Balak pa sana akong tulungan ni Fiona pero kaagad na humindi ako sa pagtulong niya sa akin. Magaan lang naman ang dala ko, at hindi lang naman iyo ang dahilan ko kung bakit ayaw kong patulungin si Fiona.
Alam ko na may gusto ito sa akin, isa sa mga nakuha kong love letter nung unang pasok ko dito sa school ay galing kay Fiona.
Nagpaalam na ako kay Fiona bago siya iwan doon sa hallway, ayoko namang maging bastos sa pakikitungo sa mga babaeng nagkakagusto sa akin.
Nakita ko si Swy na nakasandal sa railings ng hagdanan habang tumitingin-tingin pa ito sa kuko niya, ng makita ako ni Swy ay umayos ito ng pagkakasandal.
"Oh, nasaan na si Gio?" Tanong nito.
"Ano pa ba?" Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin sa pabalik na tanong ko sa kanya, "Bwiset talaga yang attitudeness na pandak na yan, napaka bossy! Akala mo naman may katulong!" Pagrereklamo ni Swy.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakas habang itong si Swy naman ay panay pa din sa pagrereklamo na nakakarindi na.
Walang preno ang bibig.
Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin ko na parang wala ng Swy na naka-sunod sa akin dahil parang tumahimik ata bigla ang paligid.
Lumingon ako sa kanya, nakatitig ito sa field. Hindi ko tinignan kung ano ang tinitignan niya dito dahil wala naman akong pakeelam kung ano iyon.
"Tara na-" Nagulat ako ng bigla itong yumakap sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.
Nagtatalon-talon pa ito habang yakap ako.
"Hoy!" I grab her shoulder and shake her, pero parang hindi man lang ito natinag at lalo lang ito hinigpitan ang pagkakayakap sa akin at siniksik niya pa ang kanyang ulo sa aking dibdib.
"Kyaaaah!" She squealed softly while her face was still buried in my chest.
"Nabaliw ka na ba talaga?!" I asked to her, habang pilit na tinutulak siya.
Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin kaya nakahinga na ako ng malaya, "OMG beh! Nandyaan yung poging tranferee at kasama pa yung pogi niyang mga kaibigan!" Kinikilig niya saad, at may kasama pang paghahampas sa braso ko.
Napairap na lang ako sa kanya, kapag kinikilig to ay palagi na lang nananakit. Hindi pa din ako sanay na tuwing kapag kinikilig si Swy ay palagi na lang itong na nanakit.
Kaagad na iniwas ko ang braso ko kay Swy, "Tigilan mo nga ako Swy, yan ka na naman eh!" Sumama naman ang timpla nito, "Eh, na excite lang naman ako makita yung poging tranferee noh! Ang KJ mo!" Pagmamaktol pa niya.
"Bahala ka nga! Ang KJ-KJ mo!" Nagtatampo na sabi niya sa akin.
Naglakad na ito ng padabog habang ako naman ay sumunod na lang sa kanya.
Suddenly, a ball was headed in Swy direction and the ball was sure to hit Swy's head. Mabilis kong nahawakan ng bola gamit ang mga palad ko na sinipa ng kung sino, at dahil sa direksyon nung pagsipa niya ng bola ay kamuntikan niya ng mataan si Swy. Mabuti na lang ay nasalo ko yung bola gamit ang isa kong kamay dahil may hawak pa ako na box.
Swy became silent and her brain seemed to be loading while staring at the ball that I was holding. Mabilis kong binaba sa sahig ang bola.
Mahina kong pinitik ang kanyang noo dahil doon ay nabalik ang process ng utak niya na 1MB lang ata ang storage.
Ng mukhang bumalik ang proceso ng utak ni Swy ay napansin ko ang pagmula ng kanyang mukha at niyukom pa nito ang kamao niya. Mukhang nagalit na.
Humarap siya sa mga soccer player at ganon din ako, nakatingin sila sa amin. Nanliliksing ang mga mata ni Swy ng tumingin siya sa mga ito.

BINABASA MO ANG
Shine Your Way (Bloom And Doom #1)
RomanceBloom And Doom Series #1 (After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) ) ??.???? ???.? Victorian...
Chapter Three
Magsimula sa umpisa