"Hindi, ano nga ulit yon?"
Hindi ko naman kasi naiintindihan yung sinasabi niya. Paanong hindi ko maiintindihan eh hindi nga naman kasi ako nakikinig.
Nakita ko ang pag-irap niya bago sumagot sa tanong ko.
Imbis sumagot na lang sa tanong ko, inirapan pa ako, attitude talaga ng pandak nato.
"Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka naman nakikinig," Umismid na lang ako, sobrang init ng dugo nito. Siguro dahil doon sa chat ni Oliver pinsan niya.
Hindi ko nga sinabi na dump account ni Oliver yun, hayaan ko na lang na siya ang maka-discover.
Malaki naman na siya.
Malaki yung age at pagiisip niya lang. At hindi yung height niya.
"Sabihin mo na lang, may iniisip kasi ako kaya sabihin mo na lang ulit."
Nagsalita siya habang nagbubuklat ng notebook, reviewer para sa quiz nila, "Yung tungkol doon sa photographer..."
Naalala ko naman ang sinabi ni Fiona na gusto akong kausapin ni Gio, last week niya pa yon sinabi pero nakalimutan ko na din.
Hindi ko napuntahan si Gio dahil sa sobrang busy ko sa rehearsal at cheerleading dance, mabuti nga na nagkaroon kami ng oras para pagusapan ang tungkol doon.
Nandito kami ngayon sa tambayan namin, sa field. Kaming dalawa lang ang nandito, si Felix at Swy.
Syempre wala sila dito sa pwesto namin, nandoon sila sa loob ng school. Nagli-libot na naman sa buong school para maghanap ng mga pogi at maganda na estudyante sa ibang strand.
Hindi na daw kasi nila type yung mga katulad namin ng strand, wala na daw pogi at maganda.
Pero ito, hindi ko naman naiintindihan yung sinabi ni Gio dahil nga naalala ko pa din yung ginawa kong pagsapak kay Lucius.
Nagpatuloy siya sa pagsa-salita tpaungkol sa photographer na iyon, "I already know who that photographer is," Tumigil siya muli at may kinuha sa kanyang bag, may nilabas siya na I.D at inilapag iyon sa aking harapan.
'Hadji Kionelle Martinez'
Hindi pamilyar ang pangalan na iyon sa akin. Pero, ilang beses ko ng nakita ang mukha niya dito sa school dahil isa siya sa mga basketball captain team na nandito sa school.
Kinuha ko iyon at tinitigan para makumpirma at tama nga ako...siya nga talaga iyon, ilang beses ko na siya nakita sa gymnasium na nanonood ng practice ng team namin noon.
Naririnig ko din ang pagcheer niya sa team namin kahit na kalaban namin ang team niya, weird para sa akin iyon, syempre kalaban namin sila at ang weird naman na nagchecheer ka sa kalaban mo na team.
Narinig ko ang pagsa-salita ni Gio habang tinitignan ko ang I.D ni Hadji, nakikinig naman ako sa mga sinasabi niya.
"Nung pumunta ako noon sa theater room para puntahan ka dahil nga nanghihingi ako ng tulong sa iyo para mahanap yung photographer na yan. Pero alam ko, sinabihan ko si Fiona na sabihin iyon sayo kaso, sa sobrang busy niya mukhang hindi niya nasabi sayo ang bagay na yon. Sinabi niya din naman sa akin na hindi niya nasabi sa iyo. At pinuntahan kita sa theater room non para kausapin ka. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko na ang mismong culprit sa theater room, habang nagrerehearsal kayo tungkol sa play. Nung nagprapractice sana kayo ni Fiona na para sa sayaw na scene sa play. Nakita ko siya sa pintuan ng entrance ng theater room."
Nababa ko ang I.D na kinikilatis ko kanina at tinuon ang atensyon sa mga sinasabi ni Gio, "Akala ko nung una tumitingin lang siya doon, pero nakita ko na may hawak siyang camera. Nagtago na lang ako doon sa likod ng basurahan para hindi niya ako makita. Hindi din nagtagal siya doon, umalis din siya kaagad. Kaso mukhang hindi niya sinasadya na mahulog niya yung I.D. Kaya nagbago na ang isip ko na tumuloy doon sa theater room."

BINABASA MO ANG
Shine Your Way (Bloom And Doom #1)
RomanceBloom And Doom Series #1 (After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) ) ??.???? ???.? Victorian...
Chapter Twenty-Six
Magsimula sa umpisa