Chapter 40:Party
Devika's POV:
"Ang ganda-ganda ng Baby Princess ko." Sabi ni Mama habang nakatingin kaming dalawa sa salamin.
Ngayong araw ang welcome party ko.cAyoko sana ng ganito kaso naawa naman ako sa mga magulang ko ng sabihin nila na kahit papaano daw ay maibsan ang pagkawala ko. Ngumiti ako kay Mama at humarap sa kaniya.
"I love you, Mama and I am so lucky to meet you. Gusto ko lang po sabihin na kahit hindi kayo Royalty ay masaya paden akong makilala kayo nila Kuya at Papa"
Lumuluhang hinaplos ni Mama ang mata ko. Ngumiti siya at tinitigan ako."Masaya din ako na nakilala kita. Ang tagal kong hinintay ito" I wiped her tears before smilling at her.
Hinarap niya muli ako sa salamin at nagulat ako ng hubadin niya necklace na bigay ni Mamita.
"Mama?" Takang tawag ko.
"Ang Necklace na ito ay ang nagtatago ng tunay mong pagkatao. Para hindi ka maamoy ng mga kalaban pero ngayon dahil nahanap ka nanamin ay maari mo na itong hubadin."
Ngumiti ako at tumitig muli sa salamin ng may kinuha si Mama na pulang kahon na naglalaman ng kwintas. Tinaas ko ang buhok ko para masuot niya ito sa akin.
Simpleng bilog ito pero sa loob nito ay may kurona na design.
"Ito. This is our family symbo."
Hinaplos ko ang kwintas na ito at sa hindi malamang dahilan ay napaluha ako. It's my home. Humarap ako kaya Mama at niyakap siya. Hindi ako lumuluha o kahit ano. Nakayakap lang sa kaniya at nakapikit. Dinadama ang kaniyang yakap.
"Can I join?"
"Pano naman kami?"
Nag-angat ako ng tingin and I smile ng makita ang tatlo sa pinaka importanteng lalaki sa buhay ko. Naglakad sila palapit sa amin. Nakisali sila sa yakap namin. Hindi din nagtagal ay humiwalay na sila sa amin.
Isa-isa nila akong hinalikan sa noo. "Ready? Kami escort mo eh."
"Huh? Bakit hindi si Papa? Ano bayan mukhang unggoy mga escort ko!" Reklamo ko.
Masama silang tumingin sa akin at tumawa naman ang mga magulang namin. Kinabahan ako bigla ng ngumiti sila ng nakakaloko sa akin bago pa sila makalapit ay tumakbo na ako at nagtago sa likod ni Papa.
"Papa oh!" Natatawang sumbong ko.
Napailing nalang siya at ginulo ang buhok ko. Hindi din sila nagtagal dahil baba na daw silang apat. Nang sandaling maiwan ako sa kwarto ay bigla nanaman akong kinabahan.
Magugustuhan kaya nila ako? Bagay ba ako bilang Royalties? Tumitig ako sa salamin na whole body mirror. Nakared cocktale gown ako.Paheart shape ito at patube na off-shoulder. Maraming rose sa may palda nito at yung tube naman ay mga kumikinang na diamond. My make-up are simple. Naka bun din ang buhok ko.
I deep breath before smilling widely. Whatever their judgements on me, good or bad. It doesn't matter as long as I know myself.
Nang marinig ko ang katok sa pinto ay huminga ako ng malalim at pinasadahan ulit ng tingin ang itsura ko sa salamin bago naglakad papunta sa pinto. Huminto muna ako sa table at sinuot ang singsing na bigay sa akin ni Theron. Dalawa iyon yung isa nung sa marriage booth at yung isa ay yung binigay niyo nung birthday ni Mama.
Nang nasa tuktok na ako pero hindi pa kita na parte ng hagdan ay huminga ako ng malalim.
Just be your self, Devika.
"Good Evening, Everyone! Today are the most special day in our kingdom! Especially to Empress Family. The long wait is over. Here I am proudly and happily announcing that the Princess are back! Please welcome!" Huminto saglit ang Emcee pero ako ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

BINABASA MO ANG
Devika
FantasyPain have 2 effects. It's either, you'll be strong because of pain or the pain will change you. 10/01/2020