抖阴社区

Chapter 26

1.9K 65 49
                                        




#MBBMMNCuriosityKillsRomanticExcitement

  Stacey's Pov 

 Binagsak ko na lang ulit ang katawan ko sa kama. Istorbo talaga yung Tsonggo na yun kahit kailan e. Tatawag-tawag, wala naman palang sasabihin, tapos nangiistorbo pa. Pero nakakainis talaga e yung time na yun, ay hinde mapigilan ng puso ko na hinde tumibok e. Lage na lang parang mabibingi ako sa lakas nito. Anu bang ginagawa mo sa aking Tsonggo ka at ganto na lang ang epekto mo sa akin. Napaisip naman ako.

.....Ah.. baka naman kinakabahan lang ako sa tuwing kasama ko siya.... kaya ganto na lang ang bilis ng tibok ng puso ko? Oo tama.. tama... Stacey malamang ganun lang yun. Wag mo na lang intindihin.

 Halos mapatalon naman ako habang nakahiga sa kama dahil sa may kumatok sa pintuan. Lalim kase ng iniisip ko e. 

 *toktok

 "Bukas po yan."sigaw ko naman, habang nakahiga parin sa kama. Dumungaw naman sa pintuan ko ang isa sa mga kasambahy namin.

 "Ma'am. May naghaha----" hinde naman natuloy ang sasabihin nito dahil bigla na lang kumidlat ng napakalakas. At kasunod nito ang malakas na pagbuhos ng ulan. Wala namang bagyo ngayun ah. Base sa weather caster, meron lamang na namumuong bagyo pero hinde pa nakakapasok sa Philippine Area of Responsibility. Pero gayun na lamang ang lakas ng ulan.

 Whatever. Iba na kase ang panahon ngayun e. Umuulan-ulan na lang kahit walang bagyo.

 "Anu ho ulit?" Tanung ko naman ulit sa kasambahay namin. Napatingin naman ulit ito sa akin dahil napukaw ng bintana ko ang kanyang atensyon dahil sa pagbuhos ng ulan.

 "Ah. Kase po Ma'am may lalaki po kase sa labas. Hinahanap daw po kayu e." Napatayu naman agad ako sa kama, matapos marinig ang sinabi niya. Watdapak. Wag niyong sabihin na si Tsonggo yun. Di kaya yun ang kanina niya pa sinasabi na Buksan ang pinto? E baliw pala siya e. Pinto ang sinasabi niya, samantalang nasa labas pala siya. Dapat ang sinabi niya ay gate hinde pinto. Okey ako na si Miss Perfectionist. Sorry naman.

 Sumenyas naman na ako sa kasambahay namin na susunod na ako. Geez! Anu bang balak ng lalaking yun at nandito sa bahay. At saka panu niya nalaman ang bahay namin. Hinde kaya stalker ko siya? Asa Stacey. Iyon stalker mo. Ang assuming mo naman kung ganun. Ay nabubuwang na ako kakausap sa sarili ko.

 Pumasok naman agad ako sa walking closet upang makapagpalit na. Nagtukong lang ako na itim at black v-neck. Ang lakas maka emo. Parehas na itim. Favorite ko kase ang black ang cool kaseng tignan. At wag na kayung magtanung kung bakit favorite ko ang black dahil inborn na yan. Para kaseng YG Entertainment e. Madalas mga dark color ang suot nila pag may dance practice sila o kaya naman kapag gagawa na sila ng MV.

 Lumabas naman agad ako ng kwarto. At tumakbo pababa sa hagdan. At dahil flexible ang katawan ko ay easy na lang sa akin ang mga ganung gawain. Magaan lang kase ang katawan ko.

 Bakit hinde na lang muna papasukin ang ng guard sa bahay kung may naghihintay pala. Ugh. Nakalimutan ko pala na hinde basta-basta nagpapapasok sa bahay ang mga guard dito lalo na at isa ang mga magulang ko na mainit sa mga mata ng media dahil nga isa sila sa mga mayayaman. Oo sila lang dahil magulang ko lang naman ag nagpalago nun. Anak lang naman kami na nakikinabang lang sa naipundar nila.

 "Oop...oop... Stacey. San ka pupunta? Ang lakas-lakas ng ulan sa labas. Tapos lalabas ka?" Pigil naman sa akin ni Ate na hanggang ngayun ay prenteng nakaupo sa sofa, habang hawak-hawak ang cellphone niya. Tss.

Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon