Bloom And Doom Series #1
(After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) )
??.???? ???.?
Victorian...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Bakit mo tinanggap yung role?!"
Sa sigaw pa lang ng taong kausap ko, alam kong mabibingi ako kapag may sinabi pa ako, tahimik na tumango ako.
Napa-face palm naman siya, akala mo naman siya ang naiistress.
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain, nandito kami sa canteen para kumain, minamadali ko lang ang pagkain ko dahil kailangan ko pang pumunta rehearsal para sa play.
Habang umaarte tong si Swy na akala mo naman istress siya, na dapat ako naman ang mastress.
Pasimpleng kinuha ni Felix ang sausage na nasa plato ni Swy na hindi niya pa nagagalaw.
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.
"Bakit mo ba kasi tinanggap yung role?! Alam mo naman na ang kapartner mo doon yung pick me na yun eh!"
Sa pagkasabi niya pa lang ng 'pick me' alam ko kung sino ang tinutukoy niya, si Fiona.
Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan niya kung bakit masyadong kumukulo ang dugo nito ni Swy kay Fiona. Hindi nga sila magkakilala pero grabe siya maka-react kapag binabanggit ko sa kanila si Fiona.
Sumingit sa usapan namin si Felix na sarap na sarap na kinakain yung sausage na nanggaling sa plato ni Swy.
"Bakit ba sobra yung galit mo kay Fiona? Ano hindi mo tanggap na maganda siya?" Tumalim ang tingin ni Swy sa kanya.
Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay sa ere na parang sinasabi na sumusuko na siya.
"Pake ko doon! Maganda ako noh! Hindi naman yun maganda! Masyadong pabebe..." May pagkairita pa sa boses niya, sa sobrang mukhang sama ng loob niya nilabas niya ang kanyang galit sa kanin at tinusok-tusok to.
Mukhang napansin niya na nawawala yung sausage sa plato niya, tumingin to sa akin.
Nakita ko ang pag-iling ni Felix na para bang sinasabi na huwag kong sabihin kung sino ang suspek ng pagkawala ng sausage.
"Ako kumain, akala ko kasi ayaw mo."
Tinasaan niya lang ako ng kilay pero hindi naman siya nagalit, lumambot ang ekpresyon nito kanina na parang mananakal na.
Pero kapag sinabi ko talaga na si Felix ang kumuha non, baka saksakin siya ng tinidor ni Swy, lalo ng may dalaw siya ngayon.
Nakahinga naman ng maluwag ang totoong suspek ng nawawalang sausage.
Nag-thumbs up pa sa akin si Felix at nag-asong ngiti, "Ano nga ba kasi ang rason mo kung bakit galit na galit ka kay Fiona?" Seryoso kong tanong sa kanya.
Matagal na akong kati na kati na malaman kung ano ba ang problema niya kay Fiona.
Sweet si Fiona, mahinhin, maganda, matalino at kung tutuusin siya na ang mga standard ng mga lalaki na nandito sa school, pero hindi ako kasama doon.