Pero biglang nagiba ang ihip ng hangin sa kanilang dalawa. Kahit malayo na ako ay narinig ko ang pagdaing ng masakit ni Felix, mukhang kung ano-ano na naman yung sinabi niya kaya sinaktan na naman siya ni Swy.
Akala ko naman cinocomfort na.
Bago ako tuluyan na lumabas ng canteen nakita ko pa na sinasabunutan niya si Felix.
Kanina ang seryoso ng ihip ng hangin sa kanilang dalawa tapos nagaaway na naman sila.
Kung wala lang kami rehearsal, ako na talaga ang magcocomfort kay Swy kahit na mas pipiliin niya si Bruce kaysa sa napaka-gwapo niyang pinsan.
Hindi ko maasahan si Felix, kadalasan ba naman na lumalabas sa bibig niyan mga nakakainis na salita kaya sasaktan talaga siya ni Swy. Pero kapag naman matino sasabihin ni Felix, sasaktan pa din siya ni Swy. Malaki kaya ang inis sa kanya ni Swy.
Napaisip ako habang naglalakad sa hallway, nakita ko si Fiona sa hindi kalayuan, naka-upo siya sa bench habang nakatingin sa kawalan na parang ang lalim ng iniisip. Napansin ko din na may kausap siya sa telepono na hawak niya.
Before she could see me, I hid in the pillar wall here, luckily I fit in.
Nagiging chismoso na ba ako katulad ni Felix?
"Sinabi ko na sayo na huwag mo na akong padalahan ng bulaklak!"
Her scream almost echoed throughout the hallway, ang ibang napapadaan na mga studyante ay napatingin sa kanya dahil sa biglaan niyang pagsigaw.
Bakas sa kanyang mukha na naiinis siya sa taong kausap niya. Hindi ko inaasahan na malakas pala ang sigaw niya at lalong hindi ko inaasahan na magagalit siya.
Hindi ko naman inaasahan na palagi siyang mahinhin, pero hindi ko alam na ganon siya magalit.
"Sinabi ko na sayo ng ilang beses! Hindi na ako interesado sayo! Ganyan ka ba ka desperado?!" Naiirita niyang sigaw sa kausap niya at binabaan iyon ng tawag.
Nakita ko ang pagyukom ng kanyang kamay sa cellphone na hawak niya, halos masira na nga yon sa pagkakahigpit ng hawak niya.
Sino ang kausap niya?
Napailing ako at mahinang sinampal ang magkabilaan kong pinsgi.
Hindi dapat ako maki-usyoso sa usapan ng ibang tao. Tama, hindi dapat.
Rinig ko ang mabibigat na yapak niya palayo sa aking pwesto, mukhang papunta na siya sa theater room dahil sa daanan na tinutungo niya.
Nang makumpirma ko na malayo na siya sa aking pinagtataguan, lumabas na ako sa pagkakatago doon sa likod ng pillar.
Baka pagnakita niya ako, isipin niya na chismoso ako.
Kaagad akong naglakad patungo sa theater room, pero bago ako pumasok sa theater room, nakita ko ulit si Fiona na mukhang may ka-chat. Nasa tapat siya ng pinto ng isang classroom na malapit dito.
Nakakunot ang noo niya at madiin ang bawat pagtatype niya sa cellphone niya.
Nagaalangan pa ako na tawagin siya pero sa napagdesisyon ko din na tawagin siya, "Fiona! Hindi ka pa papasok sa loob?"
Mukhang nagulat ito, lumambot ang ekspresyon niya at ang kaninang inis at pagkakunot ng noo na naka-paskil sa kanyang mukha ay nawala.
"Papasok din ako maya-maya..." Ang malakas na boses niya kanina ay biglang huminhin.
Kahit na naguguluhan ako sa bilis ng pagpalit niya ng kanyang ekspresyon at tono ng boses ay tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.
Pagkapasok ko pa lang sa theater room, bumungad na sa akin ang mabigat na awra ng lalaking laging nakatingin sa akin, akala mo naman papatayin ako sa tingin.

BINABASA MO ANG
Shine Your Way (Bloom And Doom #1)
RomanceBloom And Doom Series #1 (After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) ) ??.???? ???.? Victorian...
Chapter Twenty-Two
Magsimula sa umpisa