Maaga ko pong natapos ang Chapter 9. I hope magustuhan nyo.
Please vote and comment po kayo ^ ^ Salamat po sa lahat at nagustuhan nyo ang mga previous chapters.
Nang magising si Gabriel ay napansin nyang wala na ang asawa sa tabi nya. Nagmamadali syang naligo kailanngan nyang pumunta sa office dahil may mga mahalagang transaction sila sa kompanya at importanteng nandun sya.
Pagbaba nya sa dining room ay nandun na si Althea hinhintay sya para sa breakfast.
“Just give a cup of coffee, I’m in a hurry.” may awtoridad n autos nito sa asawa.
“Kumain ka kahit konti lang.” concern si Althea
“Please Althea, hwag kang makulit.” naiiritang tinig ni Gabriel
Sinunod na lamang ni Althea ang utos ng asawa.
“By the way bago ko makalimutan, be prepared dahil isasama kita sa lunch sa mansiyon on Sunday. It’s a family tradition na dapat nandun lahat ang miyembro ng pamilya.”
Tumango na lamang sya dahil ayaw na nyang mag comment baka magtalo na naman sila.
“Hwag mong isipin na gusto kitang isama si Mama ang nagpumilit, kaya wala akong choice.” Patuloy ni Gabriel bago ininom ang pinatimplang kape.
Oo nga naman bakit gugustuhin syang isama ni Gabriel sa araw na yun eh nandoon din si Marian.
Kung si Althea ang masusunod ayaw na niyang makaharap muli si Marian dahil alam nyang wala syang laban dito.
“I’ll go ahead.” Nagmamadaling tumayo si Gabriel
Tumango lamang si Althea at sinundan ng tingin ang papalayong asawa.
Nanibago si Gabriel dahil ngayon lang sya hindi hinatid ng asawa. Sa dalawang buwang nilang pagsasama nakasanayan na nyang kinukulit sya ng asawa bago pumasok sa opisina.
-----------------------------
Dumating ang araw ng pagpunta sa mansiyon ng mga Monteverde.
Kinakabahan si Althea dahil ngayon lang muli nyang makakaharap ang mga magulang ni Gabriel mula ng ikasal sila.
Maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng mag-asawa pero hindi nya pa rin maiwasan na kabahan.
Pinag-isipang mabuti ni Althea ang damit na isusuot dahil ayaw nyang mapahiya si Gabriel. “yun nga lang ba ang dahilan mo Althea?” sabi ng kubling bahagi ng isip nya.
Alam nyang darating din si Marian dahil ito pala ang fashion consultant ng donya. Kung iniimbitahan ito ng pamilya sa kanilang traditional lunch ibig sabihin ay tinuturing na rin nilang kapamilya ito.
Dahil sa naisip ay nanikip na naman ang dibdib nya.
“Tapos ka na ba?” walang kagana ganang tanong ni Gabriel.
Halatang napipilitan lamang itong isama sya.
“Malapit na.” nilagyan nya ng final touch ang manipis na make-up.
“Hindi party ang pupuntahan natin Althea, lunch lang ito kaya kung pwede pakibilisan .” Masungit na sita nito sa asawa
Nagmamadaling tinapos ni Althea ang pagbibihis. Pagbaba nya ay naghihintay na sa sasakyan ang asawa.
Si Gabriel ang magmamaneho dahil day off ng driver nila ngayon.
Wala silang kibuan habang nasa biyahe sila.
Si Gabriel ang unang bumasag ng katahimikan.
“Wala kang sasabihin na kahit na ano kina Mama tungkol sa pagsasama natin.” Sabay lingon sa asawa.
“Don’t worry hindi kita ipapahiya sa pamilya mo.” Malamig na tugon ni Althea.
“Mabuti naman kung ganun.”
Habang papalapit sila sa mansiyon ng mga Monteverde ay kinakabahan si Althea ito ang unang beses nya na makakasalo sa pananghalian ang buong pamilya.
Maganda ang pakikitungo ng mga magulang ni Gabriel sa kanya ngunit ang mga pinsan nito ay hindi pa nya alam kung paano siya tatanggapin.
