抖阴社区

Chapter Twenty-Two

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumakad ako patungo sa kanya, nasa pinakaunahan siya na malapit sa stage. Hindi ko nga alam kung paano niyang nalaman na pumasok na ako dito sa loob ng theater, baka kanina pa ako hinihintay?

Nakatingin pa din siya sa akin ng sobrang diin, hindi ko mapigilang mainis sa tingin na naman niya.

"Ano?" May pagkairita sa tanong ko dahil sa tingin niya, lumabas sa aking bibig ang isang hindi makapaniwalang singhal ng irapan niya ako.

"Ako paiirapan mo? Fuck you ka, fuck you."

Dumilim ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko, hindi na siya nagsalita at maganda yun. Umupo na lang ako sa upuan na parang katulad lang talaga sa mga upuan sa mga theater.

Ramdam ko ang pagtingin niya sa akin, tinignan ko siya, pero hindi ko siya nahuli na tumingin sa akin.

I thought of one thing that would annoy him, "Kaunti na lang iisipin ko na may crush ka sa akin," There was teasing in my voice.

Syempre, joke lang yun, hindi naman ako crush nito sadyang sobrang sama lang tumingin. Natural an sa kanya yang ganyang tinginan.

Umismid siya at ngumisi,  "When I say yes will you believe me?" Seryoso ang boses niya, pero naka-ngisi siya. Kaya hindi kapanipaniwala ang sinasabi niya.

Pinagtritripan na naman ako ng isa nato.

"Hindi."

Lalo lang siya ngumisi sa akin.

Lumayo ako sa kanya ng inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Nakaramdam ako ng inis sa pangaasar niya sa akin, kaya bilang pangaasar pabalik sa kanya.

Nilapit ko din sa kanya nag aking mukha at tinaasan siya ng kilay.

Hindi ako bumitaw ng tingin sa kanya.

He tilted his head and smirk.

I gulp.

Puta, bakit ang pogi niya kapag gumaganyan siya...I-I mean, l-lalong nakakainis pagmumukha. Ako pala ang pogi kapag nagganyan.

"B-Baliw ka ba?" Sa unang pagkakataon, nautal ako sa kanyang harapan.

"Ang lapit mo masyado..." Halos pa bulong ko na habang nakatingin sa kanya mata, lumawak lang ang ngisi niya.

Tangina, tumigil ka na nga kakangisi...

Alam kong inaasar niya lang ako, pero, pero...bakit ako nauutal?

Napahinga ako ng maluwag ng umayos ito at lumayo na ito sa akin na may matangumpay na ngiti sa labi niya, "Are you nervous? I haven't done anything to you yet," My blood boiled as he teased me.

'I haven't done anything to you yet'?

'I haven't done anything to you YET'?!

"Anong 'I haven't done anything to you yet' Hindi mangyayari yan!" Halos isigaw ko na sa eardrums niya ang mga sinabi ko, nakita ko naman ang paglayo niya sa akin, siguro dahil sobrang lakas ng sigaw ko.

Kung naririnig lang ng mga ibang mga members ng drama club yung sigaw ko dito kay Light, baka isipin nila na may namamagitan sa amin dalawa.

"President Light, kumpleto na sila..." Pagkuha ni Stella ng atensyon nitong nangiinis sa akin, kaagad naman na binalik niya ang seryoso niyang emosyon.

Tumango na siya at umakyat na sa stage, hinanap ng aking mata si Fiona. Hindi ko kasi napansin na pumasok na siya dito sa theater, nakita ko siya sa pinakalikod nakaupo. 

Hanggang ngayon ay hawak niya pa din ang cellphone niya, mukhang hindi niya pa tapos kausapin ang taong ka-chat niya.

Kaagad akong tumingin sa harapan ng binaba niya na ang cellphone niya ng magsalita si Lucius.

Shine Your Way (Bloom And Doom #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon