A/N
Thank you for supporting MUW.
Please vote and comment po :)
“Rafael paano nangyari yun?” nanlulumo si Senyora Alicia
Bagsak ang mga balikat ni Senyor Rafael.
“Hindi ko alam kung bakit biglang hindi na sila nag order sa atin.” Malungkot ang tinig ng matandang lalaki
“Ano ang gagawin natin?” naiiyak na si Senyora Alicia
Nilapitan nito ang asawang umiiyak at niyakap ng mahigpit.
“Magiging maayos din ang lahat.” Sabay halik sa noo nito
“Ang iniisip ko ang mga pamilya ng trabahador natin.” Tuloy tuloy sa pagtulo ng mga luha ng Senyora
Nang marinig ng Senyor ang sinabi ng asawa ay mariin nyang pinikit ang kanyang mata. Pilit nyang pinapalakas ang loob na makakabawi ang farm kahit nagwithdraw na ang malalaki nilang kliyente.
Maraming pamilya ang maapektuhan sa nalalapit na pagkalugi ng farm. Dito lamang sila umaasa ng ikabubuhay.
“Kailangan nating magpatawag ng meeting sa lahat ng trabahador upang hindi sila mabigla sa sitwasyon ng farm.” Sabi ng Senyor habang inaalalayan ang asawa na makaupo.
Tumango si Senyora Alicia tanda ng kanyang pag sang-ayon.
“Hindi ko lubos maisip na dadanasin natin uli ang ganitong sitwasyon. Akala ko tapos na ang pagsubok natin noon.” Mahina ang tinig ng Senyor habang nagsasalita.
“Ano daw ang mga reasons ng withdrawal ng mga kliyente natin?” usisa ni Senyora Alicia
“Sabi nila nakakita daw sila ng mas mura. When I heard the price I was surprised. Hindi natin kaya ang ganun kababang presyo.”
Nanlaki ang mga mata ni Senyora Alicia. “ Tayo na ang may pinakamababang presyo sa merkado.”
“Wala tayong magagawa ganito talaga ang negosyo.” Malungkot na sabi ni Senyor Rafael.
“Ano ang dapat nating gawin? Kung nandito lang si Althea baka may magagawa syang paraan.” Tumulo na naman ang luha ni Senyora Alicia ng maalala ang nag-iisang anak.
“Kung alam ko lang na magiging ganito ang mangyayari nunca na papayag akong magpakasal ang anak ko sa lalaking yun.” Humahagugol ito habang salo ang kanyang dibidb.
Naninikip na ang dibdib ng Senyora na siyang ikinabahala ng asawa.
Agad agad itong tumawag ng mga kasambahay.
Dali daling dinaluhan sila ni Nana Marta, may dalai tong isang basong tubig.
“Senyora huminahon po kayo.” Habang inaabot ang isang basong tubig.
Nagmamadali din ang dalawa pang kasambahay ng alalayan ito papuntang master’s bedroom.
Nang marating nila ang kwarto ng mag-asawa ay dahan dahang inihiga nila si Senyora Alicia.
Habang nakahiga ito ay tahimik pa rin syang lumuluha.
“Senyora tama na po, makakasama ito sa kalusugan nyo.” Nag-aalala si Nana Marta sa kalagayan nito.
Tinitigan nya ang matandang katiwala bago nagsalita.
“Nalulugi na ang farm..” umiyak na naman ito.
“Senyora makakabawi din po ang Salvador Farm.” Pagpapalakas nya ng loob sa butihing amo, kahit wala syang kaalam alam sa mga nangyayari.
Umiiling ang Senyora.
“Alicia please tama na, gagawa ako ng paraan.” Wika ni Senyor Rafael, umupo ito sa tabi ng asawa at hinimas himas ang ulo nito.
Patuloy lamang sa pagluha ito.
“Tatawagan ko si Dr. Antonio para matingnan ka.” Tumayo si Senyor Rafael para tunguhin ang telepono.
Napansin ng Senyor ang pamumutla ng asawa.
Iniwan na ni Nana Marta ang mag-asawa.
Pagkakababang pagkababa nito sa kusina ay hinihintay sya ng iba pang kasambahay.
“Nana totoo ba yun?” tanong ng pinakabatang kasambahay.
“Hindi ko alam pero ang sabi ni Senyora nalulugi na daw ang farm.” Nanghihina din ang matanda at napaupo ito sa upuang nasa tabi
Nanahimik ang lahat walang makapagsalita isa man sa kanila.
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin nina Senyor.:” patuloy ni Nana Marta.
“Kumusta naman po si Senyora? Bawal pa naman sa kanya ang nag-aalala dahil mahina na ang puso nya.” Tanong na isa sa mga kasambahay
“Nakita ko naman na kontrolado ni Senyora Alicia ang sarili. Wala nawa sanang mangyaring masama sa kanya.” Dalangin ni Nana Marta.
“Nana Marta aalis ka ba dito sa Villa kung lugi na ang farm?” tanong ng isa
“Napakalaki ng utang na loob ko sa mag-asawang Salvador kahit anong mangyari hindi ko sila iiwanan.” Naiyak na rin ang matanda.
“Ano ka ba naman Nana napaka iyakin mo pati kami nahahawa sayo. Mas mabuti pa magsibalik na tayo sa mga trabaho natin.”
“Tama. Hintayin na lang natin kung ano man ang magiging desisyon nina Senyor Rafael” sang-ayon ni Nana Marta
Tahimik na naghiwahiwalay ang mga kasambahay ng Villa Salvador.
Hindi naman nagtagal ay dumating si Dr. Antonio. Mabuti na lamang na hindi seryoso ang nararamdaman ng Senyora.
Nang makaalis ang manggagamot ay pinatulog ng Senyor ang asawa at ito ay nagpahinga sa teresa ng kanilang kwarto.
Habang pinagmamasdan nito ang kapaligiran ng Villa ay hindi maiwasan ng Senyor ang malungkot dahil baka itong bahay na kinalakhan ay mawawala din sa kanila.
Naisip nya ang sinabi ng asawa tungkol sa kanilang anak. Tama ito, sana hindi na lamang nila pinahintulutan na maikasal ang anak kay Gabriel.
Pero huli na ang lahat, kailangan nyang magpakatatag sa ganitong sitwasyon dahil kailangan sya ng asawa at ng mga trabahador nila.
Manitoba Canada 1:00 am
Umiiyak si Althea habang pilit na inaabot ang mga kamay ng magulang habang nilalapitan nya ang mga ito ay lalo naman silang lumalayo.
Habol ang hininga nitong napabalikwas.
Napakasamang panaginip kahit gising na sya ay parang nararamdaman nya pa rin na parang totoo ang panaginip.
Bumaba sya sa kusina upang kumuha uminom ng tubig.
Ang tagal nitong nakaupo sa dining table parang totoong nangyari ang panaginip nya dahil pagod na pagod ang pakiramdam nya.
Dahan dahan syang tumayo at nagtungo ulit sa kwarto nya.
Nang makahiga ay pinipilit nya ang sarili na makatulog. Pabiling biling sya sa higaan.
Hanggang sa mag alas tres na ng madaling araw ay hindi na sya dalawin ng antok.
Napagpasyahan nyang bumaba sa living room para tawagan ang mga magulang.
Kinakabahan sya dahil baka kung ano na ang nangyayari sa mga ito.
Isang ring pa lamang ay agad ng may sumagot sa kabilang linya.
Nabosesan nya si Nana Marta.
“Naku Althea anak mabuti napatawag ka?” sabi ng matanda
Naramdaman nya na may problema sa Villa.
“Nana kumusta po dyan?”
“Sandali lang at tatawagin ko ang iyong Papa.” Nagmamdali nitong binitawan ang telepono at halos takbuhin ang kwarto ng mag-asawa.
“Marta para naman may sampung kabayong humahabol sayo.” Sabi ni Senyor Rafael dito ng mapagbuksan ng pintuan.
“Pasensiya na po Senyor. K-kasi, s-si Althea po nasa telepono.” Kandautal na paliwanang nya ditto
Biglang bangon ni Senyora Alicia ng marinig ang sinabi ni Nana Marta.
“Ano ka ba naman Alicia narinig mo ang sabi ni Dr. Antonio na kailangan mong magpahinga.” Pigil ni Senyor Rafael sa asawa.
“Gusto kong makausap si Althea.” nakikiusap ang tinig nito.
“Ako muna ang kakausap sa kanya, hindi nya dapat malaman ang nangyayari sa farm baka kung mapano ang anak natin.” Paliwanag ni Senyor Rafael.
Umiiling si Senyora Alicia. “Mali ka, baka kung malalaman nya ang nangyayri ay bumalik na sya dito sa farm.”
Hindi nakapagsalita si Senyor Rafael dahil may katwiran ang sinabi ng asawa.
“Ako ang magsasabi kay Althea” wika ni Senyor Rafael.
Inalalayan nitong bumaba sa living room ang asawa.
Alam niyang hindi makakapayag ito na hindi makakausap ang anak.
Dahan dahan nyang pina-upo ito sa pinakamalapit na sofa sa telepono.
Kinakabahan din ang Senyor ng damputin ang telepono.
“Althea hija” bati nito sa anak.
“Papa kumusta kayo dyan” pilit na pinapasiya nya ang kanyang boses.
Matagal na hindi nakasagot si Senyor Rafael.
“Hello Papa? Nandyan ka pa?”
“Hija nagkakaproblema ang farm.” Nanghihinang sabi nya dito.
“Bakit ano pong nangyari?” nag aalala ang tinig nya.
