抖阴社区

Chapter 6

6.4K 195 3
                                    

Chapter 6:Dream

Diana's POV:

"What happen?Ang sakit ng ulo ko"

Reklamo ko pagkagising ko sabay hawak sa ulo. Ang sakit para akong nauntog sa sobrang sakit.
Tatayo na sana ako nang biglang pumasok sila Lily at Tina. Mabasa ang pag-aalala sa mukha nila. Pag kakita nila sa akin ay agad silang sumigaw.

"Dianaaa!!" Sabay takbo sa akin then niyakap ako. Sobrang higpit ng yakap nila kaya hinampas ko sila sa likod.

"Aray naman!" Sabay na sabi nila kaya nag peace sign ako sabay ubo. Pinaupo muna nila ako sa Hospital Bed? Bakit ako andito inalala ko ang huli kong naalala at iyon nahimatay pala ako.

'Devica Zyn Empress'

Naalala ko nanaman ang pangalan ng Prinsesa. At muli bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.

Ano bang nangyayari sa sakin?

"Grabe naman kayong makayakap parang isang taon tayong di nagkita!" Malakas na sabi ko para mawala yung iniisip ko dahil hanggang ngayon binabagabag ako ng isip ko.

"Syempre!1  linggo ka kayang tulog!" Sigaw din ni Tina pero maririnig mo din ang pag-aalala.Teka! 1 linggo?

"1 linggo?!" Hindi makapaniwala na sabi ko. Sht? 1 linggo bakit anong nangyari ba?

"Oo nga. Bakit kaba kase biglang nahimatay?Sobrang nag-alala kami sayo, Diana"
Malungkot na sabi ni Lily kaya na Guilty ako.

Binuka ko ang dalawa kong braso na agad din naman nilang na realize dahil mabilis silang yumakap sa akin.

"I'm sorry. Hindi ko den alam kung bakit ako nahimatay kaya nga hindi ako kanina naniniwala na isang linggo akong tulog? "Malambing na sabi ko para hindi na sila mag isip pa ng kung ano-ano.

Humiwalay na sila sa akin. Naka hinga na sila ng maluwag. Alam kong marami nang nangyayaring kakaiba sa akin simula ng umapak ako sa mundong ito kaya kinakabahan ako.

"Lagi ka naming binabantay dito ni Lily. Salitan kami kung sino ang absent para mabantayan ka" Kwento nilang dalawa kaya mas lalo akong na guilty.

"Nakaka Guilty naman inabala ko pa kayo" Nahihiyang sabi ko kaya naman sumama ang tingin nilang dalawa sa akin.

"Kahit kailan hindi ka naging abala sa amin, Diana"

"You're our Bestfriend, Diana"

Naiyak naman ako dahil kahit kailan wala pang nagsabi sa akin nang ganiyan. Ayokong umiiyak sa harap ng iba kaya ngumiti ako sa kanila.

"Sorry, Hindi lang kase ako sanay na may nag-aalala para sa akin maliban kay Mamita"
Pilit na ngiting sabi ko. Umiling lang sila sa akin at niyakap ulit ako.

"Simula ngayon ito na ang motto natin. Not sister's on blood but sister's on Heart" Bulong ko sa kanila nagliwanag naman ang mukha nila ay sabay tumango.

"Not sister's" sabi ni Tina habang magkayakap kaming tatlo. Wala kaming pakealam kung sabihin ng iba na ang drama namin.

"On blood" Dagdag ni Lily sabay tawa ng mahina. Alam kong kagaya ko ay naiiyak naden sila.

Devika Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon