抖阴社区

Chapter Seventeen

41 5 0
                                    

Other Reasons

"Pass your paper! Kanina pa kayo nagsasagot ng quiz!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pass your paper! Kanina pa kayo nagsasagot ng quiz!"

Inilapag ko ang aking ballpen sa desk at ipinasa na sa taong nasa harapan ko ang answer sheet na hawak ko.

Napatingin ako kay Henry ng padabog nitong inilapag ang hawak niyang ballpen.

Humikab siya bago magsalita, "Araw-araw na lang may pa-quiz si Mrs. Sungit, bagay talaga apelyido niya sa ugali niya," Naiiritang bulong niya.

"Mag-aral ka na lang kasi ng matino," Narinig ko ang madrama nitong pagsinghap ng hangin, tinaasan ko naman siya ng kilay.

Peke siyang napahawak sa kanyang bibig, "Hindi ka ata si Vine."

Umarte pa siya na parang kinikilabot habang yakap ang sarili, "Ang sipag mong mag-aral ngayon, anong nakain mo?" Dagdag niya pa.

Bahagya akong ngumiti, "Maganda lang yung araw ko ngayon," Maikli kong sagot habang nakangiti.

After all, there are no words to describe how I feel right now. Bukod sa naibalik na ang cellphone ko, ay after ng pag-audition ko sa drama club, madaming magandang feedback ang mga member ng drama club. Mukhang na-impress ko sila.

Except kay Lucius, nangangatog pa ang tuhod ko dahil sa kaba non tapos ang sama pa ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung masama ba yung tingin niya sa akin o hindi, masyado kasing seryoso ang tingin sa akin.

Iba talaga aura ng lalaking yon, nakakatakot. Parang terror mong prof.

Pero unfair niya nga eh, doon naman sa ibang mga estudyante na nagperform hindi ganon ang klase ng tingin niya.

Mukhang napagalaman ko ngayon na hindi naman pala snobber si Lucius sa ibang tao, especially the members of the drama club. Akala ko kasi hambog.

Nakikita kong ngumingiti siya kahit tipid sa mga yon. Pero kapag sa akin hindi ko man lang siya nakitang ngumiti ng walang halong pangaasar.

Ay oo nga pala, nakita ko naman na siyang ngumiti ng walang halong pagaasar, pero isang beses lang yun.

Pero ngayon.

Now I'm thinking more about the result of those who get into the drama club.

Oo, hindi pa doon natatapos sa audition ang paghihirap ko.

Sa monday sasabihin ang mga nakapasok sa drama club, at ito ako. Siguro buong linggo ako magdadasal na sana makapasok ako sa drama club.

Dahil kung hindi, matatapos na yung pagiging malaya ko.

Naputol ang aking pagiisip ng magsalita ang katabi ko, "Vine, may naisip kana ba na program na sasalihan sa college?" Dahan-dahan akong tumango.

Nag-humm ako bilang Oo, "Bachelor of Science in Civil Engineering ang kukunin ko," Kinamot niya ang kanyang kilay bago magsalita, "Ikaw ba? Anong program ang kukunin mo?" Balik na tanong ko sa kanya.

Shine Your Way (Bloom And Doom #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon