抖阴社区

Chapter Twenty-Two

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ako interesado sa kanya pero aaminin ko, nakikita ko naman ang sarili ko na nagkakagusto sa kanya. Hindi naman ako manhid para hindi mahalata na may gusto siya sa akin.

Pero kung tutuusin mas magandang hindi na lang siya magkagusto sa akin o mag-confess man kung may nararamdaman siya. Masyadong malabo ang nararamdaman ko para sa kanya.

If you are in love, your heart should automatically beat faster and you feel a thrill every time you see that person.

But I don't feel that way yet, because I haven't fallen in love yet.

May mga naging crush ako, pero hindi ko naman nararamdaman ang gnong bagay. Purong paghanga lang, walang kilig.

"May nalaman kasi ako tungkol kay Fiona at Bruce..."

Nawala ang pagkamasayahin at pagiging bungangera niya, sobrang seryoso ng pagkakasabi niya.

Kahit si Felix na nakangisi kanina, bilang nawala ang ngisi sa labi niya. Napatahimik kaming dalawa, habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

Iba kasi ang pagiging seryoso ng boses ni Swy, sa pagkaseryoso ng boses niya. May pagkalungkot doon.

"Kasi...si Fiona at Bruce dati daw na magjowa kung baga mag-ex  sila, narinig ko lang yun sa dati kong kaklase na kaklase si Fiona. Sabi niya ng makuwento ko na gusto ko si Bruce, si Bruce at Fiona daw ay naging sila pero naghiwalay din."

Napalunok ito, parang wala siyang balak sabihin ang kasunod. May lungkot sa kanyang mukha.

"Hindi mo kailangan na tapusin yung kwento mo," Sa unang pagkakataon, may pagiging marahan sa tono ng boses ni Felix.

Pero imbis na hindi na magsalita si Swy, nagpatuloy pa din siya sa pagkukuwento, "Last year daw ng naghiwalay silang dalawa, tapos nung...tapos nung pumunta ako sa field para kausapin sana siya para magconfess...naringi ko na naguusap sila ng iba niyang mga ka-team."

Tumigil siya saglit, "Nabanggit niya na, hanggang ngayon mahal niya pa din si Fiona..." Lalong bumaba ang boses nito sa huli niyang sinabi.

Napatahimik ako sa kanyang sinabi.

Hindi ko alam kung paano ko siya icocomfort. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya.

At ang isa ko pang rason, hindi ko alam kung ano ba ang pakiramdam ng magkagusto, mainlove at higit sa lahat ang mareject.

"Maghanap ka na lang kaya ng ipapalit sa kanya?" Kahit na nonsense ang sinabi ko wala akong nagawa, hindi ko kasi alam kung paano icomfort ito.

Yun lang ang kaya kong sabihin sa kanya.

Akala ko malulungkot siya pero ngumuso lang ito, "Siya lang yung nagustuhan ko ng ganito..." She whine.

Patay talaga.

Napatingin ako sa wirstwatch ko, thirty minutes na lang at tapos na ang recess namin. Kahit na labag sa loob ko na iwan ko ng ganito si Swy, kailangan kong umalis para sa rehearsal.

Tumayo na ako at mahinang tinapik ang balikat niya, "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo o kung anong isusuggest ko, pero sana naman...kung hindi ka pa nagcoconfess sa nararamdaman mo sa kanya," Bahagya akong tumigil at napaisip.

"Magandang umamin ka na lang at malaman ang sagot niya, kaysa naman na sumuko ka na kaagad kasi feel mo rejected ka kahit na wala pa siyang sagot sa sinasabi mo at wala pa siyang alam sa nararamdaman mo..." Lalong humaba ang nguso nito.

"Alis na ako baka magumpisa na yung rehearsal," Pagpapaalam ko sa kanila.

Narinig ko ang pagpaalam nilang dalawa sa akin, tumingin ako sa kanila, kumakain na ulit ang dalawa. Naririnig ko ang pagiging malambot ng boses ni Felix habang binibigyan ng payo si Swy. 

Shine Your Way (Bloom And Doom #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon