抖阴社区

Chapter 38

1.5K 66 9
                                        

#MBBMMNAudition

Si Clinton yung nasa picture

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Clinton yung nasa picture...

Pagkadismiss pa lang sa amin ng last prof namin ay dumiretso na agad kami sa dance club, kung saan naroon lahat ng mga dancer at ang mga interesado sa dance battle.

"Sigurado ka ba talaga na kaya mo? Baka eme-eme mo lang yan ah." Si Rose.

"Di no? Kaya ko naman kahit papaano."

d0_ob

"Kahit papaano?" Sigaw nilang tatlo sa akin. Sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Ang sakit sa tenga ah! Pwede pakohinaan ang volume. Atsaka pwede ba? Kailangan ba talaga sabay-sabay?" Inis na saad ko sa kanila.

"Oo naman para dam--" hindi naman na naituloy ni Cathy ang sasabihin sa akin, dahil may lalaking humarang sa amin.

Isang lalaking nakasuot ng malaking salamin at mapapansin ang kanyang damit na kulang na lang ay masakal na siya, dahil halos lahat ng botones ng school uniform ng lalaki ay nakasara.

'Buti hindi siya nahihirapang huminga sa suot niya.'

"Anong kailangan mo?" Malumanay na tanong ko sa kanya.

Nakatungo naman ito habang nasa harap namin, kaya hindi ko masyadong makita kung ano ang itsura nito, basta ang makikita ko lang ay makapal na salamin na suot nito.

Napansin ko naman ang pagiging uneasy niya, mukhang nahihiya pa siguro, base sa ID ng lalaking nasa harapan ko ay third year pa lang ang isang to, kaya katakha-takha ang ginagawa niya sa building namin.

"A-ah! G-gusto k-ko po s-sanang i-ibigay s-sa i-iyo po i-itong b-box na to." Napangiti naman ako dahil sa paraan ng pananalita niya, ang cute niya kase nauutal-utal pa siya habang iniaabot niya ang isang box na may nakabalot na ribbon.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa lalaking nasa harapan ko.

"Kanino galing to?" Nakangiting saad ko sa kanya, at bahagya pa akong yumuko para makita ang mukha nito, pero iniiwas naman nito ang mukha niya. Pero hindi makakaiwas sa akin ang gwapong mukha ng bata na nasa harapan ko.

Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon