抖阴社区

CHAPTER II.6 PLANO? PAANO?

Magsimula sa umpisa
                                        

Reeva: May kailangan akong hanapin na files, kailangan kong bumalik sa studio.

Orville: Hindi ba pwedeng bukas na yan?

Reeva: Alam mo namang walang bukas bukas sa trabaho ko 'diba? Kapag kailangan na ngayon, kailangan na.

Orville: Sabi ko nga, hinatyin muna nating tumila ng konte tapos ihahatid na kita.

Reeva: Pwede namang ako na lang—

Orville: Madulas ang daan delikado kung magdadrive ka.

Reeva: Okay kaso paano na yan? hindi na kita malulutuan ng champorado?

Orville: Edi pwede naman tayong umorder o kaya magtingin diyan kung saan-saan. Madaming alternative way para sa lahat ng bagay Reeva.

Katulad na lang nung sa—?

Reeva: Baba? Should we consider na ba 'yung about sa pag-ampon?

Orville: Kung ayaw mo hindi kita pipilitin, as what I've said marami pang ibang alternative way na maaring pareho nating mapagkasunduan.

Reeva: Like what?

Orville: Hindi ko parin alam pero we will figure it out okay?

Reeva: Okay.

Orville: Tila na ang ulan? Tara na?

Hayy buti naman at nakisama na si panahon.

Orville: Ipapark ko muna 'tong kotse tapos hintayin na lang kita sa cafeteria.

Reeva: Osige.

Saan ko nga ba nailagay 'yung mga files na yun—Carlo??

Carlo: Kanina kappa naming hinihintay.

Reeva: Sorry, pinatila muna namin 'yung ulan bago kami pumunta dito.

Carlo: Umuwi na sila.

Reeva: Talaga? Sana sinabi mo man lang para 'di na kami—

Carlo: Buntis ka?

Reeva: Kanino mo—ahh kay Strawberry.

Carlo: So buntis ka nga?

Reeva: Hindi, matagal na 'yung pt kaya nagkamali ng result.

Nung sinabi ko 'yun para siyang natagtagan ng tinik sa lalamunan, ang weird naman.

Bigla namang nag-patay sindi ang ilaw dito sa Hall, ganto kasi kapag na-ulan dito naapektuhan agad 'yung kuryente.

Reeva: Mauna na ako Carlo, hinihintay pa ako ni Orville sa Cafeteria.

Pagkatalikod ko bigla akong may narinig na parang nabasag na bumbilya at malakas na sigaw ni Carlo.

Carlo: Reeva!

Malayo man ako sa kaniya pero nakikita ko 'yung dugo sa kamay niya.

Reeva: Anong nangyare?? halika, dadalhin ka namin sa Ospital.

Carlo: Kaya ko ang sarili ko Reeva.

Reeva: Hay naku! 'Wag ka nang makulit baka ma-infection pa yan!

Nasa iisang kotse kami ngayong tatlo hindi naman pwedeng magdrive itong si Carlo kasi sa kamay niya mismo tumama 'yung bubog.

Wala namang alitang namamagitan saming tatlo pero bakit palagi na lang awkward pag magkakasama kami?

Matagal na rin nung nagkausap kami ni Orville tungkol kay Carlo, he really trust me atsaka alam naman na niya na Carlo and I finally moved on from the past.

Doctor: Mr. Katigbak, here are some of your medicine na makakatulong upang mabawasan yung pananakit diyan sa kamay mo.

Carlo: Thank you Doc.

Reeva: Thank you po.

Carlo: Pwede na kayong umuwi, hihintayin ko na lang 'yung driver ko.

Reeva: Hintayin na namin 'yung driver mo.

Orville: Kukuha lang ako ng coffee sa labas.

----

Carlo's Pov

Doctor: Mr. Katigbak, here are some of your medicine na makakatulong upang mabawasan yung pananakit diyan sa kamay mo.

Eh Doc? Sa pamamaga po ng puso? Meron po ba kayong pwedeng ireseta?

Carlo: Thank you Doc.

Reeva: Thank you po.

Carlo: Pwede na kayong umuwi, hihintayin ko na lang 'yung driver ko.

Reeva: Hintayin na namin 'yung driver mo.

Orville: Kukuha lang ako ng coffee sa labas.

N-nagaalaa ka pa rin pala sa akin.

Reeva: Buti na lang hindi ganun kalalim nung bubog na tumalsik diyan sa kamay mo.

Carlo: Nagaalala ka pa rin pala sa akin?

Reeva: Aba syempre naman,we're friends! by the way, wala ka bang plano?

Carlo: Plano?

Reeva: Plano sa buhay mo like kasal? pamilya? asawa ganun?

Carlo: Ikaw lang naman 'yung mahilig sa mga plano plano na yan.

Pagsisinungaling ko...

Sa totoo lang andami kong plano na gustong matupad kasama ka at kung 'di rin ikaw ang pupuno sa mga planong 'yun ano pang saysay para buoin ko 'yun? Paano?

Retrieving The Imaginary Window [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon