抖阴社区

Chapter 35

1.4K 63 2
                                        

Happy Valentines.
Broken hearted ngayon ang ating bida. Ouch, walang ka date, kaya nilamon ng ka-BITTER-an.

#MBBMMNBitterButMoreThanBetterNow.

Mabigat naman ang pakiramdam kong bumangom mula sa kama ko, ginawa ko muna ang morning ritwal ko bago nagtungo sa baba ng may mga malamyang kilos.

Naabutan ko naman sila Mama na kumain, si Papa naman ay umiinom ng kape habang may hawak na diyaryo na napatingin sa akin. Si Naster naman ay nakatungong kumakain habang may head phone na nakalagay sa kanyang tenga at bahagyang umiindayog pa ang kanyang ulo dahil sa pinakikinggan nito.

Si ate naman ay hindi mabitawan ang kanyang cellphone na habang ang isang kamay nito ay nakahawak ng tinidor na tusok nito ang isang sausage.

"Good morning!" Bati sa akin ni Papa. Bahagya lang naman akong ngumiti. Napatingin naman ang lahat sa akin dahil sa pabati sa akin ni Papa. Matamlay naman akong naupo sa tabi ni ate at sumandok ng kanin at mga ulam.

Nag-umpisa naman na akong kumain, ngunit wala doon ang isipan ko. Kung hindi sa nangyare kagabi at nangyare sa pagitan namin ni Tyler. Naramdaman ko naman ang mumunting pagsakal sa dibdib ko kaya naman napasinghap pa ako, dahil bahagya ng nagiinit ang sulok ng aking mga mata, nagbabadyang may tutulong luha.

Inalog ko naman ang ulo ko, para mawala sa isip ko ang nangyare, inabot ko naman ang tubig at malamyang ininom ito, ng makabawi na ako ay inilapag ko naman na ito at saka sinimulang kumain ng walang gana. Pilit ko na lang kinukumbinsi ang sarili ko na kumain, dahil kahit papaano naman ay kahit ganto kasakit at hinagpis ang nararamdaman ko ay kinakailangan ko naman paring kumain.

Susubo pa sana ako ng sausage ng matigilan ako ng mapatingin ako sa paligid ko. Lahat ng nasa mesa ay seryosong nakatingin sa akin. Si Mama ay may ekspresyong mukhang naawa, si Papa naman ay parang nagtatakha sa aking kinikilos, ganun din naman ang mababakas sa mga ekspresyon nila Ate at bunso.

Napabuntong hininga na lamang ako bago walang ganang inilapag ang tinidor kung saan nakatusok ang sausage ko. Nakanguso naman akong napayuko, ayaw ko na kasing malaman pa nila kung anung pinagdaraanan ko. Okey na sa akin na si Mama na lang ang tanging nakakaalam sa nangyayari sa buhay pag-ibig ko na naging sawi pa.

Kung magagawa ko lamang na pigilan ang nararamdaman ko sa mga oras na to, ay gagawin ko. Ngunit hindi ganun kadali sa akin na kalimutan na lamang basta-basta ang nangyare sa pagitan namin. Na kahit man lang sa ilang buwan na pagiging magkaibigan namin ay masasaya na lamang ang tanging maaalala ko.

Halos mapapitlag naman ako sa kinauupuan  ko nung biglang kuritin ako ni ate sa bewang ko. Matamlay naman akong humarap sa kanya, habang siya naman ang masamang nakatingin sa akin at may inginuso. Napatingin naman ako sa nginunguso ko at laking gulat ko na lamang ng makita si Papa na parang naiinis na nakatingin sa akin.

Parang pa nga ba? Tss.

"Kanina pa kita tinatanung Stacey at parang ang layo-layo ng kausap ko. Saang lupalop ba napunta yang imahinasyon mo!" Mahinang maydiin naman bawat salitang ibinibitawan ni Papa.

Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon