抖阴社区

Chapter 27

4.6K 153 9
                                    

Chapter 27:Baby?

Diana's POV:

"Diana! Diana!" Nagising ako dahil sa napakalakas na boses. Argh, I forgot to close my door. Pagdilat ko ay sumalubong sa akin ang nakangising mukha nila Tina.

Mga mukhang hindi mapagkakatiwalaan.

"Bakit ba? Ang ingay niyo" Sabi ko

Masama akong tumingin sa kanila ng bigla nila akong hilahin. Magrereklamo na sana ako ng bigla kaming naglaho.

Tumingin ako sa paligid ng mapansing nasa ibang kwarto na kami. Tumingin ako sa kanila at pinag-taasan sila ng kilay.

"Ano nanaman ba?" Bored na tanong ko.

"Tulog kase ng tulog!" Sabi ni Tina na parang galit.

"Wala tuloy alam sa balita" Si Lily.

"Ayan! Ganiyan-"

"Ano ba kase talaga ang mayroon! Bakit hindi niyo nalang sabihin!" Naiinis na sabi ko.

Nagkatinginan sila at nagpeace sign sa akin. Tinarayan ko sila mga isip bata.

"Kase kanina nung nakatulog ka ay biglang nag-announce ang head admin na ngayong gabi gaganapin ang party" Paliwanag ni Allyson.

Kunot noo akong tumingin sa kanila. "Party?" Takang tanong ko.

Tumingin sila sa akin na para bang ang tanga tanga ko.

"Asan ba your brain!" Inis na sabi ni Ceridwen.

"Huh?" Antok pa ba ako?

"Tulog ka pa ba?" Allyson asked.

"Huh?"

"Mygosh! Yung party ay diba na iba nga yung schedule dahil doon sa biglaan na may sumalakay sa atin"

Tumingin ako sa bintana at inalala ang sinabi nila. I snap my fingers ng maalala kona.

"Ayon na nga! Diba dapat sa next week pa iyon?Kaso pinaaga nga ni Head Mistress dahil nga next week na agad ang Exam natin!"

Tumango ako sa sinabi nila. Yun ata yung mga panahon na lutang pa ako sa dami ng iniisip.

Wala din naman akong pake dahil hindi ako attend sa party sa baba hindi ako marunong uminom.

"Nasaan ka ba nung sinabi yon!"

"Katabi niyo"

"Oh! Bakit hindi mo maalala!"

Hindi ko sinagot si Tina at tinalikuran na. Narealize kona hindi pala ito ang kwarto ko.

"Asan tayo?" Tanong ko habang nililibot ang tingin sa paligid.

Puro Pink ang gamit huhulaan ko kay Ceridwen or Lily ang kwartong ito. Hindi nga ako nagkamali ng itaas ni Ceridwen ang kamay niya na para bang proud na proud siya.

"Akenn!"

Tumingin ulit ako sa paligid at napangiwi ako ng makita ang puro halos pangbabaeng gamit.

"So girly" I comment.

Hindi na nila ako pinansin at tinulak sa CR kaya taka akong tumingin sa kanila. Napansin ko din ang mga damit sa taas ng kama.

"Anong gagawin ko?" I asked.

"Try mong kumain" Sarcastic na sabi ni Lily.

Inirapan ko lang siya at umiwas para hindi na nila ako matulak.

"Hindi ako aattend kayo nalang"

Sabi ko at akmang mahihiga ako sa kama ng sabay-sabay nila akong hilahin papunta sa banyo.

Devika Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon