Parang hindi lang yun ang dahilan. May iba pa talagang dahilan kung bakit niya hinahanap yung taong nayon.
"Anong ginagawa mo dito?" Bigla niyang tanong.
"Nanonood lang ng practice ng soccer," Even though my answer was a lie, I just made it clear to him that was my intention.
"Hindi ka naman mahilig manood ng soccer."
"Trip ko lang manood ngayon," Palusot ko.
Alam ni Gio ang halos lahat ng gusto at ayaw ko dahil sa pagiging madaldal ni Swy kaya niya alam lahat ng gusto ko.
I hear the soccer coach blew his whistle and shouted, "Break time in twenty minutes!"
Napansin ko ang pagtingin ni Lucius sa paligid, para bang may hinahanap na kung sino. Umupo siya sa bench habang nagpupunas ng kanyang pawis, mukhang hindi niya ako nakikita sa puwesto ko dahil dito sa malaking puno.
"Una na ako, Gio," I let him know even though he didn't care if I left or not, he just nodded.
Baka hinahanap na ako ng siraulong si Lucius.
Kaagad ako naglakad patungo sa kanya, nakita ko ang magkasalubong na kilay nito habang sinusundan ako ng tingin.
Hindi ko alam kung galit ba to sa akin o ano, para kasing galit sa mundo dahil sa magkasalubong niyang kilay. Parang mananapak.
Naka-upo siya sa pwesto ko kanina, "Wag ka dito. Doon ka na," Hindi siya nagsalita at pinusan niya ang kanyang mukha gamit ang bimpo.
Nakita ko naman ang nakamamatay na tingin sa akin ng mga fan girls niya.
"Who were you talking to earlier?" Hindi ko inaasahan na tanong niya.
Pake mo ba?
"Kaibigan ko," Sagot ko.
Bakit ba tinatanong nito? Tsk, akala mo naman may pake. Ano naman sa kanya kung kinausap ako ni Gio?
Tumayo siya sa bench at hinagis sa bag niya ang towel, ipinasok niya ang kanyang magkabilaang kamay sa bulsa ng suot niya pants at naglakad lang ito papasok sa loob.
Napakunot ang noo ko.
Ano yon? Sira na ba ulo non? Ay oo nga pala, matagal ng sira yung ulo niya.
Kaagad akong sumunod sa kanya kung saan man siya pumunta. Kaya lang naman sasama ako sa kanya dahil sa mga fangirls niya na nakatingin pa din sa akin ng masama.
Baka mamaya may magapproach at sabihin sa akin, 'Kuya pogi, pa-pic po!' Pagkaguluhan pa ako.
Psh, sino ba niloloko ko?
Syempre sairli ko, hindi yun yung gagawin nila baka nga isaisa akong ipabugbog dahil doon sa idol nila.
Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa canteen. Kahit naguwian na ang ibang mga estudyante sa school ay bukas pa din yung canteen.
Napahinga ako ng malalim dahil sa hingal sa pagsunod sa kanya. Ang bilis bilis kasi maglakad! Hindi ko naman alam na sobrang bilis pala nito maglakad.
Tumingin ito sa akin habang nakataas ang kilay at habang kumakain ng chichirya na hawak niya.
"Why did you follow?" Sabi niya at muling naglakad na naman.
"Wait lang, Lucius! Kanina pa ako naglalakad kakahabol sayo!" Imbis tumigil siya sa paglalakad ay maglakad na siya palabas ng canteen.
Wala naman akong nagawa at may sama pa ng loob na sumunod ulit sa kung saan siya papunta.

BINABASA MO ANG
Shine Your Way (Bloom And Doom #1)
RomanceBloom And Doom Series #1 (After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) ) ??.???? ???.? Victorian...
Chapter Twelve
Magsimula sa umpisa