Habang nagmamaneho si Gabriel ay pinapakiramdaman ang nasa tabing asawa. Nakikita nya ang pagbabago bago ng emosyon.
“Malapit na tayo.” Sabi ni Gabriel
“Marami bang dadalo sa lunch?” hindi na nakatiis na tanong ni Althea.
‘For sure darating ang mga pinsan kong nandito sa Pilipinas, si Tito Henry lang at ang asawa nito ang makakaattend.”
“Kapatid ni Papa si tito Henry.” Patuloy ni Gabriel
Namalayan na lamang ni Althea nasa bungad na sila ng mansiyon. Nagsimula na naman syang kabahan. Parang tambol ang pagtibok sa kanyang dibdib.
Inalalayan siyang bumaba ni Gabriel, na hindi nya nakasanayan. Sa lood ng higit dalawang buwang pagsasama nila ay halos hindi sila lumalabas na magkasama.
Hinawakan sya sa siko nito at binulungan. “Show them that we’re perfect couple.”
Nangunot ang noo nya, sabay tango, palabas lang lahat ang ginagwa ng asawa ngayon.
Nakangiti si Donya Marcela na sumalubong sa kanila.
Nang makalapit sa donya ay agad na nagmano si Athea bilang pagbibigay respeto.
“Hija, I’m glad na nakasama ka this time.” Nakipagbeso beso ito kay Althea
Ngumiti lang ang huli dahil hindi nya alam ang isasagot.
“Lalo kang gumanda hija.” Nakangiti pa rin nitong sabi.
“Salamat po. Ganun din po kayo Ma-ma.” Nag aalangan pa syang tawagin itong Mama.
“Hhmm.” Pagputol ni Gabriel sa usapan ng dalawang babae.
“Sorry hijo, na miss ko lang ang asawa mo.” Sabay halik din sa pisngi ng anak.
“Sino sino na ang dumating Mama?” sabay akbay sa asawa.
“Nandito na ang ibang mga pinsan mo at ang tito Henry mo naman ay parating na.”
“Mabuti pa tumuloy na muna kayo sa gazebo nandun ang lahat, para makilala naman ng mga pinsan mo si Althea.”
Nang marinig ni Althea ang sinabi ng biyenan ay lalo syang kinabahan.
“Halika ipapakilala kita sa kanila.” Sabay hila sa kamay ng asawa.
“Mama maiwan muna po naming kayo.” Magalang na paalam ni Althea.
“Go ahead hija and feel at home, ok?”
Tanging tango na lamang ang naisagot nya sa donya.
Habang naglalakad sila papunta sa mga pinsan ay muling nagsalita si Gabriel.
“I’m telling you Althea wala kang sasabihin sa kanila about our situation.” May awtoridad nitong sabi.
“Hindi ako bata para pauli- ulit na pagsabihan Gabriel. Alam ko kung ano ang gusto mong palabasin.” Sabay buntonghininga nito.
Habang papalapit sila sa gazebo ay dinig na dinig ni Althea ang halakhakan ng mga taong naroroon.
“Hey guys, nandito na pala ang newly wed.” si Tristan ang panganay sa mga magpipinsan.
Kumaway si Gabriel sa limang taong nasa gazebo. At ng makalapit sa kanila ay pinakilala ang asawa.
“Wow, mabuti naman at napapayag mong pakasalan ka ni Althea?” pang-aasar ng asawa ni Tristan.
Nagtawanan ang lahat. Samantala si Althea naman ay pulang pula sa hiya sa mga pinsan ni Gabriel.
Pinaupo pa ni Camille si Althea sa tabi nito. Isa sa mga nakababatang pinsan ni Gabriel na ubod ng kulit.
Alam na ni Gabriel ang mangyayari, mukhang mapapasubo ang asawa sa kakulitan ng mga pinsan at hindi nya alam kung kakayanin ni Althea ang mga ito.
“Ate Althea inaalagaan ka nitong si kuya Gab?” sabay ngisi ni Camille kay Gabriel na nasa tabi ni Tristan.
Hinihintay ng lahat ang sagot ni Althea.
Si Gabriel naman ay nakatitig sa asawa na parang may mga katagang nais iparating dto.
“Oo naman, maalaga ang kuya Gab mo.” Nakangiting sumagot si Althea, napansin nya rin ang mga titig ni Gabriel na parang nagsasabing hwag mo akong ipapahiya.
Sa mga oras na yun ay hirap na hirap si Althea na magkunwari sa harap ng mga ito.
“Gab, two months na kayong kasal ni Althea may additional nab a sa pamilya natin?” maluwag ang pagkakangiti ni Tristan.
Napapailing na sumagot si Gabriel. “Hindi naman ganun kadali yun but we’re trying hard para naman hindi sayang ang effort ko sa pagtatrabaho. Di ba sweetheart” baling nito kay Althea
“Yes, may perfect time talaga para dun.” Nakangiti pa rin ito.
Biglang sumimangot si Camille ng makita ang paparating.
“Who invited her?” naiinis na tanong ni Trixie nakababatang kapatid ni Tristan.
“Mama, invited her.” Maikling sagot ni Gabriel.
“It’s a family gathering, bakit kailangan nyang nandito?” nagmamaldita na rin si Camille.
“Kaibigan ng pamilya natin ang pamilya ni Marian, kaya siguro na invite sya ni tita.” Paliwanang ni Tristan sa mga babaeng pinsan.
Nahalata ni Althea na may resentment ang mga pinsan ni Gabriel kay Marian.
“Even though she’s not part of our family.” Inis na inis na si Camille.
“Pwede ba walang mambabastos kay Marian.” Malakas na sita ni Gabriel sa mga pinsan.
Lahat sila ay nagulat sa naging reaksiyon ni Gabriel maliban kay Althea. Alam na ni Althea na ipagtatangol ng asawa si Marian.
Nagtinginan ang magpipinsan sabay lingon kay Althea. Patay malisya lang si Althea at nginitian ang mga ito.
Nakalapit na si Marian sa kanila. “Hi guys, ang tagal din nating hindi nagkita kita.” Masiglang bungad nya sa kanila.
Isa isang hinalikan ni Marian sa pisngi ang mga taong inabutan doon maliban kay Althea, ni hindi nya sinulyapan ito.
Umupo ito sa tabi ni Gabriel at sinimulang magkwento tungkol sa mga negosyo.
Mukhang tuwang tuwa pa ang asawa habang nakikinig sa mga kwento ni Marian. Samantalang ang magpipinsan ay nakikiramdam kung ano ang magiging reaksiyon ni Althea.
Si Camille ang hindi nakatiis sa sitwasyon. “Ate Althea I’ll show you something.” Sabay hila nila sa kamay ng katabi.
“Wait sasama kami.” Nagmamadaling tumayo ang asawa ni Tristan.
“Excuse me, I have to make some calls.” Sabi ni Trixie.
Nauna ng naglakad palayo sa gazebo sina Camille at Althea.
Sa totoo lang wala naman syang ipapakita kay Althea, hindi nya lang gusto ang tinatakbo ng situwasyon sa gazebo.
Nagmukhang tanga si Althea sa inasal ni Marian kanina.
Pagpasok nila Althea sa library ay sumunod din ang dalawang babae.
“Kilala mo ba si Marian? Alam mo ba ang naging relasyon nya sa asawa mo?” sunod-sunod ang tanong ni Melanie ang asawa ni Tristan.
“Yes, ex-girlfriend sya ni Gab.” Malumanay nitong sabi.
Ayaw ni Althea na makahalata ang mga pinsan ni Gabriel na hindi maayos ang pagsasama nila, pero sa ipinakita ni Gabriel kanina ay parang ito na rin ang nagpakita kung anong klaseng mag asawa sila.
“Yun naman pala eh, bakit pinapayagan mo na magkita pa sila.” Mabilis na sagot ni Trixie.
“Narinig nyo naman ang sabi ni Gab kanina. Si Mama ang nag invite sa kanya.” Pagpapaliwanag nya sa mga ito.
