抖阴社区

Chapter 44

1.9K 59 9
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


#MBBMMNContinuation

NICKIE'S POV

Habang patuloy ako sa pagmamaneho ng hindi sinasadyang mapatingin ako sa rear view mirror.

Nakaramdam naman ako ng kaba nung mapansin na kanina pa sumusunod sa akin ang isang kotse na kulay puti, kaya naman walang alinlangan na binilisan ko ang pagmamaneho.

Hingal pa akong bumaba sa kotse dahil sa kabang nararamdaman ko.

Masyado na akong napapraning, nakakaramdam na rin ako ng takot, na baka mamaya ay may bigla na lang bumaril din sa akin.

Habol-habol ko pa ang hininga ko, habang papasok sa hospital. Napaatras naman ako nung mapansin na may mga iilang mga media ang nasa tapat ng hospital kung saan naka confine si Papa, kaya naman habang wala pang nakakakita sa akin ay dali na akong umatras sa likurang bahagin ng hospital at doon dumaan hanggang sa makapasok sa elevator.

Pinundot ko naman ang button kung saan floor ang kwarto ni Papa. Napatingin pa ako sa screen na nasa taas ng elevator kung saan makikita kung nasaang floor na ang itinatakbo ng elevator.

Mga ilang sandali rin ay tumigil na ito at saka nagtungo sa kwarto ni Papa. Napansin ko pa ang mga body guard na nasa tapat ng kwarto ni Papa kaya naman nagsipagyukuan sila nung mapansin nila na papalapit ako sa kanila.

Tinanguan ko na lamang sila at akmang papasok na sa kwarto nung mapansin ko ang ilan sa kanila ay may mga bangas sa mukha, kaya naman gulat akong napatigil at napatingin isa-isa sa kanila.

Nanatili naman silang nakayuko sa harapan ko.

"Stand straight!" Utos ko at saka naman nila ako tinignan.

{O_O}

'Ano na bang nangyare sa mga to at nagkabangas ang mga mukha?'

"Anong nangyare diyan?" Tanong ko.

Umabante naman ang isa sa kanila at saka nag-umpisang sagutin ang tanong ko.

"Binugbog po ng kapatid niyo."

{O_O}??

'H-huh!?'

"W-what? What do you mean?"

Napangiwi pa ang kaharap ko bago sagutin ang panibagong tanong ko.

'Kapatid ko? Sino? Si Naster? Alangan naman si Stacey? Tsk! Don't me.'

"Si Ma'am Stacey po..." naka yukong sagot nito.

*LUNOK*

Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon