抖阴社区

Chapter Twenty-Seven

37 4 0
                                    

The Bright Of The Moon Is Beautiful

Halos mabingi ako sa napakatinis na tili ni Swy na umalingangaw sa buong flower shop, sa sobrang lakas parang mababasag na ata yung mga babasaging bagay na nandito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos mabingi ako sa napakatinis na tili ni Swy na umalingangaw sa buong flower shop, sa sobrang lakas parang mababasag na ata yung mga babasaging bagay na nandito.

Nakita ko naman ang pagngiwi ni Felix at nagba-bato ng masamang tingin kay Swy. Napahawak ako sa aking tenga, parang masisira ata eardrums ko sa sobrang tinis ng boses niya.

Mabuti na nga lang kaming tatlo lang ngayon ang nandito sa loob ng flower shop nina Felix, umalis kasi ang Tita ni Felix, nagbakasyon daw ito sa japan kaya isang linggong magbabantay si Felix ng kanilang flower shop, tutal kanila naman ito.

"Ano ba, Swy?! Tili ka ng tili ang sakit sa tenga!" Pagkatapos ng nakakabinging tili ni Swy, pumalit naman ang maingay na sigaw ni Felix sa buong sulok ng flower shop.

Mabuti na nga lang walang taong bumibili ngayon sa flower shop kung hindi nabingi na yung mga costumer sa sigawan nila.

"Ano ba kasing sinisigaw-sigaw mo dyaan?" Hindi katulad nilang dalawa na nagsi-sigawan, mahinhin ko na tanong kay Swy pero hindi naman nakatakas doon ang kaunting pakainis ko sa kanya.

Para siyang bata na nagtatalon-talon, yakap niya ang kanyang cellphone lumapit ito pa tungo sa akin at pinakita ang tinitignan niya kanina sa screen ng cellphone niya.

Announcement yon patungkol sa gaganapin na school festival para sa tuesday, eto ata ang sinasabi nila na isa pang event na gaganapin sa school.

Last week pa ito nabanggit sa amin, pero hindi pa akong nakakaisip ng theme namin para sa magiging booth ng section namin.

It was said in the post that each section and strand must prepare its own stall or booth, but I know that there will be many people who will take the marriage booth and jail booth, yon kasi ang mga popular na booth para sa mga estudyante na nasa school namin.

Bukas ay hihingiin ko ang mga opinion ng mga kaklase namin para naman may idea ako tungkol sa gagawin naming booth and of course, we also need the entire section to help each other in making the booth.

"Sinabi ko na sayo tungkol dyaan sa school festival, diba?" Takang tanong ko sa kanya.

Ibinalik ko na ang kanyang cellphone habang siya ay tuwang-tuwa pa din sa announcement.

"Kasi naman, Akala ko kasi nagjojoke ka lang!"

I glared at him before going back to what I was doing, which was to spray water on the flowers displayed here that need to be watered.

Nakayuko ako habang iniispreyan ang mga bulaklak, inayos ko ang headband na gawa sa bulaklak ng akmang malalaglag ito sa aking ulo.

Hindi ko mapigilang mapatingin sa aking repleksyon, nagmumukha akong cute dahil dito sa headband na ito. Cute naman talaga ako kahit hindi ko suot ito.

Shine Your Way (Bloom And Doom #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon