She sigh aggressive, "Manhid! Crush ka nung babae na yon, hindi ba obvious? Baka naman bobo ka lang?!"
Hindi ako manhid, alam ko at napapansin ko.
Pilit ko lamang dinedeny dahil ayokong mag-assume.
She scoff and cross her arms, "Siya na nga ang pinili ni Bruce kung para sa akin tapos magchecheat pa siya? Nakakainis talaga iyang babae na yan!"
Napatunganga lang ako dahil hindi nagsisink in sa aking utak ang mga sinabi niya, "Nireject mo ba yung babae na yun?" Tinuro-turo ako nito gamit ang kanyang ballpen.
Umiling ako, "Hindi siya nagcoconfess sa akin."
"Kung mag-coconfess?" Umiling ako, "Irereject ko siya."
"Mabuti naman, akala ko tanga ka din para bigyan ng chance ang babae na yan!"
Napailing na lamang ako sa mga sinabi niya, napabuntong hininga na lang ako. Palaisipan sa aking ang sinabi ni Swy, may boyfriend si Fiona at may fiance pa siya.
Bakit niya naman iyon gagawin? Sobrang bait niya at mahinhin, kaya parang imposible naman na isa siyang cheater...
Napadaing ako ng biglang kinurot ni Swy ang aking braso tinignan ko naman siya ng masama at sinabing, "Ano ba problema mo? May iniisip yung tao kurot ka ng kurot!"
Lumipad ang kamao nito sa aking ulo na lalong nagpadagdag sa sakit na galing sa pananakit niya sa akin.
Parang metal talaga tong kamao niya! Babae pa ba to?!
"Iniisip mo na imposibleng gawin ni Red flag yon noh?! FYI o for your information, madami ng issue yang Fiona na yan sa school. Halos lahat kaya ng mga lalaki dito ay pinapatulan niya!" Sigaw nito sa akin.
Napaismid ako habang hinihinmas ang aking batok, hindi pa din ako naniniwala. Tyaka chismiss lamang iyon sa school, at baka hindi totoo.
"Hindi pa din ako na niniwala, ang bait kaya ni Fiona." Lumipad ang notebook niya sa akin pero nasalo ko ito bago pa madagdagan ang sakit ng katawan ko dahil sa pananakit niya.
"Ewan ko sayo! Mabilis ka kasi ma-uto!" Sigaw nito, napatingin sa kanya ang mag kaklase namin ng bigla nitong padabog na sinara ang pinto ng classroom.
Napahagikgik ako ng marinig ko na pinagalitan ito ng teacher na padaan sa room namin. Kung makaasta kasi akala mo siya may ari ng school.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone, nakita ko na may message galing kay Lucius.
Liwanag:
Labas.Kasabay ng pagbaba ko ng cellphone ko ay ang pagtawag naman sa aking pangalan ng kaklase ko.
"Pres, nasa labas si President Lucius hinahanap ka!" Sigaw ng kaklase ko an akala mo ay security guard dahil nakabantay ito sa labas ng pintuan.
"May something talaga dito kina Vine at President Lucius," Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang bulong ng mag katabi ko.
Napatingin ako sa dalawa kong kaklase na babae, "Ay gago narinig ka tanga..." Bulong ng kaklase kong babae sa kaibigan niya.
"Magchichismiss ka na nga lang ng tea, nandyaan pa yung ingredients. Tyaka obvious naman na may something diba? Nung festival pa," She whisper na rinig na rinig ko naman.
Awkward na ngumiti ang mga ito sa akin, sinuklian ko sila ng bahagyang ngiti.
Napa-tsk ako ng makita ko si Lucius na nakasandal sa railings sa labas ng room namin. Kaya nagkakaissue kami dahil sa lalaking ito, chinat niya na nga ako hindi pa talaga naghintay at pinatawag pa ako sa kaklase ko.

BINABASA MO ANG
Shine Your Way (Bloom And Doom #1)
RomanceBloom And Doom Series #1 (After matapos ko itong book na to, irerevise ko kaagad siya because I know na may pagkajeje past chapters sa unahan :D Please bear with me...nagprapractice pa din kasi ako magsulat ng novel :))) ) ??.???? ???.? Victorian...
Chapter Thirty
Magsimula sa umpisa