Erik: Sorry Angge.
Angge: Ewan ko sa'yo Erik, taas taas ng pride mo.
Niyakap nila ang isa't-isa, mukhang nakalimutan na yata nila na bawal ang work romance sa trabaho nila.
Orville: Ehem!
Erik: Sir?
Orville: Kayo ba?
Erik: Hindi po.
Angge: Hindi po.
Strawberry: Mga sinungaling!
Angge: Kanina kapa diyan??
Strawberry: Oo! Hindi niyo ba ako napansin? Lalandi niyo naman.
Napatawa kaming lahat.
Orville: Kunware wala na lang akong nakita at narinig. Mauna na ako sa taas.
Erik: Sir, thank you po!
Umakyat na ako sa hotel room ni Reeva at pinasok ko ulit lahat ng gamit ko at nagtingin ng flight pabalik ng Manila.
Hindi pa rin matanggal sa isip ko 'yung mga narinig ko. Magkaiba naman kasi kami ni Reeva, katulad siya ni Angge sasabihin niya lahat ng gusto niyang sabihin ako naman mas pipiliin kong manahimik at ayusin 'yung problema ng ako na lang mismo ang maghahanap ng solusyon...
Reeva's Pov
Reeva: Anong ginagawa mo? Bakit mo nililigpit mga gamit mo? Akala ko ba--
Orville: Pinababalik na ako ni Martin sa Manila.
Reeva: Pero 'diba kanina lang kakapag-usap lang na'tin na dito kana lang muna, na dito na 'tin icelebrate 'yung 10th year anniversary natin.
Nilapitan niya ako at niyakap.
Orville: I'm sorry, babawi na lang ako pag-uwi mo.
Reeva: K
Orville: Galit ka?
Medyo, oo, ewan, depende.
Reeva: Anong oras 'yung flight mo bukas?
Orville: Alas-otso ng umaga.
Tumayo siya at pumunta sa may pintuan.
Reeva: Pasan ka? Hindi kapa tutulog?
Orville: Hindi pa ako inaantok, mauna kana matulog. Magpapahangin muna ako sa loob.
Reeva: Pero---
Hindi na niya ako pinatapos at umalis na siya ka agad. May kakaiba sa kaniya, hindi naman siya ganun kanina.
Tinawagan ko si Bell.
Bell: Hii! Napatawag ka? Anong balita?
Reeva: Hii, kasama mo ba si Mart?
Bell: Hmm oo nasa taas siya, bakit?
Reeva: Patanong nga kung pinapabalik na niya si Orville sa Manila.
Bell: Babe!
Martin: Yes babe?
Bell: Pinapatanong ni Reeva kung pinababalik mo na daw si Orville dito sa Manila.
Martin: Huh? Hindi, sabi niya sa akin magtatagal daw siya sa Vigan alam ko namang 'di 'yun makakatanggi kay Reeva.
Bell: Oh? Should I ulit pa ba what he said?
Reeva: Ah hindi na, okay na. Thank you, sorry sa abala.
Bell: No problem, ingat kayo diyan ha!
Call Ended
Bakit kailangan niya magsinungaling sa akin? Anong meron? Pwede naman niyang sabihin ng diretso sa akin kung ayaw niya ako makasama madali naman akong kausap ah!
_________________________________
Kinabukasan, gumising na naman si Reeva ng walang katabi sa kama.
"At talagang hindi man lang niya naisip na magpaalam muna sa akin---" Saad ni Reeva bago siya tumayo mula sa pagkakahiga.
Orville: Hindi pa ako umaalis, hinihintay pa kitang magising.
Reeva: Akala ko umalis kana, san ka natulog kagabi?
Hindi natulog si Orville buong gabi dahil na rin sa bumabagabag sa kaniyang isip.
Orville: Diyan sa tabi mo.
"Sinungaling, alam kong hindi ka natulog halatang halata sa mga mata mo." Bulong ni Reeva sa kaniyang sarili.
Orville: Mauna na ako, may shoot pa daw kayo mamaya.
Reeva: Ingat ka.
Orville: Ikaw din.
Nagkatitigan lang silang dalawa.
Pareho nilang binabasa ang naisip ng isa't-isa pero wala silang naintindigan.
"Nasasaktan ako Reeva at hanggang ngayon hindi pa din naalis sa isip ko kung paano mo siya hinila at hinalikan pero wala eh, hahayaan ko ang sarili kong maging bulag kasi--"
Orville: I love you.
Tumango lamang si Reeva sa sinabi nito, paunit-unting lumakad si Orville papalabas ng Hotel Room dahil kahit papaano ay hinihintay pa din nito ang sagot ni Reeva, ngunit paano nga ba niya sasabihin ang salitang "iloveyoutoo" kung hindi naman niya nararamdaman na mahal siya nito. Hindi niya maramdaman kung totoo pa ba ang salitang "Iloveyou" ni Orville.
Pagkadating ni Orville sa Airport nag-alangan ito kung tama ba na bumalik na siya sa Manila o bantayan na lamang niya sa Vigan si Reeva.
Napatigil naman siya sa paglalakad ng magtext si Reeva.
1 unread message from: Baba
Reeva: I love you too,
Ikaw, ikaw at ikaw lang.
7:15 amKulang man ang mga salita na kokompleto para malaman nila na nasasaktan na sila.
Sa bandang huli, mas nanaig pa din ang pagtitiwala kesa sa pagdududa.

CHAPTER II.12 TIWALA
Magsimula sa umpisa