抖阴社区

                                    

I looked away, sakto naman na nagtama ang mata namin ng taong dahilan ng pagkapuyat ko. He smirked before giving me a playful winked, my lips parted.

"Ready na ba ang lahat?" Napatingin kami sa gitna dahil biglang lumitaw doon ang isang babae at lalaki. Gwapo at maganda din. Grabe, wala atang hindi gwapo at maganda sa lugar na 'to.

"YES!" Sigaw naming lahat kaya sabay silang natawa. Naka sleeveless sando na fit 'yung lalaki tapos black short. Habang naka-short din na black 'yung babae at naka sports bra na black. Ang ganda ng katawan niya. Sana all.

"I am Miss Luna and He is Mister Red." Tumango naman kami pagkatapos nila magpakilala.

"First, hubadin niyo na yang mga T-shirt niyo bago tayo magsimula, girls."

Pagkasabi ni Miss ay naghubad na sila. I immediately saw their perfect bodies. Bigla tuloy akong naconscious sa sarili kong katawan. I had no choice, tinanggal ko na rin 'yung shirt ko kasi ako nalang halos ang naka-shirt. Namula naman ako ng makitang naka-titig silang lahat sa akin pati si Theron.


"Ang sexy mo, gago!" Papuri ni Allyson kaya mas lalo akong namula.

I looked at my body, malaki ang hinaharap ko pati ang balakang ko.

Sabay-sabay umiwas ng tingin ang mga lalaki dahil umapoy ang paligid. Gulat akong tumingin kay Theron dahil siya lang naman ang may kapangyarihan na ganon.

"Possesive.." Bulong ni William agad siyang umiwas habang natalon ng muntik na siyang matamaan ng apoy.

Tumawa naman ang dalawang natitirang prinsipe. Nagsimula na ang ensayo. May isang bilog at doon lalabas kung sino ang maglalaban. Tapos na lumaban ang mga kasama ko, ako nalang ang hindi pa.


Allyson VS. Tina
Lily VS. Ceridwen
Denver VS. William
Theron VS. Denrick

Si Allyson, Ceridwen, Denver at Theron ang nanalo. Gulat naman ako ng lumabas ang mukha at ang makakalaban ko, si Sheena. The pinaka bitch sa room. She looked at me sabay smirked na para bang sinasabi na lagot ako.

Lahat ng mga kaibigan ko ay tumingin sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. Alam kase nilang may galit sa akin si Sheena malakas din daw siya base sa nga naririnig ko. Pag-apak ko palang sa gitna ay ramdam ko ang tensyon.


"A powerless attention seeker..."

Sabi ni Sheena kaya medyo natiglan ako dahil sa sinabi niya. Tumawa siya ng makita ang reaction ko. Bigla siyang sumugod buti nalang at mabilis akong naka-iwas.

Sunod-sunod niya akong sununtok puro iwas lang ako dahil pinag-aaralan ko pa ang galaw niya. I smirked at myself ng may marealize ako. Mas malakas siyang sumuntok sa kanan kesa sa kaliwa.

Mabilis akong umikot ng makahanap ako ng butas. Hinawakan ko ang kanan niyang kamay sabay lagay nito sa likod niya.

"A Pathetic Insecure Bitchm.."

Bulong ko din sa kaniya sabay sipa kaya natumba siya. I looked at the time, meron pa kaming 5 minutes. Hindi ko namalayan na sumugod si Sheena dahil nakatingin ako sa oras. Suminghap ang paligid ng tumalsik ako dahil sa lakas ng sipa ni Sheena. Shit, ang sakit.


"Naawa lang sayo ang mga kaibigan mo kaya ka nila kinaibigan.."

Masama ko siyang tiningnan pero ngisi lang ang sinagot niya sa akin. Tumayo siya sa harap ako nginisian ako sisipain na sana niya ako ng mahila ko ang paa niya at ako ang bumaibabaw sa kaniya.

"At sa tingin mo maniniwala ako sayo?" Bigla niya akong sinipa kaya tumalsik ako. Sabay kaming tumayo. Sinugod namin ang isa't-isa at nagpalitan ng suntok.

"Kahit kailan hindi ka magugustuhan ni Theron. Akin siya!"

Nandilim ang paningin ko ng dahil sa sinabi niya. Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya.

Sa gigil ko ay sunod-sunod ko siyang sinuntok. Napasandal siya sa pader pero patuloy lang ako sa pagsuntok sa kaniya. Puro sugat na ang mukha niya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"DIANA, TAMA NA"

"SHT! DIANA!"

"ENOUGH, DIANA!"

"DIANA!"

Naririnig ko ang mga sigaw ng kaibigan ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Natigil lang ako ng marinig ang boses niya. Ang boses ni Theron. Hindi ko alam pero iba ang epekto niya sa akin.

Diana, Calm down. Calm down. I'm here.

Pagtingin ko sa likod ko ay nandoon na ang mga kaibigan ko. Gulat ang reaction nila ng makita ang mukha ko.

"D-diana? Your E-eyes?"

Hindi makapaniwalang sabi ni Lily. Wala pading nagbago sa mukha ko at wala paring emosyon. Bago pa sila makapag salita ay dumilim na ang paningin ko. Rinig ko pa ang mga sigaw nila. Tinatawag ako dahil sa pag-aalala.

Ang huli ko lang naalala ay ang pagsambot sa akin ng dalawang braso.

:))

Devika Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon