Bloom And Doom Series #1
(After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) )
??.???? ???.?
Victorian...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
It's been a day since the roleplay and when we celebrated at the bar. And since that day, Lucius was avoiding me.
Si Lucius naman ngayon ang umiiwas sa akin, na imbis dapat ako ang gumagawa. But, the situation is different now, I have no right to avoid him.
Oo na, kasalanan ko naman ngayon.
May nangyari kasi after ng uminom kami, hindi yung may nangyari sa amin dalawa!
Hindi...hindi kami nag-ano...basta! Walang nangyaring ganong bagay.
Ang ibig kong sabihin sa may nangyari, uminom syempre sa sobrang paginom ko ng araw na yon lasing na lasing ako, halos hindi na nga ako nakatayo ng maayos dahil sa sobrang kalasingan ko. Si Lucius ang naguwi sa akin sa bahay namin dahil siya lang naman ang nakakaalam ng bahay ko sa drama club.
Pero bago kami umuwi, hindi ko na talaga maalala kung anong nangyari non, basta ang huli ko lang naalala inalalayan niya ako sa loob ng kotse niya. That's all I remembered.
Pero si Manang Silvia na nagalalay din sa akin, siya ang nagkuwento na may ginawa daw akong masama kay Lucius.
Na sinapak ko daw si Lucius sa sobrang kalasingan ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko sinapak siya sa dahil wala na din ako non sa diwa ko sa sobrang kalasingan ko!
Ayon, mabuti na nga lang isang sapak lang nagawa ko sa kanya, kung hindi lang ako lasing non baka tatluhin ko pa sapak ko sa kanya. Nakakapanghinayang tuloy na hindi ko pa binigwasan ng isa pang suntok.
Tapos ayun, kinabukasan non ng pumasok ako sa drama club, nagtataka ako bakit ang sama na ng tingin ni Lucius sa akin, tapos nakita ko din yung sugat sa labi niya na hindi ko pa alam non na ako ang may gawa.
Kung hindi ko pa natanong si Manang Silvia kung anong ginawa ko nung nalasing ako hindi ko pa malalaman kung ano ang naging rason ni Lucius para magalit sa akin.
Imbis makaramdam ako ng kahihiyan natuwa pa nga ako, kasi nagkaroon ako ng lakas ng loob para totoohonin na sapakin siya!
Makainom nga ulit ng alak para naman masapak ko siya ng paulit-ulit hehe.
"Nababaliw ka na ba, Vine? Kanina ka pa ngiti ng ngiti dyaan kahit wala ka namang dapat ika-ngiti," Hindi ko namalayan na ngumingisi na pala ako dito sa harapan ni Gio habang iniisip yung nangyari ng nakaraang araw.
Kahit sino naman kasi matutuwa kapag nasapak mo na ng tuluyan yung taong kinakaayawan mo, yun nga lang hindi na ako pinansin.
Hindi ako natutuwa doon, nakasanayan ko na kasi na araw-araw niya gagalitin yung buong araw ko. Parang nasanay na ako na iniinis niya ako.
"Vine! Nakikinig ka ba?!" Napaigtad ako ng biglang sumigaw si Gio, kaagad naman ako tumigil sa pagngiti ko, umayos ako sa pagkakaupo at bahagya akong ngumiti sa kanya.