Bloom And Doom Series #1
(After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) )
??.???? ???.?
Victorian...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Bakit sila magkasama?"
Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi ng isa sa mga fangirls niya, kaya nilipat ko ang sarili ko sa kabilang bench na malayo sa mga gamit niya na nandito at sa mga fangirls niya na nanonood sa kanyang pag-practice ng soccer.
Ang noo niya ay naka-kunot ng tumingin siya sa gawi ko. Itinuon ko na lang ang tingin ko sa ibang ka-team niya magagaling din maglaro, baka nga mas magaling pa sa kanya.
Inikot ko na lang ang tingin ko sa field, nakita ko ang isang bulto ng tao na pamilyar sa akin, nasa likod ito ng puno. Malayo ang puno sa field ngunit malapit sa kinauupuan ko kaya ngayon ko lang siya napansin.
Nasa bench na nasa gilid ng field ako nakaupo at malapit lamang ito sa puno nakinatataguan ng taong yon.
I don't know who he is looking at.
Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa puno kung saan siya nagtatago o kung ano man yung ginagawa niya. Pero para kasi may hinahanap siyang tao na nandito sa field dahil kanina pa siya tingin ng tingin sa paligid.
Tyaka ngayon ko lang siya nakita na ganito, hindi naman siya ganito kumilos kapag may hinahanap na tao. Kadalasan kasi lalapitan niya talaga kahit sinabi namin na wag lapitan.
Katulad noong tinuro ni Swy yung type daw niya na lalaki sa arcade sa mall, sinabi lang ni Swy na type niya ang lalaki na gwapo doon at gusto kunin ang number.
Pasimpleng tinuturo ni Swy ang lalaki at syempre hindi nagegets at mukha ngang wala pang pakeelam si Gio sa tinuturo ni Swy, kaso, mukhang nainis itong si Gio dahil sa pangiistorbo at ingay ni Swy dahil sa kilig.
Kaya imbis hanapin gamit mata niya, nagulat na lang kami na kinalabit niya ang lalaki at itinuro si Swy at walang kahiya-hiyang sinabi na,"Kuya, type ka daw niya, ano daw number mo?"
Mabuti kasi kung ganon lang eh, pwede pa masabi na joke lang o kaya matuwa yung lalaki kasi may mga taong natutuwa kapag ganon? Kaso kasama yung jowa, kaya ayun.
Nag-away at naghiwalay pa nga sa harapan namin.
I came up behind him and I think he didn't notice it that I was close behind to him. He is busy with what he was looking at.
"Gio?" Bahagyang napagalaw ang kanyang balikat at lumingon sa akin. I noticed from his expression that he was a little surprised but he immediately replaced it with a plain expression.
"Anong ginagawa mo dyaan?" Nagtataka kong tanong.
Parang may tinataguan si Gio na hindi ko kilala. Hindi ko nga alam kung sino ang tinitignan niya dahil sa field lang nakatingin si Gio.
Imposibleng nakatingin siya sa mga soccer players, hindi naman siya interesado sa kanila
"Be quiet..." Immediately he said, he turned his back on me and looked again at who he was spying on.