Chapter 13: Festival 0.1
Diana's POV:
"Girls, maganda doon oh!"
Tumingin ako sa direksyon na tinuturo ni Tina. Second day ngayon ng Student's Festival.
Black na short's and white polo na croptop ang suot ko and white na rubber shoes. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang buhok ko.
Buong araw kahapon ay hindi namin pinapansin ang mga boys. Lahat na ata ng bagay ay ginawa nila kahapon para mapansin namin sila. Si Allyson ay pinapansin na sila dahil daw kawawa naman pero kami syempre pabebe kunyari.
"Hindi ba sobrang taas niyan?"
Hindi naman ako masyadong matatakutin sa mga rides. Grabe 'yung sigawan ng mga nakasakay.
"Ano, Game?" Tina asked, naghahamon.
"G"
"G lang"
"Game"
"G"
Hindi paden maiwasan na may nakatingin sa amin pero hindi na ako naiilang. Wala nading 'yung apat siguro napagod kakasuyo sa amin. Hindi ko paden sila nakikita ngayong araw.
Mahaba ang pila kaya hindi mapigilan na magreklamo ni Ceridwen which is nakasanayan na namin.
"Ayan na oh, uso maghintay"
Pagpasok namin ay umupo na agad kami. Dalawahan lang ang seat kaya kami ang magkatabi ni Tina then Ceridwen and Allyson. Hindi na sumama si Lily dahil takot daw siya sa matataas.
Nag-umpisa ng gumalaw ang roller coaster kaya humigpit ang hawak ko sa hawakan. Una ay dahan-dahan lang ito na para bang umaakyat sa hagdan tapos biglang bumilis pero hindi pa naman nakakatakot kita ko.
Tuluyan na akong napatili ng paakyat na ang roller coaster sa pinaka mataas na part at pag tingin ko sa baba ay sobrang taas na namin.
"Mahal ko pa buhay ko!!" I shouted.
Sandaling tumigil ito sa taas kaya mas lalo akong napapikit. Bigla itong bumaba ng sobrang bilis.
"Fuck!!Tanginaa!!"I shouted.
Bigla naman ay para kaming tinapon sa ere dahilan para bumaliktad kami. Shit!
Ang dami pang paikot-ikot kaya halos maubos na ang boses ko. Malakas akong natawa ng marinig ko na nagkukumpisal na ng mga kasalanan niya si Tina.
Pagtigil ay dali-dali akong bumaba para huminga ng malalim. Lily walked toward us and give us a thumbs up. We weakly raise our hands and give her a thumbs up.
"Tara meryenda muna tayo. It's past 3 PM na din" Pag-aaya ni Tina kaya tumango kami.
Hindi kami kumain sa Cafeteria. Sa mga street food kami pumunta. Namili muna kami ng Fishball, Isaw, Kikiam, Fries and Milktea.
Sa ilalim kami ng puno umupo. Good thing malaki yung lilim kaya nagkasya kaming lima.
"Kamusta na kayo yung apat?" I suddenly ask.

BINABASA MO ANG
Devika
FantasyPain have 2 effects. It's either, you'll be strong because of pain or the pain will change you. 10/01/2020