Bloom And Doom Series #1
(After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) )
??.???? ???.?
Victorian...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pamilyar talaga ang boses ni Lucius, saan ko ba narinig yon?
Bakit kasi hindi ko maalala?
Napatigil ako sa pagiisip ng may bola na patungo sa aking puwesto, mabilis kong nasalo ang bola at binato patungo sa net.
Narinig ko ang malakas na tili ni Swy ng mashoot ko ang bola sa net, it means, our group got a point.
Nagkayayaan kami ng mga dati na kateam ko sa basketball na maglaro muna ng basketball. At ito nga, nahati kami sa dalawang team na may tig-limang manlalaro.
Mabilis kong sinalo ang bola ng ibato sa akin ni Jerome ang bola, kaagad kong itinakbo iyon. Hindi na ako nagdalawang isip na ishoot yun sa loob ng net, narinig ko ang hiyawan ng mga manonood ng muli kong napasok sa loob ng net ang bola.
I heard Felix who was standing as our points scorer, "Guys! Ten minutes na lang start na ang klase!" Sigaw niya, binitawan na ng isa kong ka-team ang bola at ang iba sa kanila ay nagpaalam sa akin bago umalis.
Dali-daling lumapit sa akin si Jerome, "Ang galing mo pa rin magbasketball, Victorian."
Tinapik niya pa ang aking balikat, bahagya naman akong ngumiti, "Ikaw din naman, Mr. MVP, hindi pa din kumukupas yung pagiging magaling mo sa basketball," Pagpuri ko sa kanya.
Before I joined basketball, I used to watch Jerome play basketball, we met because he was my classmate in grade nine.
Habang naguusap kami non ay nabanggit niya na nakikita niya ako na nanonood ng practice nila palagi, syempre hindi ko tinanggi yon. Dahil sa kanya, I learned how to play basketball.
Siya ang MVP ng basketball team noon, not until na umalis siya para sa ibang bansa magaral, pero bumalik ulit siya dito sa pilipinas last year lang.
Habang wala siya sa basketball ng mga taon na yun. Ako na muna naging MVP non, pero itinigil ko ang pagbabasketball dahil sa isang beses may kaaway ako na mga ibang basketball player na galing sa ibang school. At tyaka, isang beses na sprain ako, ilang araw din akong tumigil sa pagbabasketball non.
Kaya bilang makaiwas ako doon sa away at masprain ang paa ko, tinigil ko ang pagbabasketball. Kung kailan ako tumigil sa pagbabasketball, doon ko naman nalaman na bumalik na siya sa pilipinas at dito ulit magaaral.
Ngumiti siya sa akin pabalik, nakuha ng aking mata ang isang sugat na nasa kanyang pisngi, na ngayon ko lang napansin.
Hindi ko alam kung pasa ba yon, dahil parang hindi na yun sariwa na pasa. Parang, marka ng pasa? Hindi naman yun ganon ka laki pero halata siya.
Hinawakan niya ang kanyang pisngi kung nasaan nandoon ang marka ng pasa niya, nakatigil naman ako sa pagkakatingin sa kanya, mukhang napatagal ang titig ko sa kanyang mukha.