抖阴社区

Chapter 29

4.5K 170 3
                                    

Chapter 29:Tattoo

Diana's POV:

Kumatok ako sa pinto ng office ni Head Master. Wala kaming pasok ngayon dahil pahinga ngayon araw and starting tomorrow ay practice na namin. One week lang daw iyon. Pagkatapos non ay Levelling Exam na.

"Come in" I heard Head Master's Voice.

Binuksan ko ang pinto at tahimik na pumasok. Mula sa mga papel na binabasa niya ay nag-angat ng tingin sa akin si Head Master.

"Diana" He seems suprise on my presense.

"Head Master" I said then yumuko ako ng kaunti.

"Umupo ka muna. Anong kailangan mo?" He said.

Lumakad ako papunta sa harap ng Table niya at umupo sa left na upuan.

"Uhm, Sabi po kase sa akin ng mga kaibigan ko na alam niyo daw po kung paano malaman ang magic ng isang diwata or uhm whatever they call us"

Nakatingin lang sa akin si Head Master. Nakikinig sa mga sinasabi ko. Mukhang pinapa tapos niyo muna ang sinasabi ko kaya nagpatuloy ako.

"Uhm, kase po malapit na ang Exam and hindi ko padin po kase alam ang kapangyarihan ko"

Mahinang sabi ko at tinikom ko na ang labi ko. Tumingin muna siya sa akin ng matagal bago tumikhim.

"Yes, marunong ako but are you sure na hindi mo pa nagagamit ang kapangyarihan mo?" He equivocate.

Kumunot ang noo ko dahil sa tono niya pero umiling din para sa sagot.Tumitig siya sa mga mata ko at tumango.Sinenyasan niya ako na sumunod sa kaniya.

Pumunta si Head Master sa sulok ng mga book shelf niya nagulat ako ng bumukas ang mga self at naging pinto ito. Pumasok si Head Master kaya sumunod ako.

Tumingin ako sa paligid at napansin ko na walang ilaw. Ang sinag lang na nagmumula sa araw ang tanging liwanag dito.

Maliban doon ay itim na itim ang paligid. May isang cabinet lang sa gilid at pulang carpet sa gitna.

"Halika dito" Tawag sa akin ni Head Master.

Pumunta ako sa gitna at naupo doon dahil pumunta sa cabinet si Head Master at pagbalik niya ay mag hawak na siyang kulay itim na libro.

"Ano po 'yan?"

"Narito ang iba't-ibang spell"

Tumango lang ako tiningnan ang pagbuklat ni Head Master ng libro. Bawat buklat niya ay umiilaw ito. Kulay ginto din ang pahina nito at ang ginamit na tinta ay halatang dugo. Umayos ako ng upo ng tumitig sa akin si Head Master.

"I will start" He said.

Tumango ako hinanda ang sarili ko. Para sa susunod niyang hakbang.

"Close your eyes and don't move kahit na anong maramdaman mo, okey? Focus lang"

Tumango lang ako at hindi na nagsalita. I close my eyes at hinintay ang susunod na gagawin ni Head Master. Naramdaman ko ang dalawang daliri niya sa noo ko. May binubulong din siya na hindi ko maintindihan.

Unti-unti kong naramdaman ang pag-ilaw ng paligid ko pero gaya nga ng sabi ni Head Master ay hindi ako gumalaw. Kakaibang init ang nararamdaman ko. Gulat akong napamulat ng mawala bigla ang nasa paligid ko.

Taka akong tumingin kay Head Master na ngayon ay nakakunot ang noo. Para siyang nagtataka.

"Bakit natigil?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi ko din alam. Naguguluhan ako dahil huminto ito ibig sabihin ay nagamit mo ang magic mo pero may mga lumitaw na bagay sa paligid mo ang ibig sabihin naman nito ay palabas palang ang kapangyarihan mo" Litong sabi niya sa akin.

Devika Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon