抖阴社区

Chapter Thirty

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinitik nito ang aking noo na kina reklamo ko, kung makapikit kasi akala mo ay bakal yung daliri.

"Ay sus, wag kang magbingi-bingihan dyaan. Sino ba kasi?" Pangungulit niya pa.

Umiling ako, "Wala, nanaginip lang ako."

Tinaasan ako nito ng kilay at iniscan ang buong katawan ko na para bang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.

"Wala nga."

"Sige sabi mo eh," Sabi niya pero halata pa din sa mga tingin niya na hindi pa din siya naniniwala.

"Tigilan mo nga ako," Ngumisi ito.

"Ikaw nga iniyakan si Bruce," Pangaasar ko sa kanya nakita ko naman ang pag-asim ng mukha nito.

"Si Bruce nireject ako! Ang sakit-sakit, Vine!" I imitated what she said last night before burst out laughing.

"Manahimik ka nga, pinagsisihan ko na iyon! Tyaka wala na akong pake sa kanya!"

Nanahimik ito habang ako naman ay napatingin sa labas ng bintana, patawa-patawa pa ako ng tumingin sa bintana.

Pero napatigil ako sa pangaasar sa kanya at pinanliitan ang aking mata ng makita ko sina Bruce at Fiona na magkasama. Nasa field silang dalawa. Hindi ko silang bahagyang makita dahil nasa likod sila ng puno.

"Si Bruce at Fiona yun ah..." Bulong ko pero hindi ko inaasahan na titingin si Swy sa labas ng bintana.

Tinignan ko siya, akala ko ba wala itong pake?

Lumikot ang mata nito ng mapansin niya ako na nakatingin sa kanya, "G-gusto ko lang tumingin sa labas..."

Sus.

Hindi ko na lamang siya pinansin at tinignan sina Bruce, I look carefully when I see that Fiona was throw a round object towards Bruce.

I squint my eyes, is that a ring?

Magulat ako ng biglang lumuhod si Bruce sa harap ni Fiona, I gasp when Fiona slap Bruce.

Narinig ko ang pagsinghap ni Swy, "Nag-LQ ba sila?" Narinig kong bulong nito.

Bruce suddenly tear in front of Fiona as he knelt down holding her hand. His lips are moving, pero dahil malayo kami sa pwesto ay hindi namin marinig ang mga sinasabi niya.

Fiona pushed him away, causing him to stumbled and sit on the ground, and without a word, Fiona left him. Fiona seemed furious with Bruce.

"Nag-break na ba sila?" Bulong pa ni Swy.

"Teka...nag-break? Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo niya.

"Mag-fiance sila, si Fiona ang tinutukoy ko na fiance ni Bruce," ang realidad ay halos sampalin ako dahil sa sinabi ni Swy.

Mag-fiance sila?

"Fiance?" Napatigil ako.

"Oo."

"Paano?" Tunog tanga man, pero gusto kong malaman kung ano ang relasyon nilang dalawa.

"Fiance niya si Bruce dahil sa arrange marriage ng magulang nila pero may boyfriend siya na taga-ibang school. Grabe talaga iyang babae na yan!" Nagulat ako sa sinabi niya.

"B-boyfriend?" Paguulit ko.

"Oo! May boyfriend pa siya na nasa ibang school tapos nag-agree pa sa arrange marriage nila ni Bruce! Hindi ba mapakali yang babae na yan!" She even rolled her eyes as she held her ballpen tightly.

"Balak niya pa ata pagsabay-sabayin kayo, siraulong babae yan!" Puno ng inis na sabi niya, tinusok-tusok niya ang pambura ng lapis.

"Anong kayo?"

Shine Your Way (Bloom And Doom #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon