Bloom And Doom Series #1
(After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) )
??.???? ???.?
Victorian...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Vine!" Nagmamakaawang pagtawag sa akin ni Swy pero hindi ko pa din siya pinansin at pinagpatuloy ang pagsusulat ng mga notes.
"Dali na Vine, Please? Kahit ngayon lang..." Pagmamakaawa niya muli sa akin, hinawakan niya ang aking braso.
Para naman tong unggoy na nagmamakaawa.
I closed my eyes and took a deep breath. Ayokong samahan siya sa gusto niyang puntahan!
Paano ba naman!
Gusto ni Swy na samahan ko siya sa field para lang makita yung 'gwapong' transfere na soccer player. I don't even know how she know that the transferee guy is a soccer player!
Tangina, hindi naman pala sinabi ni Tita Sachi sa akin na nagpalaki siya ng isang stalker!
Kaya lang naman nagpupumilit na magpasama siya sa akin pumunta ng field ay dahil ka-close ko ang mga soccer player na nandoon!
"Ayoko nga! Magpasama ka na lang sa iba! Kay Felix, ka-close niya din naman yung mga soccer player," Pagtanggi ko, ngunit mas matigas pa ang ulo nito kaysa bakal, kaya't umiling ito ng parang bata.
Sumilip sa pintuan si Felix ng classroom, "Narinig ko pangalan ko. May kailangan kayo?" Malawak pa ang ang ngiti niyang tanong.
Mabilis ang lingon ni Swy sa pintuan, "Wala! Mag-linis ka dyaan! Mind your own business, chismoso," Nagtaas ng middle finger pa si Felix at dahan-dahan nawala na parang kabute.
Bumalik ang tingin ni Swy sa akin, "Ayoko kay Felix, kapag nanghihingi ako ng pabor doon nanghihingi ng kapalit. Tyaka pera kasi yung hinihingi niya sa akin eh! Ni mas mayaman yung kuripot na yon kaysa sa akin!"
"Sabihin mo na lang na, ayaw mo lang magkaroon ng favor kay Felix."
She shook her head and snorted, "Vine, please?" Umiling ako.
Padabog na umalis ito at umupo sa isang upuan na bakante at malayo sa akin. Wala naman akong pake kung magalit ito sa akin dahil alam ko naman na ilang minuto lang ay lilipas din ang pagtatampo nito.
Tyaka, bawi ko na din yan sa pagsasabi niya ng kung ano-ano kay Mom.
Napaka-isip bata at spoiled brat kasi.
Biglang tumahimik ang mga kaklase ko ng pumasok si Gio sa aming classroom. Even though Gio is from a different strand, he always suddenly enters our classroom.
Hindi naman yon masama sa school, pero literal kasi na ito ay basta-basta na lang papasok sa classroom namin.
Magugulat ka na nga lang ay nakabukas na ang classroom namin at nandoon na siya sa loob, hindi ko nga alam kung paano nito nabubuksan yung classroom namin.
Kahit ang president ng class namin ay hindi si Gio sinasabihan na huwag basta-basta pumasok sa classroom nila.