“Yung malalaki nating kliyente hindi na daw sila kukuha sa atin dahil may nakita silang mas mababa ang presyo.”
Naiyak si Althea sa narinig.
“Hwag mo kaming alalahanin dito hija, magiging maayos din ang lahat.” Narinig nito ang paghikbi ng anak.
“Papa kumusta ang Mama?” alam nya na mahina ang puso ng ina.
“Nandito ang Mama mo sa tabi ko.” Sabay abot ng telepono sa asawa.
“Hija.”
“Mama are you okay?” nararamdaman nya na pinipigilan ng ina na maiyak sa telepono.
Tahimik na nakikinig si Senyor Rafael sa mag-ina nya.
“Hija ang farm natin.” Tumulo na ang luha nito.
“Mama tatawagan ko si Emer para papuntahin dyan. Do you still remember her?”
“Yes hija.” Maikling sagot nito.
“I’ll call her later Mama para alamin kung bakit nangyari ito at sino ang ipinalit sa atin ng mga dati nating kliyente.” Pagbibigay nya ng pag-asa sa ina.
“Kung nandito ka lang sana anak. Alam kong kayang kaya mong ayusin ito.”
“Mama alam naman po ninyo na hindi pa ako pwedeng umuwi.”
“At kailan ka uuwi? Kailan kayo mag-uusap ni Gabriel?”
“Mama may perfect time dyan. Pero sa ngayon si Emer muna ang makakatulong sa inyo.”
“Althea d-don’t tell me na…” nanlalaki ang mga mata nito pero hindi maituloy ang sasabihin.
“Na ano Ma?” naghihitay si Althea sa sasabihin ng ina.
“Never mind anak.”
“Hihintayin naming si Emer.” Tila may pag-asang nasilip ang Senyora.
“Yes Ma, I’ll call her. Hwag po kayong masyadong mag-isip everything will be all right.” Pagkonsola nya dito.
“Mag-iingat ka lagi anak at tawagan mo kami lagi.” Bilin ni senyora Alicia sa anak.
“Kayo rin Mama ingatan nyo ang sarili nyo. Can I talk to Papa?”
Ibinalik ni Senyora Alicia ang telepono sa asawa.
“Gusto ka raw makausap ulit ng anak mo.”
“hija”
“Papa gagawan ko po ng paraan ang problema natin.”
“Maraming salamat anak.”
At pinutol na nito ang usapan nila.
Pagkababa ng telepono sa mga magulang ay hindi napigilan ni Althea ang mapahagulgol.
Kanina pilit nyang pinapatatag ang sarili para hindi mag-alala ang mga magulang.
Nang mahimasmasan ay dinampot nyang muli ang telepono.
“Hello Emer.”
“Ate napatawag ka, may problem ba dyan?” mahihimigan ang pag-aalala sa boses nito.
“Tungkol sa farm.” Maikli nyang sagot.
“What about the farm? For sure kumikita ang farm nyo kasi halos ang kayo na ang nagsusuply sa buong Region 3.”
“Nag withdraw daw ang malalaking naming kliyente.” Pagbibigay nya ng impormasyon dito.
“Huh?” hindi makapanilawa si Emer sa narinig.
“Ako rin hindi makapaniwala ng marinig ko ang balita kay Papa.” Nagpakawala ng buntong hininga si Althea.
“Pupunta ako ng San Simon bukas.” Mabilis na agaw nya dito.
“Thank you Emer, maasahan ka talaga.” Naluluha na naman si Althea.
Hindi nya akalain ang makulit na kapatid ng kaibigan noon ay may malaking maitutulong sa kanya ngayon.
“Alam na ba ni Ate Emily ito?”
“Hindi ko pa nasasabi sa kanya, later when she comes here I’ll inform her.”
“Emer ikaw muna ang bahala kina Mama.” Pakiusap nya sa dalaga.
“Yes ate, I know it’s too early pa you have to sleep again.”
Nang maibaba na ni Emer ang telepono naiwan na naman sya sa malalim na pag-iisp.
Nang maalala na kasalukuyang kalagayan ay pinilit nyang makatulog muli alang ala sa kanyang magiging anak.
Sinabihan sya ng doctor nya na hindi dapat sya ma stress dahil maselan ang kanyang pagbubuntis.
Bigla syang napabalikwas sa pagkakahiga ng maalala na maaaring makatulong sa problema nila ang mga magulang ni Gabriel.
Nang akma na nyang dadamputin ang telepono ay nagbago ang isip nya.
Naisip nya na kung umuwi na lang kaya sya para personal nyang matulungan ang mga magulang.
Napakagulo ng pag-iisip nya ngayon. Ayaw nyang magpadalos dalos ng desisyon. Kailangan nyang pag-isipan ito ng maraming beses.
Nahiga syang muli at pilit na ipinikit ang mga mata.