#MBBMMNRevealed
STACEY'S POV
Tuliro ako nung muli akong makarating sa hospital. Hindi ko talaga maisip o kung sino ang tinutukoy ni Trevor sa sinabi niya. Malapit sa taong mahal ko? Sino? Atsaka mga kaibigan ko lang naman atsaka ang pamilya ko ang mga nakakalapit sa akin at malapit sa akin. Bukod doon e wala na akong maisip. Maimpluwensya rin daw siyang tao sabi ni Trevor, ibig sabihin tama ang hinuha ko na tungkol sa negosyo kaya miya nagawa iyon. Kung ganun may mga nakakaaway ba si Papa na wala kaming alam.
Nadatnan ko sila Mama at sila Ate. Nagulat pa ako nung makita ko sila Rose, Cathy at Bria. May kanya-kanya itong mga hawak na basket ngunit pare-parehas lang ang mga laman nito, prutas.
"Bakit ngayon kalang Stacey? Kanina kapa nakauwi pero ngayon kalang nakadating dito, atsaka bakit ganyan ang pananamit mo, galing ka ba sa lamay at naka all black ka? Para kang ninja at may cap kapang nalalaman. Atsaka kay dala kapa talagang helmet ah! Ano kaba kulto o ninja?" Napailing na lang ako sa kadaldalan ni Rose. Nilapag ko naman sa sofa ang hawak kong helmet atsaka naupo sa tabi nito.
"Anong ginagawa niyo dito!?" Walang emosyong tanong ko. Napansin ko na napangiwi sa tanong ko si Rose.
"Sa dami ng tanong ko iniisa wala ka man lang nasagot!" Aniya at umirap. Narinig ko naman na natawa si Mama.
"Anong ginagawa niyo dito!?"
"He! Ano bang ginagawa sa hospital kapag may sakit?"
"Tss."
"Psh! Kita mo to." Nakangusong saad niya. Inungasan ko naman ito.
"Saan ka na naman galing at kailangan talaga naka all black ka!?" Si Ate.
"Paborito ko e." Sagot ko na lang.
"Nako tita alam niyo ba na ang ingay-ingay ng anak niyong yan sa school." Madaldal na aniya na naman ni Rose. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
{-_-}
'Ako madaldal? Minsan lang uy!'
"Totoo ba? Sa bahay kase ang tahimik niyan at akala mo ay laging may kaaway kung umasta at sumagot, akala mo laging sinisilaban at ang init palagi ng ulo." Si Mama.
"Ganun po ba? Sa school kase sa sobrang daldal niya ay bumabaho na ang hininga sa sobrang daldal. Nako talaga! Hindi mo pa makausap ng matino at laging pilosopo nauuwi ang usapan. Kabadtrip lang tita, tinatanung mo kung saan siya galing tapos sisinghalan ka lang ng malupit na tss niya.. O diba ang ganda ganda talaga kausap." Talak ni Rose. Natawa naman si Mama sa kanya dahil parang hindi nauubusan ng boses ang isang to at hindi napapagod ang panga. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin.
"Hindi ko nga alam kung saan ko pinaglihi ang batang yan at napakatahimik, magsasalita lang kapag gusto niya o kaya naman may tanong o kaya ay galit."
"Oo nga po e. Tapos napakayabang pa po niyan, porque nakaka perfect sa mga quiz and exam. Sinasagot-sagot niya na lang si Panot." Akala mo talaga e.
"Akala mo naman kung sino kang mabait at hindi rin sinasagot si Panot, samantalang ikaw nga ang nagbansag na Panot sa lec naten."
Napakamot siya ng batok. "Ah hehehe.. Oo nga po."
Sinamaan naman ako ng tingin ni Ate, Naster at Mama. Pare-parehas na madidilim ang kanilang mukha habang nakatingin sa akin. Tanging nagawa ko na lamang ay bumuntong hininga.
"Totoo ba ang sinasabi ng maganda mong kaibigan." Madiing saad ni Mama. Nakita ko naman ang pagsilaw ng ngiti sa labi ni Rose. Tss.
"Ehehehe.. hende nemen pe pero thenk ye neren pe." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa pagbabago ng boses ni Rose.

BINABASA MO ANG
Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)
RomanceNaranasan mo na ba ang MAGMAHAL? Eh yung MASAKTAN habang NAGMAMAHAL? At patuloy na NASASAKTAN dahil sa iyong NARARAMDAMAN? Yung nag-umpisa sa ASARAN Na naging MAGKAGUSTUHAN Na nauwi sa SAKITAN At natapos sa IYAKAN At sabi nga nila na T...