“Pero ate, binastos ka nung babaeng yun kanina. Hindi ka man lang nya tinapunan ng tingin.” Nanggigigil na sabi ni Camille sabay tayo pa nito at pinapadyak ang kanang paa habang nag-sasalita.
“Hey calm down, umiiral na naman pagka brat mo.” Natatawang sabi ni Trixie.
“Baka bitter lang sya kasi ako ang pinakasalan ng pinsan nyo.” Pilit pa ring tinatago ni Althea ang totoong sitwasyon nila.
Hinawakan ni Melanie ang kamay ni Althea. “Kung ano man ang problema ninyo ni Gabriel at kailangan mo ng pahihingahan ng sama ng loob, don’t hesitate to call us.”
“Salamat, sa concern nyo I didn’t expect na ganito ka warm nyo akong tatanggapin.” Naluluhang sabi nya sa mga pinsan ng asawa.
“Ate alam namin ang dahilan ng pagpapakasal nyo ni kuya Gab kaya hindi kami magtataka kung hindi maayos ang pagsasama nyo.” Hindi na rin naiwasan ni Camille na hindi sabihin ang nalalaman.
“Pero kaninang dumating kayo nakita naman namin na maayos ang treatment ni Gabriel sayo. I was disappointed lang ng ipagtanggol nya ang babaeng yun.” Sinusubukang kuhanin ni Melanie ang tiwala ni Althea.
Alam ng tatlong babae na may kakaibang nangyayari sa pagsasama nila. Minsang tumawag si Trixie sa bahay nila at si Mayet ang nakasagot naikwento nito ang madalas na pang aaway ni among lalaki kay Althea.
“Don’t worry about me, we’re fine.” Nakangiti na si Althea sa tatlo.
Nang biglang bumukas ang pinto ng library at iniluwa si Tristan.
“Kanina pa namin kayo hinahanap nandito lang pala kayo. The lunch is ready.” Pag-aanunsiyo nito.
“Susunod na kami honey.” Si Melanie ang sumagot sa asawa.
Nang dumulog sila sa hapag kainan nandun na ang buong pamilya at ang nakakatuwa pa ay magkatabi si Gabriel at Marian.
Sumimangot na naman si Camille.
Tumabi na lamang si Althea kina Camille at Trixie.
“Hija, salamat at nakasama ka kay Gabriel ngayon. I hope regular na kayong makakarating every Sunday.” Nakangiti si Don Roberto.
“Wala pong problema Papa basta hindi lang po kami busy.” Magalang na sagot nito.
Pakiramdam ni Althea ay nasa hot seat sya ng mga oras na yun.
“Inaalagan ka ba nitong si Gabriel.” Wika ni tito Henry ang nakakatandang kapatid ni Don Roberto.
“Opo, maalaga nga po si Gabriel.”
“Napakaswerte nitong si Gabriel at ikaw ang napangasawa. Sayang nga lang siya ang un among nakilala at hindi ang anak kong binata.” Nagbibirong dagdag ni tito Henry.
Hindi nagustuhan ni Gabriel ang narinig mula sa tiyuhin, mukhang gusto pa nitong i partner ang asawa sa pinsang nasa America.
“Tito I think it’s not proper to tell that to my wife.” Halata ang inis sa timbre ng boses nito.
“Nagbibiro lang naman ako hijo, kaya ingatan mong mabuti ang asawa mo.” Natatawa pa nitong sabi.
Nang mga sandaling yun gustong gusto ng hilahin ni Gabriel ang asawa para umuwi na. Galit na galit sya ng mga oras na yun. Kung hindi lang dahil sa respeto nito sa tiyuhin at sa mga magulang ay baka nasagot na nya ito ng hindi maganda.
Kabisado nya ang pinsan na anak ni tito Henry. Pagdating sa relasyon ay napakaseryoso nito at nirerespeto talaga nito ang mga babae.
Ayaw nyang makilala ito ng asawa. At ang nararamdaman nya ng mga sadaling yun ay hindi nya kayang ipaliwanag.