. Ang Princess ng West Kingdom. She's the holder of Earth Element. Siya yung singkit at maliit ang mukha. Matangos ang ilong niya at may bangs siya. Dahil nga siya ang holder ng element ng lupa, kaya niyang paamuhin ang kahit anong hayop. Wild man 'yan or hindi. May kwento pa nga na kahit tingnan niya lang, agad itong kumakalma. Siya rin ang pinaka maarte pero mabait sa kanilang grupo."

"Next, Si Princess Ceridwen Cassandra Green naman. Ang princess naman ng North Kingdom. Siya ang holder ng Water Element. Ang pinakapansin agad sa kaniya ay 'yung kissable lips, pulang pula. Makapal ang pilik mata niya habang bagsak na bagsak ang buhok niyang hanggang bewang, kulay brown din ito. Gaya naman ng agos ng tubig ay napaka ganda ng boses niya. Nagagamit niya din ito para makasira ng mga bagay gaya naman ng alon. Siya ang pinaka mahinhin sa kanilang lahat."

"Well, Si Prince William Stone. Siya ang Prince ng South Kingdom. Siya ang humahawak sa Wind Element. Siya raw ang pinaka-playboy sa kanilang grupo pero nakakatakot naman siya pag nagseryoso na siya which is minsan lang. Siya 'yung may hikaw sa isang tenga, diamante na sobrang kinang kahit nasa malayo ka pa. Matangos din ang ilong niya at may malalim na mga mata. May malalim siyang dimple, kaya mas lalo siyang nagmumukhang playboy. Gaya naman ang Hangin ay napakabilis niyang kumilos, sobrang pino na hindi mo halos masasabayan at masundan."

"Si Prince Theron Blood. Ang prinsipe ng East Kingdom. Siya din ang may hawak ng Fire Element. Sabi ng mga matatandang henerasyon, ang holder ng apoy ang pumapangalawa sa pinaka makapayarihang tao sa lahat sa mundo natin. Siya 'yung masungit, walang pake alam sa paligid, cold person in short. Siya 'yung may makapal na kilay, pointed nose, kissable lips at may pierce black eyes. May peklat din siya sa gilid ng labi niya na naka-kapagdagdag ng attractivenessniya. Gaya ng apoy, sobrang hirap niyang lapitan o hawakan. Malakas ang pakiramdam niya, gaya ng apoy hahawakan mo palang siya ay napaso ka na. Siya ang pinaka matalino sa grupo. Siya rin ang leader ng group."

"At ang dalawa naman ay sina — "

Hindi natapos ang sasabihin ni Tina dahil nag-bell na. Sabay sabay kaming tumayo para pumunta sa susunod naming klase.

"Stop pouting, Diana. Mamaya itutuloy namin ang kwento 'wag kang mag-alala." Natatawang sabi ni Tina.

"Oo nga, masaya pa naman kami pag nagkwento tungkol sa kanila, don't worry." sabi naman ni Lily.

Ang subject namin ngayon ay History, wala akong gana dati sa A.P pero dahil kakaiba ang mundong ito ay focus na focus ako sa araling meron kami.

"Alam nating lahat na binubuo tayo ng pitong kaharian. Ang North, South, East, West, Middle at ang Last." Biglang nagkaroon ng bulungan kaya nalilito akong tumingin sa paligid. "Class, alam kong nabigla kayo dahil sa pang-pitong kaharian. Pito dapat ang kaharian kung hindi lang nagsarili ang panghuling nasabing kaharian." Napalunok ako habang nakikinig sa kwento ni Hewd Master. Oo, si Head Master ang teacher namin sa History.

"Bakit nga ba nagsarili ang kanilang kaharian?" He looked around, I gulped when our eyes met. "15 years ago ay nagkaroon ng labanan ang Last kingdom  at Middle Kingdom. Ang dahilan?" He smiled at me before looking around. "Dahil 15 years ago nag-eclipse at nang araw ding iyon ay naghanap ng bagong tagapangalaga ang mga elemento. Walang nakaka-alam kung sino ang mapipili tanging ang mga Diyos at Diyos lamang." Tumingin si Head Master isa isa sa amin. Lahat kami ay tahimik na nakikinig sa kaniya.

Devika Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon