#MBBMMNILikeYou 😍
Narrator POV
Habang nagpapakasaya ang pamilyang Mansford sa palawan ay wala silang kaalam- alam na ang kanilang mga tauhan ay pinasok na ng mga armadong lalaki. Maski ang mga guard na nagbantay sa bahay nila ay iginapos at tinakpan ang kanilang bibig. Ang mga katulong ay ikinulong sa isang parte ng bahay na tambakan ng gamit na hindi na napapakinabangan. Takot na takot ang mga ito, maski ang mga guard ay ipinasok din sa kwarto kasama ang mga trabahador.
Hindi sila makahingi ng tulong dahil may mga iba't- ibang klase ng baril ang mga ito. Hinayaan silang nakagapos at nakatakip ang mga bibig habang ang babae ay patuloy lang na humihikbi sa takot. Hindi alam ng mga armadong lalaki na may dumating na isang fortuner upang puntahan ang dalaga ng Mansdord. Si Tyler Fuentabilla. Nagtataka ang binata dahil sa wala man lang siyang makita kahit isang tao man lang sa bahay ng pamilyang Mansford , kaya naman naglakas itong pumasok kahit walang pahintulot. Papasok na sana ng bahay ang binata ng makasalubong niya ang isang armadong lalaki na may takip sa mukha nito at naka cap.
Nanlaki naman ang mata ng binata ng mapadako ang tingin nito sa baril na nasa kamay ng lalaki, akmang susuntukin niya naman ito ng makaiwas ang lalaki at namamadaling tumakbo palabas ng bahay, doon niya lang napagtanto na marami ang mga armadong lalaki. Nakaramdam siya ng takot para sa dalaga.
Dahil sa pag-aalala niya ay, pinasok niya na ang bahay ng pamilyang Mansford at iniisa-isang pinuntahan ang mga silid ng mga ito. Napansin niya naman na wala ang mga ito at walang nagbago sa ayos ng mga gamit nito kaya nakahinga siya ng maluwag. Pero kataka-taka pa rin para sa binata na wala ang mga trabahador nito, ngunit wala naman siyang nakitang pinasok sa van na trabahador ng mga hindi kilalang mga armadong lalaki. Pumunta siya sa pool side ay isang silid ang nakapukaw ng atensyon ng binata. Dahil may kakaibang kalabog na nagmumula dito. Hindi nagalinlangan na binuksan niya ito at ganun na lamang ang gulat nito ng makita ang mga trabahador na nakagapos at nakatakip ang bibig.
Isa-isa naman nitong kinalagan ang mga trabahador at todo ang pasasalamat sa kanya. Nag report naman ang mga ito sa pulis. Siya naman ay tinawagan ang dalaga, ngunit sumagi sa isip ng binata habang hinihintay ang pagsagot ng dalaga sa kabilang linya na, bakit hindi siya sinaktan ng mga ito? Unlike sa mga trabahador. Tila palaisipan sa binata ang nangyare.
****
Stacey's POV
Nagt-take lang ako ng picture using DSLR ng biglang mag ring ang phone ko. Kumalabog naman ang dibdib ko nung makita sa screen kung sinu ang tumatawag. I took a breath before i answering his call.
"What?" Kunware galit ako.
"I have no times to have an argue with you. I have a news, a bad news." I gasped when i heard him say. God i feel afraid.
"So what now?" i ask him calmly.
"You... and your family. You have to back in your house immediately. They has an kidnapped accident... no i mean pinasok ang bahay niyo, then your workers got scared because they sealed there mouth to shot out there hell fucking mouth. They in closure them with a fuck packing tape while they feet and hands are tying." Halos mapasinghap naman ako sa sinabi nito. Kinabahan ako fuck. Sinu ba ang gumagawa sa amin nito. Makakapatay talaga ako ng tao kapag nakita ko kung sinu ang gumagawa sa amin nito at nandadamay pa ng mga inosenteng tao. Halos mapahiyaw naman ako dahil sumigaw ito sa kabilang linya.
"DRAG your family. NOW." I nodded my head na akala mo nasa harap lang ang kausap ko.
"Y-yeah. Wait for me then." Then i hang up. And ran towards my family.

BINABASA MO ANG
Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)
RomanceNaranasan mo na ba ang MAGMAHAL? Eh yung MASAKTAN habang NAGMAMAHAL? At patuloy na NASASAKTAN dahil sa iyong NARARAMDAMAN? Yung nag-umpisa sa ASARAN Na naging MAGKAGUSTUHAN Na nauwi sa SAKITAN At natapos sa IYAKAN At sabi nga nila na T...