Tyler pov's
Hinang hina na ako na halos mawalan na ako ng hininga dahil sa mga natamong pasa at bugbog ko sa ibat ibang parte na katawan ko! Mas lalo akong natigilan at halos huminto na ang paghinga ko ng narinig kong ang pamilyar na boses. Pilit kong iminulat ang mga mata ko na halos hinde na makakita dahil sa pamamaga neto ngunit pinilit ko paring tignan ang pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon.
Nagkaroon ako ng pag-asa na makalaya sa pagkakahawak sakin ng mga lalaki ng makita ko si Stacey sa harapan ng mga lalaki,dahil sa pagod ko hinde ko na masyadong marinig ang mga pinaguusapan nila Stacey at ng mga lalaki na bumugbog sa akin parang mauubusan na ako ng lakas at ang tanging kaya ko na lang gawin ay paghinga ko.
'Salamat Stacy at dumating ka! Pero sana inilayo muna lang ang sarili mo sa gulo,magpapahinga lang muna ako kahit konti, sana magingat ka sa mga lalaking kaharap mo sa ngayun, Salamat'
At tuluyan na nagdilim ang paligid ko.
Stacey pov's
"Aba pare oh! Ang lakas ng loob,yan ang gusto ko sa mga babae e palaban! Kaso di kita type!!"baling nya sakin matapos tignan ang mga kasamahan nya.
Bahagyang naramdaman ko ang matinding init ng dugo ko na dumadaloy sa sistema ko, upang mas maramdaman ko ang lakas ko. Ngayun na lang ulit ako makakaingkwentro ng gulo sa tagal tagal ng panahon ay parang nag iinit na ang mga palad ko na nanabik ng makapanakit ng mga muka katulad ng mga lalaking kaharap ko ngayun.
~flashback~
"Hey anung ginawa nyo dyan?".pagtawag ko ng pansin ng may matanaw ako na iisang babae sa madilim na parteng lugar, at sa base ng nakikita ko mukang gagawan nila ito ng hinde magandang bagay.
"Hoy bata kung ayaw mong paglamayan ng maaga maari ka ng makaalis"
"Tss"
Hinde na ako nagaksaya ng pras at dali dali na akong sumugod sa tatlong lalaki na nakapalibot pa sa isang kakawang babae na bahagya ng nakikita ang pangloob nyang kasuotan.
"A-aaahhh!!"sigaw ng isang lalaki matapos na sipain sa muka at hawakan ang kanyang kamay patalikod at bahagyang nakadapa.

BINABASA MO ANG
Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)
RomanceNaranasan mo na ba ang MAGMAHAL? Eh yung MASAKTAN habang NAGMAMAHAL? At patuloy na NASASAKTAN dahil sa iyong NARARAMDAMAN? Yung nag-umpisa sa ASARAN Na naging MAGKAGUSTUHAN Na nauwi sa SAKITAN At natapos sa IYAKAN At sabi nga nila na T...