抖阴社区

CHAPTER II.8 YES

Magsimula sa umpisa
                                    

Ash: Hindi po! HAHAHAHAHA may mga bagay lang na hindi pa sumasang-ayon kaya ayaw muna naming madalain ang isa't-isa.

Reeva: Seryoso kana ba sa kaniya?

Hindi ako sinagot ni Ash at tila hinahanap niya din sa puting pader kung anong sagot sa tanong ko.

Reeva: I respect your decision Ash, at hihintayin namin ng Papa mo 'yung time na ready kana, ready na kayo.

Ash: Thank you Ma pero 'wag niyo po muna siguro banggitin kay Papa ang tungkol dito.

Reeva: Hindi naman 'yun tutol pero baka bantaan niya lang ang buhay ng special someone mo.

Ash: Ma naman!

Reeva: Joke lang! HAHAHAHA. Oh siya ayusin mo na 'yang mga gamit mo at matulog kana din madami pa tayong tratrabahuhin bukas.

Ash: Goodnight Ma! Sweet dreams.

Reeva: Goodnight 'nak.

Masaya ako para kay Ash atsaka nararamdaman ko naman kung sino man 'yung nagpapaglow sa kaniya ngayon totoong masaya siya sana hindi na siya matakot, sana hindi na niya isipin na maari siyang magaya sa amin ng Papa niya. Matalino siya kaso katulad ko lang din siya (noon) takot. Sana may magpakita din sa kaniya na love is worth risking for.

Kinabukasan, nagsimula na kaming magshoot ng ilang part para sa ending.

Isa pa din 'to, hanggang dito glowing pa din 'tong tatay ng anak ko. So I guess baka nga nasa isa sa mga team ko 'yung nagpapaglow sa kaniya.

Napakasekreto niyang tao kaya 'di na rin ako masyado nagtatanong sa personal niyang buhay, privacy na rin kung baga. At kung meron nga or nandito nga, I'm happy for the both of them.

Carlo's Pov

Kanina pang tingin ki tingin sa akin si Reeva, siguro napapansin niya na masaya ako. Oo sobrang saya ko, masaya akong makakasama ko siya sa dalawang linggo na walang aabala at anytime pwede ko siyang hilahin kung saan-saan, I mean hilahin magdate? magfood-trip at gumawa ng mga baong memories dito sa favorite place niya.

Maari naming pasyalin ang Vigan ng kami lang dalawa, iniisip ko palang naeexcite na ako.

Naalala ko din na dito sa Vigan nagsimula ang love story ng mga magulang niya, baka sakaling dito din namin ituloy 'yung naudlot naming love story.

Carlo: Reeva!

Reeva: Oh??

Carlo: Alalayan na kita.

Nandito kami ngayon sa Bantay Church Tower medyo matarik kaya inalalayan ko na si Reeva incase mahulog man siya edi sasaluhin ko oh 'diba!

Reeva: Ang ganda dito nuh?

Tumango ako sa sinabi niya, ibang iba 'yung ngiti niya lalo na 'yung mga mata niya, para na din kaming namamasyal lang hindi nagtatrabaho.

Ang saya niya lalo pagmasdan kapag ganyan lang siya--wala kang lungkot na makikita sa mga mata niya pati na rin sa mga labi na umaabot ang ngiti hanggang langit.

Ang sarap sa pakiramdam kapag tinititigan mo siya para kana ding tumititig sa malawak na kalawakan at wala kang ibang gugustuhing gawin kundi ang manatili doon at makulong na lamang.

Reeva: 'Wag mo nga akong titigan ng ganyan!

Sabay tawa niya ng malakas.

Reeva: Ang weird mo.

Carlo: Can I ask you something?

Reeva: Hmm?

Carlo: Matagal ko ng natanong to sayo pero I did not get an answer from you.

Retrieving The Imaginary Window [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon