抖阴社区

                                    

"Hindi pwede! Umattend ka!"

"Ayoko nga!"

"Isa!"

"Hindi ako umiinom"

"Edi wag kang uminon and duh we don't have beer here no! Wine lang kaya hindi nakakalasing"

"Kahit na ayoko parin"

"Pag hindi ka sumama" Sinadya ni Lily na bitinin ang sinabi niya.

"Oh? Anong gagawin mo?"

Mayabang kunyaring tanong ko ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. What the fuck?

"O sasabihin namin kay Theron na crush mo siya!" Malakas na sabi ni Lily.

kaya nanlaki ang mata ko at tumingin sa dalawang prinsesa na mukhang hindi nagulat. Mga chismosa talaga ang mga ito.

"Hindi naman siya maniniwala"

Hindi naman talaga maniniwala si Theron sa kanila at kung maniwala man assuming siya ganon!

Tinaas ni Lily ang phone niya at nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ko.

"Baka matunaw" Boses yun ni Tina.Naalala ko yung sa Cafeteria at nagtitigan kami.

"Oy,Namumula siya" Si Lily naman iyon.

"Crush mo si Prinsepe Theron 'no?

Tumingin ako ng masama sa kanila pero parang wala lang iyon at hinayaan sila na makinig.

"Huh? Hindi ah!" Utal naman na sabi ko. Napamura ako sa utak ko ng maalala ang mukha ko noon.

"Weee!" They both said.

"Oo na onti lang naman!" It's me again.

"Edi crush mo nga?" Lily's Voice.

"Oo nga diba!"

Natapos ang voice record at hahablutin ko na sana ang Cellphone ni Lily kaso pinalutang niya.

"Choose" They all said.

Wala na akong pagpipilian kung hindi ang pumunta sa CR para maligo. Bakit kase umamin pa ako?

Speaking of Theron magkaaway padin pala kami.

"Ito talaga ang susuotin ko?"

Hindi makapaniwalang sabi ko ng makita ang sarili sa salamin. Lahat daw sila ay nakaligo na.

Paano ba naman pare-parehas kami ng outfit kaso masyadong sexy.

Si Ceridwen ay naka black tube na may stripes na color white kaya mas lalong nakita ang laki ng boobs niya hanggang pusod niya lang ito kaya medyo kita ang onting balat niya sa tiyan tapos black na High-waist pants then yung buhok niya nakalugay. Himala nga at wala siyang make-up.

Si Allyson naman ay nakasuot ng white off shoulder na croptop may sleeve ito hanggang pulso pero strapless iyon tapos may pa ex na tali sa may gitna ng dibdib tapos black na Pants kagaya ng kay Ceridwen. Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok.

Si Lily naman ay naka black off shoulder na croptop din tapos pants na green kagaya ng grass yung kulay. Nakatali na pa messy bun ang buhok niya.

Si Tina naman ay naka plain longsleeve color light violet dahil daw magagalit ang boyfriend niya tapos pantalon na may butas sa magkabilang tuhod Kinulot niya ang dulo ng buhok niya kaya mukhang wavy ito.

At ang akin naman ay pa heart na black croptop tube na hanggang baba lang ng dibdib ko then color black na pantalon. Nag spray lang ako ng hairnet sa buhok ko para manatili ito sa likod.

Devika Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon