Huli niyang sabi bago siya tumahimik, kaagadnaman akong nagsalita ng tumahimik na siya, "Kilala ko si Hadji, isa siya sa mga captain ng isang basketball team dito. Lagi siyang nanonood ng practice namin nong nasa basketball team ako. Nakakapagtaka nga kung bakit siya na nonood sa practice namin kahit na kalaban namin siya at ang team niya," Kinuha ni Gio ang I.D at kinilatis ito.
Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit ginagawa ni Hadji ang bagay na yon, sa pagkakaalam ko wala na siya sa basketball club. Mukhang sa photography club na siya lumipat.
Pero ang nakakapagtaka, bakit niya ginagawa yon? Kumukuha siya ng mga litrato ng mga tao na hindi niya naman kilala. At ang pinaka malala, dahil sa ginagawa niya kaya nagkakaroon ng mga issue ang mga estudyante na nandito sa school.
Pero ang pinagtataka ko...nasaan yung picture na kinuha niya sa theater room at...sino ang kinuhaan niya doon? Maari kasing ibang tao ang kinuhaan niya ng picture.
Ilang beses ko ng iniistalk ang page ng photography club pero wala naman ng bagong post ang club. Last week pa iyon...nakapagtataka naman.
"Hindi kaya...may gusto yung Hadji nayon sayo?" Gusto kong matawa sa sinabi ni Gio pero seryoso ang pagkakasabi niya non.
Hindi ko mapigilang mapangisi ng sarcasticc dahil sa narinig ko, "Seryoso?"
Nakumpirma ko na seryoso si Gio sa sinabi niya ng inirapan niya ako, "Paano mo naman nasabi?" Nagtataka kong tanong, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa ulo ni Gio para sabihin niya na baka may gusto sa akin si Hadji.
"May sabi-sabi sa section nila na tungkol kay Hadji na bakla daw siya," Seryoso niya pang sinabi muli sa akin, lalo kong nakumpirma na hindi talaga nagsisinungaling si Gio.
Kung bakla nga si Hadji, hindi naman ibig-sabihin non na may gusto sa akin siya.
At tyaka, hindi ko naman siya kilala, nakikita ko nga siya palagi noon pero hindi ko alam ang pangalan niya kaya imposible naman ang sinasabi ni Gio.
"Paano mo ba...nasabi na gusto ako nung Hadji? At tyaka, baka naman iba yung sinasabi mo, hindi lang naman siya ang nagiisang photographer ng club."
"Matagal ko na siyang nakikita sa school at isang beses nakita ko siya na naglalapag doon sa desk mo ng regalo may kasama pa nga iyong letter kaya alam ko na isa siya sa mga secret admirer mo."
Napakamot ako sa aking noo at bahagyang kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ni Gio, puro babae ang mga admirers ko.
Pero hindi naman ako sigurado kung puro babae nga ba...at tyaka, wala naman akong nakita na pangalan na ng galing sa estudyante na nagngangalan na Hadji.
Binasa ko lahat ng mga love letters na binibigay sa akin, pero wala talaga akong nakita na Hadji ang pangalan ng nagbigay.
Kahit na naguguluhan pa ako ay tumahimik na lang ako at hindi na nagtanong ulit, pero nagsalita muli si Gio dahilan para umingay muli ang tahimik sa pagitna namin.
"At tungkol naman dyaan sa baka nagkakamali lang ako...wala namang masama kung tatanungin natin siya? It doesn't mean that we blame him for doing it."
"Kailangan nating mahuli yung Hadji na yon, ang target niya ay kayong dalawa ni Cervantes. Kaya, kailangan ko ng tulong niyo ni Cervantes. Alam ko na sinusundan ka non," Pagpapatuloy niya.
Tumango naman ako sa sinabi niya, payag ako sa inisiip niyang paraan para mahuli na din ni Gio ang photographer na yun na mahilig gumawa ng issue.
Pero, ang tanong.
Papayag ba si Lucius sa plano?
Hindi ko siya makakausap dahil galit yon sa akin, sinapak ko ba naman.

BINABASA MO ANG
Shine Your Way (Bloom And Doom #1)
RomanceBloom And Doom Series #1 (After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) ) ??.???? ???.? Victorian...
Chapter Twenty-Six
Magsimula sa umpisa