抖阴社区

Chapter 37

1.4K 55 17
                                        

Si Kez yan!! Yan ang EX ni Tyler na nagkabalikan ulit.

#MBBMMNKissFromStranger
#MBBMMNHambogVs.Panot

Papasok naman na ako sa gate, dahil kakalabas ko lang sa kotse namin. Hindi ko maiwasang palihim na mapangiti sa mga nasasasaksihan ng mga mata ko.

Napapatingin sa akin ang mga babae at lalaki na makakasalubong ko.

'Tss. Ang ganda ko no?'

"O my god! Siya ba yung kaibigan nila Tyler?"

"Siya nga. Dati nerd lang siya, tapos gumanda na siya, ngayon naman naging malamodel na ang mga kilos. Isang araw lang siyang hindi pumasok tapos ganyan na ang nangyare."

"Balita ko kase ay nililigawan talaga siya ni Tyler, kaso bumalik yung Ex Girlfriend ni Tyler, then dito na rin nag-aaral ngayon yung babae."

"Really? Maganda ba?"

"Balita ko, maganda daw e. Malamodel nga ang dating e."

"Si Stacey rin naman e. Kita mo nga ngayon oh. Ang ganda-ganda na, hindi ko akalain, ang laki ng igaganda ni Stacey."

Napatiim bagang na lang ako, sa mga naririnig kong usapan ng mga babae, bago ako makapasok sa building namin.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis, matapos marinig ang mga usapan ng mga babaeng nadaanan ko kanina. Bumuntong hininga na lamang ako, para pakalmahin ang sarili ko, hindi naman pwedeng basta ko na lang sugurin ang mga babaeng yon, dahil tama rin naman ang mga sinasabi nila. Hindi naman tama na porque nagbago na ang pananamit ko, i mean nakauniform parin naman kami,  yung tinutukoy ko ay yung pananamit ko, pag hindi na ako nakauniform.

Isa na rin ang paglalagay ko ng make-up na dati naman ay halos mandiri ako. Yung heels na dahilan kung bakit ako nagkakasugat sa paa, ay napilitan na rin akong isuot, dahil kailangan ko na ring baguhin kung ano ang nakasanayan ko dati.

May nakasalubong naman akong mga grupo ng mga lalaki, kaya naman inayos ko ang tindig ko, at iniangat ang mukha ko, at nakangising tinignan sila.

Napasipol naman ang iba, at ang iba naman ay parang huhubaran ako, sa paraan ng pagtingin.

'Kung hindi lang talaga ako broken hearted, malamang ay lumapat palang ang paningin nila sa akin ay sapak na ang inabot nila. Pero dahil sa ikabubuti ko rin naman ito, ay napilitan na lang akong balewalain.'

Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon