Bloom And Doom Series #1
(After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) )
??.???? ???.?
Victorian...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi ko mapigilang mapangiwi habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
Simula sa mukha ko hanggang sa white t-shirt ko kitang-kita ang manstya ng lupa sa damit ko, napahawak ako sa aking pisngi at pinunasan ang aking pisngi dahil sa lupa na napunta sa mukha ko.
Sobrang dungis na ng poging ktulad ko.
Kasalanan to ni Swy!
Itinulak ba naman ako sa lupa habang nagtatanim dito sa garden nina Felix!
Mabuti naman kasi kung katawan ko lang ang nadumihan! Nakasuot ako ng white t-shirt at pinunas pa nila yung kamay nila na may lupa pa sa damit ko na puti!
Paano ko lalabhan to?!
Hindi to matatanggal ng ganon lang at lalo naman bawal makita ni Mom na nadumihan yung white t-shirt ko!
Napasuklay ako sa aking buhok para magisip kung paano ko malalabhan to, nagpakawala ako ng isang malalim na buntog hininga.
Kung alam ko na magtatanim lang pala kami ng bulaklak para sa flower shop nina Felix. Edi sana hindi na lang ako nagputing damit.
May flower shop sina Felix na malapit lang sa school, linggo ngayon at wala akong ginagawa sa bahay kaya pumunta na ako dito ng yayain nila ako na gagala daw
Gagala, talaga lang?
Gagala daw? Pinagtanim lang nila ako ng mga bulaklak!
Oo, ako lang! Nandito si Roxanna, Gio, at Swy pero ni isa sa kanila walang tumulong, lalo naman sa anak ng may ari ng flower shop!
Kung nandito lang talaga si Tita Elle, sinumbong ko na si Felix na tamad yung anak niya kumilos sa flower shop nila.
Kaagad akong lumabas sa restroom at bumungad kaagad sa akin si Felix, "Vine oh!" Kaagad kong sinalo ang hinagis niya na damit.
Pinapag ko iyon at napailing ako sa damit na ibinigay niya sa akin, "Seryoso? Sando talaga ibibigay mo sa akin?" Pagrereklamo ko sa kanya.
Kulay black na sando yun at sigurado ako na kitang-kita ang biceps na tinatago ko, mamaya magkanda laway pa yung mga babae na bumibili dito sa flower shop nila kapag nakita nila ako. Tsk! Sa sobrang pogi ko ba naman.
Masyadong maganda katawan ko para ipakita ko na lang kung kani-kanino. Except nga lang sa nangyari sa field...hindi ko naman sinasadya na iangat yung t-shirt ko.
Kinunot niya ang noo niya, "Magpasalamat ka na nga lang pinahiram pa kita, hindi ko naman kasi sinabi na maglaro kayo ng lupa!"
"Edi thank you," Sarcastic kong pagpapasalamat sa kanya.
Pero syempre hindi niya alam ang salitang 'pagiging sarcastic', "Marunong ka naman pala magpasalamat."
Pasimple kong inikutan ng mata, kaagad akong bumalik sa restroom at nagpalit ng damit, napailing pa ako ng nakalabas ang biceps ko sa sando.