抖阴社区

Chapter Twenty-Two

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagumpisa din naman kaagad yung rehearsal, inabutan kami ni Lucius ng mga script para kabisaduhin dito sa school at sa bahay. Makakalimutan pa naman ako tapos kailangan ko pang magkabisado ng mga script, medyo mahaba pa naman yung script.

Aabot sa hour hour ang magiging play, kaya kailangan kong kabisaduhin ang script na nasa ten pages ng long bondpaper. Buti na nga lang hindi na ako nakakaramdam ng kaba dahil na din siguro sa pagiging medyo makapal na ang mukha ko.

Pero, kalahati pa din sa nararamdaman ko ay may kaba. Mga teacher sa ibang mga school ang manonood sa amin at dahil anniversary ng school yun, nakakahiya naman kapag pinahiya ko ang school.

Nakaupo ako sa sahig habang pinapakinggan ang mga instructions ni Lucius, ang rehearsal na gagawin namin ay para sa mga dapat gawin doon sa play.

Hindi muna niya ininclude ang tungkol sa script dahil kakabigay pa lang naman niya daw, maganda na yun.

Dahil sa ginawa niya na yon, nabawasan din inis ko sa pagiging bossy, mapride, at mapanginis ng isang to. Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan yung pangiinis niya sa akin kanina.

Tuwing naalala ko, ako lang ang napipikon, syempre hindi naman yan napipikon, mas malakas pa yan manginis kaysa sa akin.

Example na dyaan ay yung ginagawa niya ngayon.

"You can't dance?" Tanong ni Lucius, alam ko naman na hindi yun tanong. Pangiinsulto ang sinabi niya, hindi niya man sinabi,  halata naman sa tono ng boses niya.

Anong hindi marunong sumayaw?

Pakitaan ko to ng dance skills ko sa friday! Marunong ako sumayaw, pero hindi naman ibig-sabihin non, include doon ang pagsayaw na pangballroom dance.

Pasimple siyang ngumingisi, gusto ko siya sigawan at irapan dito pero ang daming nakatingin sa akin- sa amin.

Gusto kong sagutin ng sagutin siya pero ayoko naman na isipin ng mga members ng club na wala akong respeto sa president ng club.

Wala naman talaga akong respeto sa kanya, bukod sa ginawa niya akong alalay, araw-araw pa siyang nambubuwiset, kaya wala din akong nagawa. 

Iniinis ko din siya, pero ang ending...ako, ako ang naiinis sa ginagawa niya pabalik sa akin.

"Ayusin mo ang hawak mo..." Utos nito, tinignan ko si Fiona na nakapalibot ang aking braso sa kanyang bewang. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa, yumuko ako ng kaunti para kausapin siya, yumuko ako dahil hanggang balikat ko lang siya.

Mukhang nahihiya siyang tumingin sa akin dahil kanina ko pa napapansin na pilit niyang iniiwasan ang aking mata. Bakas din sa kanyang mukha na nahihiya siya, kahit ako din naman.

Bakit ba kasi kailangan na may sayaw doon sa roleplay? Akala ko ba aarte lang?

Nakakairita tong si Lucihs, eto pa talaga ang una niyang pinarehearsal sa amin. Kesyo daw inuuna niya ang mga highlighted na scenes sa Romeo and Juliet.

Wala naman akong dapat reklamo.

Pero kanina pa ako nito patagong nilalait! Kasalanan ko bang hindi ako marunong sumayaw?!

"Okay lang ba na, hapitin pa kita lalo?" Panghihingi ko ng permiso kay Fiona, sunod-sunod itong lumunok at nararamdaman ko na din ang paglamig ng palad niya na hawak ko.

Dahan-dahan siyang tumango, lalo ko siyang hinapit palapit sa akin. Sa unang pagkakataon, naramdamn ko ang pagakyat ng dugo ko sa aking pisngi, alam ko na namumula ako.

Narinig ko ang katyawan ng mga nanonood sa amin, sinasabi nila mukhang bagay daw kaming dalawa.

Lalong namula ang aking mukha dahil doon, kinikilig ang mga babae na nandito pati na din si Stella na may nangaasar na ngisi sa labi.

"Uy! Nagblublush si Vine!" 

Bahagya akong napayuko sa hiya, nagulat ako ng naramdaman ko na may humawak sa aking baba, ihinarap niya paharap sa kanya, dahil sa nasa gilid ko siya ay napatagilid ang aking ulo at ginabay ng kanyang daliri na nasa aking baba para itaas ang tingin ko.

Si Lucius ang gumawa non, nakita ko ang seryoso nitong tingin sa akin.

Napahigpit ang hawak ko sa bewang ni Fiona dahan-dahan na binaba ni Lucius ang kanyang mainit na daliri papunta sa aking leeg, dahan-dahan niyang inilayo iyon.

Para akong kakapusin ng hininga sa kanyang ginawa, nagsitayuan ang balahibo ko.

"Be confident, ayusin mo tingin mo." Kusang tumango ang aking ulo dahil sa pagkakatulala. Dahan-dahan akong tumingin kay Fiona at inayos ang aking tingin.

Ang kaninang puno ng katyawan ang bawat sulok ng  theater room ay napatahimik, at lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa.

Sa aming dalawa ni Lucius.

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Fiona sa akin, kaagad akong yumuko para tignan siya.

She smiles, "Practice na tayo..."

Tahimik na lamang ako napatango.


Shine Your Way
luminimini

Shine Your Way (Bloom And Doom #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon