抖阴社区

                                    

Dahil nga bad trip ako ay sila Lily na ang pina order ko ng pagkain ko. Naiwan akong magisa dito sa table. Napanguso nanaman ako ng maisip ang sinabi nila kanina.

Manhid daw ako?

Tumingin ako sa katawan ko kung may sugat ba akong hindi nararamdaman. Wala naman.

Sinabunutan ko ang buhok ko sabay mahinang untok ng ulo sa table.

"Oh,.ayan na pagkain mo nababaliw kana" Tina said.

Busy ako sa pagkain ko ng bigla kong marinig ang pangalan ko kaya nagtaas ako ng kilay kay Tina.

"What?" I asked.

"Alam mo bagay kayo ni Jacob!"

Tuwang-tuwa na sabi niya. Agad naman siyang sinang-ayunan ng mg babae.

"Mukha siyang mabait!" It's Lily

"Hind siya suplado"

Nag-sabi na sila ng sarili nilang opinyon about kay Jacob. Buti nalang wala siya dahil nag CR siya. Inaasar pa nila ako kaya natawa at ang tango ko lang na nasabi ay.

"Mga gaga" sabi ko.

Tumawa lang sila at nag-umpisa na namag plano para bukas.

"So, anong oras?" Lily asked.

"Mga 6 AM siguro para maaga"

"Yeh sige. Ano boys? Sasabay kayo sa amin?"

Nagkatinginan muna sila at tumango. Bumilis ang tibok ng puso ko ng maisip na makaka sama ko si Theron buong araw.

Nagplano pa sila at puro tango nalang ako dahil busy ako sa pagkain. Napangiti ako ng may maglapag ng Rambutan sa harap ko.

"Ohmygos! Thank!" Masayang sabi ko kay Jacob.

Favorite ko ito dati sa mundo ng mga tao lagi kong inaakyat 'yung puno ng kapit bahay namin pag wala sila doon.

"Saan mo ito nakuha?" Curious na tanong ko at kumuha ng isa para buksan.

Napansin niya siguro na nahihirapan ako kaya kinuha niya iyon at siya na mismo ang nagbalat.

"Dala ko ito. Paborito rin kase ito ni Mama" Tumango ako.

Ngumanga ako ng isubo niya sa akin ito. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at inalot sila. Weird ang tingin nila dito.

"What's that?" Lily said.

"Huh? Walang ganito dito?"

Umiling si Jacob kaya sinabi ko sa kanila kung ano ito.

"Masarap 'yan"

"Lahat naman masarap para sa iyo" Sabat ni Theron.

Napaka sungit talaga nito!

"Ang sungit mo!" Sigaw ko sa kaniya.

"Ang takaw mo!" Sigaw niya din.

"Aba't! Ang yabang mo!" Hindi ako magpalatalo syempre.

"Ang pangit mo!" Nakasmirk niyang sabi.

Masama ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya. Ako panget? Sabi kaya ni Mamita maganda ako!

"Ano! Bawiin mo 'yon" Sigaw ko sa kaniya sabay bato ng buto ng rambutan sa kaniya.

"Bakit? Pangit ka naman talaga ah" Inosente pa siyang tumingin sa akin.

"Bakit ka ba ganiyan" Inis na sabi ko.

"Hayaan niyo na ganiyan talaga pag nagseselos" Natatawang sabi Denrick.

Kumunot naman ang noo ko ng sumigaw siya ng malakas. Parang nasasaktan?

Devika Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon