抖阴社区

Tsonggo ? Chucky

1.4K 26 3
                                        

Be ready for the upcoming Epilogue of Mr. Bad Boy Meets Ms. Nerd

Hope you like it!

~*~

Animo'y parang tinutunaw ang puso ko sa mga nakalipas na araw na magkasama kami ni Tyler. Hindi nga lang maiwasan na maging maingat sa harap ng ibang tao, lalo na at isa lamang ang aming kinaroroonan. Sa school, mainit sa mga mata ng estudyante at ang mga tao'ng may posisyon sa paaralan ang pagiging madalas na makitang mnagkasama ang isang estudyante at ang isang professor.

Kinakailangan pa naming mag-ingat sa tuwing gusto naming makita ang isa't-isa. Isa sa mga ipinagbabawal sa paaralan ang pagkakaroon ng relasyon sa pagitan ng estudyante at guro.

Magdadalawang lingo narin simula nung nagkaroon ng kasiyahan sa bahay nila Charles.

Hindi narin naman nagkaroon pa ng pagaayayaan muli. Balik na naman kase sa pagiging busy ang mga kaibigan ko. May kanya-kanya na silang trabaho at kung may mga oras naman na magiging available sila, ngunit may mga dadalawin naman sila.

May mga panahon na hindi naman namin magawang magkita ni Tyler dahil narin abala kami sa kanya-kanya naming buhay. Pero hindi ko lang maiwasan na mag-alala sa kanya ngayon. Dalawang araw narin simula nung huli kaming magkita. Tatawag lang siya kung kailan tapos na siya sa kanyang ginagawa.

Ngayong lunes ay hindi man lang siya nagparamdam sa akin hindi tulad nitong mga nakaraan. Nasanay narin kase akong nagkakausap kami bago matulog at bago pumasok sa school.

Nasa university na ako ngayon at kasama si Glen pero wala akong natanggap na text o kung ano mang tawag mula sa kanya.

"Baka busy lang talaga iyon. Malapt narin kase ang pre-lim naten e." Sabi niya, habang naglalakad kami patungo sa unang class namin.

Nagkibit balikat nalang ako. Ayaw ko na kaseng mag-isip pa ng kung ano-ano ngunit hindi ko naman maiwasan. I really want to call him right now but the other side of me, saying that I have no reason to be bothered about him. He's just probably busy to what he's really doing.

"Sana nga. Kakausapin ko nalang siya siguro mamaya. Wala naman sigurong masama kung magtanung ako kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon and the passed few days, right?" Nilingon ko si Glen. Kasalukuyan niyang pinapanood ang gianagawang practice game ng mga player ng base ball team.

Nahagip ako ng kanyang paningin kaya agad siyang lumingon sa akin. Tulad ko ay nagkibit balikat rin siya. Tumango nalang ako at mas naunang maglakad para makarating agad sa room. Busy pa ata siya pagnasaan ang mga lalaking nasa field habang pumepwesto sa pag-bat ng ball.

"Hoy!? Wait lang naman!" Narinig ko pang sigaw niya. Tinaas ko nalang ang kamay ko, sumenyas na mauuna na.

Sagana kase sa mga oras na to ang kanyang mga mata. Hindi ko maipagkakailang natutuwa ako kapag kasama ko ang isang to! Natutuwa ako sa mga simpleng paglingon-lingon niya sa mga kalalakihan.

Mabilis siyang nakasunod sa akin at sabay kaming pumasok sa room. Hinampas niya pa muna ako sa balikat bago ako maupo sa pwesto ko.

"Ang hilig mo talagang mang-iwan,eno!?" Inis na sumbat niya at naupo narin sa tabi ko.

"Paano'ng hindi kita iiwan, e mukhang nasisiyahan kapang busugin ang mga mat among mahalay, magtigil ka nga kahit minsan lang!" Natawa ako nung sumama ang mukha niya sa sinabi ko.

"Yun na nga lang ang mga pinagkakaabalahan ko ay pipigilan mo pa! Sobra kana! Hindi porque ay nagkaayos na kayo ng Tsonggo mo ay gaganyanin mo na ako! Ang sama mo!" Bulyaw niya, pero tama lang para kami lang ang makarinig ng pinag-uusapan namin.

Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon