抖阴社区

Chapter Thirty

41 3 0
                                    

Shining Stars

Napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ako ng pagkirot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ako ng pagkirot.

Dapat talaga hindi ako uminom kagahapon! Wala tuloy akong maalala kahit isa sa mga nangyari kagabi.

Parang mas naalala ko pa yung nightmare ko na nagkiss daw kami ni Lucius sa kotse niya,

Bakit ba halos araw-araw ko na siya napapanaginipan? Yung panaginip ko sa kanya kahapon parang totoo, nararamdaman ko yung pagdampi ng labi niya sa akin.

Napahawak ako sa aking labi, "Nag-kiss ba kami?"

"Huy may second kiss ka na?!" I flinch when I heard Swy's shouts. Sa sobrang kalutangan ko hindi ko namalayan na tinanong ko na pala ang sarili ko.

Bakit ko ba kasi iniisip na totoo yung kiss sa panaginip ko? Si Lucius hahalikan ko? Napaka-imposible naman na halikan ko yun at imposible ding halikan ako non!

Mahina kong hinatak ang aking buhok, naririnig ko ang pagsasalita ni Swy pero para bang bingi ang aking tenga. I hear only my heart.

It's too fast, am I going to die? I didn't even drink coffee, why did I feel like I was palpitating. Namamasa ang palad ko ng hindi ko alam ang dahilan.

"Vine! Nakikinig ka ba sa akin?!" Napalayo ako kay Swy ng sigawan ako nito sa tenga, tinignan ko siya ng masama pero hindi ako sumagot.

Wala akong sa mood makipagaway sa kanya dahil masakit ang ulo ko at lalo lang sasakit ang ulo kapag nakipag-away pa ako sa babae na ito.

Nilapag nito ang isang gamot sa aking harap, pang tanggal ng hangover.

"Inomin mo yan," She said, "Guess what? Hindi ako ang bumili niyan," May pangaasar pa sa boses niya, kunot-noo akong tumingin sa kanya.

Hindi ko na siya tinanong at kinuha ang gamot sa palad niya, kaagad ko itong ininom.

Habang umiinom ako ng tubig ay nagumpisa na naman magsalita si Swy, "Si Lucius nagpapabigay niyan."

Muntik pa nga ako mabilaukan ng sabihin niya iyon, "S-Si Lucius?" Nahihirapan kong sabi, parang pumasok ata sa ilong ko yung tubig!

Tumango siya ng malawak at sa ngiti niya pa lang ay alam ko nainaasar niya na ako, "Ikaw ah, kapag binanggit ko na pangalan ni Lucius mo nagkakapake ka sa usapan!"

"Tigilan mo nga ako, nabulunan lang ako," Pagdededma ko sa mag pangaasar niya, mahina akong napa-ubo.

Ang totoo niyan, nagulat talaga ako. Halata naman sa reaskyon ko. Hindi ko kasi inaasahan na sa pagiging busangot at masungit niya na nagbibigay siya ng ganito. Although this is just a medicine, I appreciate him.

Napangisi ako ng bahagya, "So sino nga ba kasi yang na kiss mo?" Kaagad nawala ang ngisi ko sa labi.

"Ha?"

Shine Your Way (Bloom And Doom #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon