"Yes po Direk!"
Angge: I'm sorry po Direk.
Reeva: Focus Angge! Ano bang nangyayare sa'yo?
Angge: Po? Wala po.
Focus Angge, baka tuluyan ka pang mahalata ni Direk.
Reeva: Kanina ko pa kayong napapansin ni Erik.
Patay.
Reeva: Magkagalit ba kayo?
Angge: Hindi Direk, may ilang bagay lang po kaming hindi napagkasunduan.
Reeva: Like what?
Angge: Wala po maliit na bagay lang.
Tiningnan ako ng malalim ni Direk Reeva, tingin na para bang binabasa niya 'yung nasa isip ko.
Reeva: Ang tagal na din ng friendship niyo nuh?
Angge: Matagal tagal na rin po.
Reev: Hanggang dun na lang ba 'yun?
Chismosa ka Direk? AHAHAHAHAHAHA charot baka mawalan pa ako ng trabaho.
Angge: O-oo naman po haggang kaibigan lang po 'yung tingin namin sa isa't-isa.
Erik: Direk pinapatawag po kayo ni Sir Carlo sa kaniya na lang daw po kayo sumabay.
Reeva: Okay thank you!
Okay halata naman na narinig niya kami, hay naku another reason na naman ba 'to para awayin niya ako.
Erik: Hindi kita aawayin, tara na. Mukhang highblood si Direk.
Angge: Galit kaba?
Erik: May karapatan naman siguro akong magalit 'diba? 'Yung una may ibang lalaking humibisita sa condo mo, pangalawa palagi mo na lang akong tinatanggi sa maraming tao. Ge, sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?
Angge: Erik naman huwag ka munang magdrama dito please lang.
Erik: Ah so ngayon madrama na 'yung tingin mo sa akin?
Angge: Hindi naman sa ganun, nagpubta tayo dito para magtrabaho hindi para umayos ng mga problema mo.
Erik: Problema ko? Angge, problema na'tin 'to.
Angge: Sorry, oo tama ka problema na'ting dalawa pero 'wag muna nating pag-usapan---Erik!
Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko,winalk-outan niya ako agad.
Hayy naku Angge, focus trabaho muna.
MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO....
Orville's Pov
Orville: Last one shot! Good job everyone. Pwede na tayong umuwi lahat today or tomorrow or bahala kayo kung gusto niyo pang magstay dito.
Weyn: Sir?
Orville: Hmm?
Weyn: Kanina pa pong tumatawag si Sir Martin, nabanggit ko po kasi sa kaniya na hindi pa po kayo makakabalik ng Manila.
Orville: Don't worry ako ng bahalang tumawag sa kaniya mamaya.
Weyn: Tuloy pa din po kayo sa Vigan.
Orville: Oo.
Weyn: Kasama po ako Sir?
Orville: Oo naman, magbook kana ng ticket.
Weyn: Yes!
Orville: Magikot muna tayo mamaya para mamili ng ilang souvenirs.
Weyn: Okay po Sir!
Mas excited pa 'tong si Weyn kesa sa akin, sino kayang nagugustuhan nito sa team ni Reeva? Si Strawberry? Si Angge or si Ash?
Patay siya kay Reeva.
Weyn: Sir 'wag naman po kayo tumawa ng ganyan, kinakabahan naman po ako.
Orville: Aminin mo nga sa akin, si Ash ba ang dahilan kung bakit gusto mong sumama sa Vigan?
Weyn: O-opo.
Orville: Goodluck!
Weyn: Sir lalo niyo kong pinakakaba.
Orville: Napalapit na sa akin si Ash at nakita ko kung paano protektahan ni Reeva ang anak niya kaya kung susubukan mo mang saktan si Ash, goodluck!
Weyn: Eh kung itanan ko na lang kaya Sir?
Orville: At sa tingin mo talaga 'di kayo mahahanap ni Reeva?
Halatang halata ang kaba sa mukha niya, hay naku malaking goodluck Weyn!
Orville: 'Wag kang kabahan kay Reeva sa totoo lang mabait naman siya kaso strict nga lang.
Weyn: Sa tingin niyo po ano kayang dahilan ni Ash kung bakit hindi niya pa akong pinapakilala sa magulang niya?
Orville: Ilang buwan mo na bang nililigawan si Ash?
Tumawa siya.
Weyn: 5, 5 years Sir.
Orville: Ha? Ano? 5 years?
Weyn: Eh wala Sir tinamaan talaga ako nung una kaming nagkita sa isa sa mga naging event ng AM.
Orville: Try mo na lang kaya na ikaw mismo 'yung magpakilala kay Reeva.
Weyn: Ayaw nga po ni Ash, hindi ko naman alam kung bakit?
Mana nga talaga itong si Ash kay Reeva, pareho silang hindi magawang magsabi ng iniisip at ng dahilan.
Ash's Pov
Hindi pa rin ako nirereplyan ni Weyn, ang sabi ko pa naman sa kaniya 'wag na siyang tumuloy dito sa Vigan.
Nasa tamang edad naman na ako, kung anong gusto ko I'm sure maiintindihan ako ni Mama kaso kasi ako 'yung hindi pa handa.
Oo alam kong mali 'yung parang pinaghihintay ko si Weyn sa wala pero meron naman kaso--
WAHH! Ayaw ko na, ang complicated ko talagang nilalang parang pinagsisihan ko na nagmana ako kay Mama.
Reeva: Ash pakihawak nga nitong bag ko--gulat na gulat?
Ash: Ma naman! bigla bigla kasi kayong nagsasalita diyan.
Reeva's Pov
Reeva: Ash pakihawak nga nitong bag ko--gulat na gulat?
Ash: Ma naman! bigla bigla kasi kayong nagsasalita diyan.
Reeva: Hawakan mo muna 'to magccr lang ako.
Bakit ba puro lutang ang mga tao ngayon?
Kanina si Angge at Erik tapos ngayon si Ash parang wala sa trabaho ang mga iniisip nila.
Nakakacurious naman, makapagimbestiga nga hmmm! Alam ko na--kay Strawberry ako makikichismis!
Kaso isa pa din naman 'yung pawawala-wala pero kailangan ko talangang malaman kung anong nangyayare sa tatlong 'yun. HMMMM

CHAPTER II.9 FOCUS
Magsimula sa umpisa