抖阴社区

Chapter Thirteen

47 3 0
                                    

New Chapter Of Conflicts?

New Chapter Of Conflicts?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Vinnie~"

Inilayo ko ang aking tenga sa telepono ng marinig ko ang matinis na boses ng aking ina.

Vinnie?

Yan na naman si Mom sa pagtawag niya sa nickname ko noong bata ako.

Sa tono pa lang ng boses niya ay alam ko ng naka-inom si Mom, hindi niya ako tinatawag na 'Vinnie' kung hindi siya nakakainom.

For hell sake! 40 na si Mom pero mahilig pa din mag-bar!

I sigh, "Naka-inom ka na naman ba, Mom?" I ask firmly but soft, tumayo ako sa aking kama at lumabas sa aking kwarto.

Kaagad ako tumungo sa kwarto ni Mom at Dad, pinihit ko ang doorknob ng pinto pero hindi ito bumakas.

"Nasa bar ako kasama ang Tita Sachi mo," Narinig ko pa ang pagbati sa akin ni Tita Sachi sa kabilang linya.

Bumalik na lang ako sa aking kwarto at dumirestyo ako sa veranda na nasa tabi ng aking kwarto. 

"Umuwi din kayo kaagad, Mom. Nagpaalam ba kayo kay Dad?" Tanong ko dito.

"Hindi, hindi ako nagpaalam sa Dad mo kaya huwag mong sabihin sa pangit mong tatay. Tyaka, may mga pogi dito, nak, kahit matatanda na may itsura pa din," Humagikgik ito.

Mag-tita nga talaga sila ni Swy.

"Don't worry, hindi ko ipagpapalit Dad mo," Dagdag niya.

"Bakit ka nga pala kayo napatawag?" Pagiiba ko ng usapan.

"Vinnie...yung hiling ko sayo...sana naman tuparin mo na,"

Napasinghal ako at facepalm, "Huwag mo akong singhalan dyaan, naririnig kita, Vinnie," Biglang sumeryoso ang kanyang boses.

Napanguso ako, "Mom naman...sinabi ko na sa inyo na pagiisipan ko pa yung tungkol dyaan..." Malambing kong tono, syempre para maawa si Mom sa akin.

"I heard that there's a drama club at your school. I'll join you in whatever you want and whatever you don't want, hmm?" There was a threat in her voice. And the gentleness of her voice earlier changed immediately.

She was about to speak when I said stupid things, "Mom, may sasalihan na ako na ibang club..." 

Syempre isang kasinungaling yon.

Tanga ko talaga, kainis. Ang pogi ko nga tanga naman.

At tyaka, hindi ako marunong umarte, I don't see myself standing in front of a crowd and acting. Iniisip ko pa lang yon parang bibigay na ang pagiging extrovert ko.

Mahiyain pa din naman ako kahit extrovert ako. Kahit medyo makapal mukha ko, aaminin ko na. Nahihiya pa din ako humarap sa ibang tao.

"Okay, when I find out that you  still don't have a club to join tomorrow and your recess time ends without you having joined any clubs, I'll make sure you go to the drama club. Got it, Vinnie?" Those words chilled my body.

Shine Your Way (Bloom And Doom #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon